"Ugh, watch where you're going brat!," sabi ni Ate Daphne.
Sa dinami-daming studyante na nagdismissal na, siya pa talaga nakabangga ko. Galing mo talaga magasar, tadhana.
Ba't ba siya nandito sa hallway ng grade 9? Tsaka, 'di lang naman ako yung hindi tumitingin.
"Kung tumitingin ka din po sana, edi nakaiwas ka po at 'di po tayo nagbanggaan," then I gave her a sweet fake smile.
Nilagpasan ko na siya dahil ayokong pahabain pa confrontation namin. Masyado na akong preoccupied sa nangyare kanina, I don't want to have another one.
Bumaba na ako sa building namin saka ako pumunta muna sa MPR. Nakakahingal pala magwalk-out, grabe. Umupo ako sa mga bench saka kinuha yung tubig sa bag ko.
"Raine!"
Grabe, ang bilis naman neto makahabol sakin. Napansin pala niya ako umalis, akala ko nastuck na mata niya sa cellphone niya eh.
Tinaas ko yung kanan na kilay ko saka ko finold arms ko (para magmukhang mataray lang), "Oh ano?"
Lumuhod si Jere sa harapan ko at hinahabol hinga niya. Halatang tinakbo eh.
"Hey, ba't ka nagwalk out? May ginawa ba ako?," he said with an innocent tone. Inirapan ko siya saka binuksan yung tubig at uminom.
"Sa pagkakatanda ko, wala naman eh," dagdag niya. Straight kong ininom yung tubig saka tinapon aa basurahan.
"That's the point, wala kang ginawa dahil busy ka sa ka-text mo. Sino ba yon ha?"
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko, "So... may ginawa nga ako?," ani Jere.
Anak ng patola naman oh!
Kinuha ko bag ko saka tumayo at naglakad paalis. Tch, ako na lang gagawa ng project namin. Madali lang naman siguro 'yun.
Hinigit niya yung braso ko dahilan para mapayakap ako sakanya. Niyakap niya din ako ng mahigpit.
"I'm really sorry kung may ginawa man ako or wala. Kung ano man nakita mo, wala yun. Okay? Pinsan ko yun na ngungulit," sabi niya habang hinahaplos buhok ko. He really knows how to calm me down.
Humiwalay ako sa yakap niya at sinabing, "Promise? Wala kang iba? Hmm?"
Natawa siya sa tanong ko at umiling. Niyakap niya ulit ako at hinalikan sa ulo. Niyakap ko din siya ng mahigpit.
"Nako, selosa na girlfriend ka pala. Tsk tsk, pa'no yan?," sabi niya habang hinahaplos buhok ko.
"Anong pa'no yan?"
"Selosa ka, seloso ako. Lagi tayong magaaway," saka siya humiwalay sa yakap at tumitig sa mukha ko, "Best friends na lang kaya tayo ulit?"
"Ah ganon," kinuha ko kwelyo niya saka hinigit papalapit sakin. 1...2...3!
*tick*
Agad akong tumakbo palayo sa kanya nung pinitik ko noo niya. Hilig magbiro eh, kainis.
"Aray! Oy Raine!"
Hah, bahala siya! Lalo kong binilisan takbo ko hanggang sa makarating ako sa gate ng school. Nakita ko naman na andoon na din pala yung tropa kaya dumiretso na ako sa kanila.
"Oh an'yare sayo? Saka, ba't ka nagwalk-out kanina?," tanong agad sakin ni BK. Nagsign ako ng wait lang sakanya dahil hinahabol ko pa hininga ko.
Inabutan naman ako ni Mariel ng tubig pero tinanggihan ko dahil kakatubig ko lang. "Wala, trip ko lang."
Nagkatinginan kami ni Flynn sa sinabi ko pero agad din siyang umiwas. Huh, weird.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
RomanceAno nga ba ang isang puso na gawa sa papel? Sabi nila, ang mga puso daw ng mga tao, dalawang klase lang yan. Isang pusong bato, at isang pusong papel. Ang pusong papel ay isang bagay na madaling masira sa isang punit lang. 'Di katulad ng pusong...