Lorraine's POV
Maaga ako nagising kinabukasan kasi second day palang naman, at kailangan ko pangi-prepare yung mga gagamitin ko para sa audition mamaya sa dance troupe.
Automatic namang kasama yung mga dating dancers kaso kailangan lang namin magaudition para magmukhang fair ang club. Hays.
Time check: 5:41 AM
Wow. First time. Usually mga 6 pa ako bumabangon. Oh well. Inayos ko yung mga gagamitin ko mamaya sa sayaw saka mga libro ko. Bumaba ako para tingnan kung gising na ba si manang para magluto ng breakfast. At nakasalubong ko si papa sa staircase. What a perfect timing.
"Good morning princess, kumain ka na. Nagluto si manang ng favorite mong bacon." Saka siya ngumiti sa akin.
"Sige po. Uhm pa, about last night.. I'm really sorry on how I reacted towards you and tita Clarisse. Nagulat lang po ako. I didn't know na... may balak pa pala kayo magpakasal after... mamatay si mama." Sabi ko naman sakanya at halos ibulong ko na yung mga huling salita na sinasabi ko.
"It's okay, Dii. I know na mahaal na mahal mo pa rin mama mo hanggang ngayon, but just give your Tita Clarisse a chance, alright? I'll go ahead." Saka ako bineso at bumaba para makaalis. Tama si papa. Dapat bigyan ko ng chance si Tita, she seems nice naman eh.
Bumaba na ako saka dumiretso sa dining para kumain. Naubos ko yung limang bacon at tatlong hotdog at yung sinangag. Matakaw na kung matakaw pero kailangan ko ng energy mamaya. Umakyat na ako't naligo at nagbihis.
*beep beep*
Huh? Bumalik ba si papa? Sinilip ko sa bintana ng kwarto ko kung sino yung bumusina. Jere?
Agad akong bumaba kasama ng mga gamit ko saka siya sinalubong sa gate. "Jere, anong ginagawa mo dito?"
"Sinusundo ka para sabay tayo pumasok, halata ba masyado?" Sabi niya. Grabe, anong nangyari dito at masyado naging... rude? 'Di na ako naka-imik kasi bigla siyang tumawa ng malakas.
"Oy ba't ka ba tumatawa? Wala namang nakakatawa eh." Saka ako nag-pout. Nung nakita niya ako, saka lang siya tumigil kakatawa. Ang gulo naman neto, tatawa tapos biglang magseseryoso. Hays, ano bang nangyayari sayo Jere?
"Nagjojoke lang kasi ako, Raine. Mukha mo, 'di mabiro. HAHAHAHAH tara na nga!" Saka siya tumakbo sa sasakyan at sumakay. Ako naman napanganga na lang sa mga nangyare. Ang bilis grabe, magkausap pa lang kami dito tapos nakasakay na agad siya sa kotse niya. Sumakay na din ako.
"Ang baliw mo talaga." Saka ako ngumiti na parang timang. Tahimik lang kami buong byahe. At dahil maaga pa, maluwag pa yung daan kaya medyo mabilis. Habang nasa stoplight kami, bigla naman nyang in-on yung radyo.
"Good morning madlang people! Time check, it's 6:31 in the morning kaya naman let's start our day by being inloveee~ This is 91.1 For Life and this song is called Lucky by Colbie Caillat."
"Heeeey, sakto." Sabi ni Jere habang naka-ngiti. Nako talaga, ang kulet.
🎶 Do you hear me, I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying 🎶🎶 Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard 🎶Naalala ko lahat ng mga pinagsamahan namin ni Jere nung magsimulang tumugtog yung kanta namin. Oo, theme song namin yan ni Jere nung mga 1st yr high school kami. Naghihintayan kami noon matapos nang klase namin.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
RomanceAno nga ba ang isang puso na gawa sa papel? Sabi nila, ang mga puso daw ng mga tao, dalawang klase lang yan. Isang pusong bato, at isang pusong papel. Ang pusong papel ay isang bagay na madaling masira sa isang punit lang. 'Di katulad ng pusong...