Flynn's POV
Matapos ang pagpayo sakin ng girls, pinuntahan nila si Raine sa clinic, naiwan naman ang mga lalaki.
Napansin nila Adrian at Edward ang pagiging tahimik ko.
"Oy brad, may problema ba?" Tanong ni Edward.
"Oo nga, dati para kang tv kung magingay, ngayon naman mas tahimik ka pa sa sementeryo." Sabi naman ni Adrian.
Sinamaan ko ng tingin si Adrian, kaya naman agad niyang binawi ang biro niya. "Dejoke lang pards, ano nga meron sayo?"
"*sigh* Hindi ko nga rin alam eh. Hindi ko alam kung may problema ba talaga ako. Hindi ko alam kung may dapat ba talagang problemahin. *sigh*" Sagot ko naman sa kanila.
"Okay? Una, ang lalim at amoy burger yang hininga mo. Pangalawa--" Biglang sumingit si Adrian sa sinasabi ni Edward.
"Ako na magtutuloy ng statement mo brad. Pangalawa, mas kaya ko pa yatang intindihin yung mga love story ng matandang dalaga na teacher natin sa Physics kaysa sa mga sinasabi mo, Flynn." Biro nanaman ni Adrian.
Minsan ang sarap upakan ng dalawang to'. Gusto mong magseryoso, pero hindi naman sineseryoso mga sinasabi mo. Minsan hindi pa naniniwala, hayss. Sila yung una kong ipapadeliver sa planetang susunod na titirhan ng mga tao kapag occupied na ang Earth.
"Psh. Kung ayaw niyong makinig, wag na lang. Hindi din naman yata kayo interesadong malaman." Umalis na ako sa dalawang unggoy na yun. Aakyat na nga lang ako sa taas. At least doon, tahimik pa.
Ng makaakyat ako sa pangalawang palapag, sakto namang andun din ang girls. May pinagkukumpulan yata sila.
Ng lumapit ako, nakita ko si Raine.
Umiiyak...
Sht. Anong nangyari kay Raine?! Sinaktan ba siya ulit nung Jere na yun? Nako, kapag talaga nalaman ko yung dahilan kung bakit umiiyak si Raine, malalagot sakin yung taong nagpaiyak sa kanya.
Napansin ako ng girls at sinenyasan na lumapit ako kay Lorraine.
"Anong nangyari?" Bulong ko kay Gina.
"Lapitan mo na lang siya, hayaan mong siya mismo magsabi sayo kung bakit." Sabi naman ni Gina.
Nilapitan ko nga si Lorraine at ng malipat ang tingin niya sakin, tinulak niya ako palayo at tumakbo papataas. Nagulat ako sa ginawa niya kaya naman napatayo lang ako at tinitigan siyang umakyat sa taas.
"Oy anong tinatayo mo dyan Flynn?!" Tanong sakin ni Bella.
"HABULIN MO!!!" Sigaw nilang lahat pabalik sakin.
"Hay, jusko po." Sabi ni Marie
Lorraine's POV
Ugh, ayokong umiiyak. Sana hindi ako hinabol ni Flynn. Ayokong nakikita niya akong umiiyak. Ayoko.
Pumasok ako sa classroom. Sakto wala yung mga tao, recess eh. Pumasok ako doon, at nilock ang pinto. Sumandal hanggang sa makaupo na ako sa sahig.
Bakit ba ako naiyak? Dati hindi naman ako ganito eh. Kahit na may nang babackstab sakin o kaya naman jina-judge ako ng mga tao, I manage to stay firm.
Pero bakit ngayon, humina ako? Bakit nung nagkaroon kami ng konprontasyon ni Flynn, parang lahat ng sinasabi niya, totoo? Yung talagang parang sinasaksak ako sa puso bawat tanda ko sa mga sinabi niya sa akin.
"Hindi ko alam kung nagpapakatanga ka ba or sadyang tanga ka lang talaga pagdating sa lalaking yan."
"Hindi ko alam kung nagpapakatanga ka ba or sadyang tanga ka lang talaga pagdating sa lalaking yan."
"Hindi ko alam kung nagpapakatanga ka ba or sadyang tanga ka lang talaga pagdating sa lalaking yan."
"Hindi ko alam kung nagpapakatanga ka ba or sadyang tanga ka lang talaga pagdating sa lalaking yan."
"Nagpapakatanga nga ba ako? Or sadyang gusto ko lang maramdaman yung pagmamahal na dati ko pang hinahangad mula sa taong mahal ko rin?"
*BLAG BLAG BLAG*
Sunod sunod na kalampog sa pintuan ang narinig ko. Ng makita ko kung sino yon, nagsisisi pa akong tumingin ako.
"Lorraine! Magusap tayo! Bakit ka umiiyak?!" Sigaw ni Flynn.
"Iwanan mo na lang muna ako Flynn, gusto kong mapagisa!" Sigaw ko pabalik.
"Hindi ako aalis, Lorraine! Hangga't maaari, hindi kita iiwan! Kilala kita Lorraine! Kaya please, buksan mo to' at magusap tayo." Pagmamakaawa sakin ni Flynn.
Hindi ko siya pinapansin. No. Hindi, kaya ko to'. Kakayanin ko to. I can stay firm without a help from anyone.
Pinunas ko yung luha ko at inayos ang sarili ko. Saka binuksan ang pinto. Pagkabukas ko pa lang, agad na akong hinila at niyakap ni Flynn. Sinusubukan kong kumalas pero ang higpit ng yakap niya.
"Ayos lang ako, Flynn."
"Hindi. Hindi ka ayos. You're bad at telling a lie, Lorraine. Tell me why? Why? Bakit?" Fck. No. Namumuo nanaman yung luha sa mata ko. Wag mo kong tratraydurin.
Pinakawalan na ako ni Flynn sa yakap. Sabay bagsak ng luha ko ang kanyang matatalim na titig sa aking mga mata. At muli, niyakap niya ako.
Pero, tinulak ko na siya ng palayo.
"Bakit Lorraine? Anong problema?" Tanong sa akin ni Flynn.
"Anong problema?! Ha?! IKAW! Ikaw yung problema! Kanina, hindi ko alam kung anong nangyari sayo at ganun na lamang yung reaksyon mo kay Jere?! Ang alam ko lang, ay galit ka sakanya dahil siya ang tunay na minahal ni Daisey at hindi ikaw. Pero hindi ko malaman ang rason kung bakit ka ganun magreact nung pinatawad ko na siya!" Sigaw ko sakanya kasabay ng pagbuhos ng luha ko.
"Ayoko lang na masaktan ka ulit dahil lang sa iisang lalaki na nanakit sayo noon!" Sigaw niya pabalik sa akin.
"Hindi porket nasaktan ako at ikaw ang sumuporta sa akin eh kilala mo na yung buong buhay ko, Flynn! And the things you said to me earlier was very hurtful. I thought that, you will also forgive him and move on. But I guess it's just a thought after all." Sumbat ko pabalik sa kanya. Hooooo. It feels so good to let out your feelings.
Paalis na sana ako ng classroom ng hilahin niya ako at lumuhod sa harapan ko.
"I'm sorry, Raine. I'm really sorry. Sorry kung napagsalitaan kita ng masama kanina. Nadala lang ako sa galit ko kay Jere. Alam kong hindi pa kita lubusang kilala, pero ayoko lang talaga na nakakakita ng tao na nasasaktan. Kaya pasensya na." Sabi niya habang nakayuko at nakaluhod.
Lumuhod ako at inangat ang kanyang mukha.
"I accept your apology. Siguro, it's better when you and I are apart. Para iwas gulo." Pagkasabi ko nun, ngumiti ako na matamlay sa kanya at umalis para balikan si Jere sa clinic.
Flynn's POV
"Siguro, it's better when you and I are apart."
"Siguro, it's better when you and I are apart."
"Siguro, it's better when you and I are apart."
Alam kong walang espesyal na koneksyon na namamagitan sa aming dalawa, pero bakit mas masakit pa yata yung sinabi niya kaysa sa kutsilyong nakasaksak sa puso?
Anong ginagawa mo sakin, Lorraine? Bakit ako'y nasasaktan pagdating sa'yo?
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
RomanceAno nga ba ang isang puso na gawa sa papel? Sabi nila, ang mga puso daw ng mga tao, dalawang klase lang yan. Isang pusong bato, at isang pusong papel. Ang pusong papel ay isang bagay na madaling masira sa isang punit lang. 'Di katulad ng pusong...