Flynn's POV
"Para po!" Sabi ni Lorraine ng magkatitigan kami.
Ng bumaba na siya, agad agad siyang pumunta sa isang subdivision. Hay, hanggang ngayon iniiwasan niya pa din ako. Bakit kasi ganun na lang ako makapagreact kanina? Aish! Ayoko lang naman siyang masaktan ulit eh.
Naghintay ako ng ilang minuto bago ako bumaba ng jeep. Hindi ako bumaba kanina sa barangay ko kasi gusto kong makita at malaman kung saan pupunta si Raine. Gusto ko lang masigurado na safe siya.
Ay, ano ba yan Flynn! Ano bang pinagiisip mo.
Ng makababa na ako ng jeep, pumara ako ng tricycle papunta sa barangay ko. Pero bago ako makasakay, tiningnan ko kung may pamasahe pa ako. Kulang ng dalawang piso. Ay oo nga pala, binigay ko nga pala sa kanya. No choice. "Wag na pala manong, hehe. Maglalakad na lang ako."
Napansin ko naman yung pagkainis niya sa akin. "Iho, pwede ba, bago ka gumawa ng aksyon, pagisipan mo muna ng mabuti. Gumugulo kasi ang sitwasyon pagpadalos dalos ka."
Pagkasabi naman niya ay agad ng pinatakbo ng mabilis ang tricycle.
Hala grabe, tumanggi lang naman ako na sumakay eh, pinangaralan na ako, psh.
Naglakad na ako papunta sa barangay na tinitirhan ko, medyo malayo din pala. Bakit ko ba kasi siya hinintay? Kakasabi nga lang ng tao na iiwasan ka niya, lapit ka pa din ng lapit, aish. Minsan ang bobo mo Flynn eh.
Ng makadating ako sa dorm ko, nakita ko naman yung mga naglalasing sa tap at ng gate.
"Oh Flenn!! Tara na, tagay na tayo oh! Tara!"
"Ayan nanaman kayo eh, hapon pa lang oh. Inom na agad inaatupag niyo. Tsk tsk, hahahaha."
"Eh hayaan mo na, dito na nga lang namin nadadaanyung mga problema namin sa buhay eh."
"Asus, ang sabihin mo, gusto mo lang makatakas sa mga pangaral sayo ng asawa mo Manong Peneng! Hahahaha."
Sumigaw naman lahat ng kasama niya ng narinig nila iyon. "Huli ka balbon! Hahahahaha" Kasi naman, wala ng inatupag kundi trabaho at pagiinom. Di na yata nilalambing ang asawa niya gabi, kaya ayan, sinusumpong ng selos. Hahahaha mga matatanda nga naman.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
RomanceAno nga ba ang isang puso na gawa sa papel? Sabi nila, ang mga puso daw ng mga tao, dalawang klase lang yan. Isang pusong bato, at isang pusong papel. Ang pusong papel ay isang bagay na madaling masira sa isang punit lang. 'Di katulad ng pusong...