Hi ate kimnicoleeeeeann and kuyaaa karlzkiee_! 💕 and salamat sa mga nagbabasa at sumusuporta dito! 💖 2k is hart hart.
Chapter 20
Lorraine's POV
Pagkatapos ang pagkwekwentuhan namin nila Adrian, Dwayne fell asleep in my arms. Kinukuha siya sa akin ni Adrian dahil mabigat siya but I didn't give Dwayne dahil ayos lang naman sakin.
Bumalik na kami sa table namin na kung saan nagtatawanan sila Papa at Tita Clarisse. They look so happy together that made me feel fuzzy inside.
Napansin naman nila kami na paparating kaya napatigil sila sa kwentuhan nila. May ibinulong si Papa kay Tita na siyang ikinangiti naman nito.
"Mukhang nagkasundo agad kayo ah," sabi ni Papa ng nakangiti.
Tumango na lang ako saka ngumiti. Nagkwentuhan pa kami ng tungkol saan-saan. Inabandona pala sila Adrian nang kanyang tatay dahil nagabroad daw ito at hindi na bumalik pa. Kaya bumalik ulit si Tita sa puder ng mga magulang niya na at namana ang CC Corp. Ipinangalan ito sakanya bago pumanaw mga magulang niya.
"Kaya hindi ko masyadong ine-encourage si Adrian na magkaroon ng mga tropa dahil siya ang tagapagmana. He can survive the business world himself when the time comes," ani ni Tita Clarisse saka ito tumingin kay Adrian. Tumango ito at tipid na ngumiti.
Oh, that's why.
Napatingin ako sa Papa ko na busy kinukuha ang bill namin. Tita Clarisse really cares for her company. Sabagay, pinaghirapan ng magulang niya iyon.
Pero sapat na rason ba yun para pagbawalan si Adrian magkaroon ng kaibigan?
Mukha namang naalimpungatan si Dwayne sa tulog niya dahil sa posisyon namin. Ng makita niya ang kuya niya, lumipat ito sakanya saka nagayang umuwi.
Kinabukasan ay wala pang mga klase dahil busy pa ang mga teachers sa pagchecheck ng test papers namin. Pero kailangan naming pumasok para kumpleto ang attendance namin.
Naglalakad ako sa hallway ng may sumigaw ng pangalan ko.
"Lorraine!," napalingon naman ako para tingnan kung sino iyon. Tumakbo siya papalapit sa akin at tumigil sa harap ko. She looks familiar, at mukhang mas matanda ito sa akin.
"Bakit po?"
Nakalagay ang kanyang kaliwang kamay sakanyang tuhod habang yung isa naman sa puso niya. Halatang-halata na hinahabol niya hininga niya
"Okay, pinapasabi ni sir Revor na mayroon daw tayong practice mamaya. Lahat ng dance troupe members--"
"Nicole!" Napalingon naman kaming dalawa sa sumigaw. Nicole? Sino yun?
Tumingin ako sa nasa harap ko at nakitang kumakaway siya sa lalaking tumawag sakanya kanina. Ngayon ko lang siya narecognize. Isa siya sa mga kaibigan ni Ate Dada, pero mabait siya.
"Kanina ka pa hinahanap nila Dada," sabi noong lalaking tumawag kay ate Nicole.
"Mikael, sabi ko sabihin mo sakanila na may inuutos sakin si Sir," sagot nito sa lalaki at humarap sa akin.
"By the way, lahat ng DT members daw e, dapat mainform. Okay lang?"
Tumango ako at ngumiti. Wala naman kasi akong gagawin ngayon eh. Kaysa naman tumunganga ako, at least may gagawin ako.
"Grabe, thank you Lorraine! Onti pa lang kasi nasasabihan ko and may hinahabol pa akong deadline sa mga requirements. Thank you talaga!"
"Ay, wala po 'yun. Wala rin naman po kasi akong gagawin."
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
RomanceAno nga ba ang isang puso na gawa sa papel? Sabi nila, ang mga puso daw ng mga tao, dalawang klase lang yan. Isang pusong bato, at isang pusong papel. Ang pusong papel ay isang bagay na madaling masira sa isang punit lang. 'Di katulad ng pusong...