Lorraine's POV
Oh god. Is this real? Like, as in?
Hinahalikan ba talaga ako ni Jere?
Totoo ba? Mahal niya din ako? After all this time?
"Finally. I said it. After 2 long years. I missed you so much, Raine. So damn much." Sabi niya ng bumitaw siya sa halik.
Hinawakan niya yung pisngi ko, saka ako tinitigan sa mata. Sht. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Do you still love me, Raine?"
"After 2 years, trust me. Nothing changed for my love for you. It's always been you, always." I really love him. I really do.
Nang sinabi ko yun, parang nagningning yung mga mata niya saka ako niyakap at binuhat sa saya.
"Jereeeeee!!! Ibaba mo kooo mygahdd may makakitaa satin hahahaha."
Binaba akong ni Jere at niyakap ulit ng mahigpit.
"Thank you, Raine. Thank you so much."
"I lov--"
*boooogshh*
"JERE!"
"Flynn! Ano ba?! Bakit mo sinuntok si Jere?!"
"Anong bakit?! Siya yung dahilan kung bakit tayo nasaktan! Nakalimutan mo na ba yun Lorraine?! Tapos ngayon, magkayakap na kayo?" Sigaw pabalik sakin ni Flynn.
"Flynn! That was two years ago! Can't you move on already?! Humingi na siya ng tawad sakin and I already forgave him. So stop being such an as*hole." Pagkasabi ko nun kay Jere, tinulungan ko siya tumayo at tiningnan yung pasa niya.
"Ako pa ngayon ang as*hole?! Eh siya nga tong nanakit eh, dahil sa kanya, NAWALA SAKIN YUNG MAHAL KO! Nawala sakin si Daisey! Alam mo naman yun diba?! Tayo yung magkaramay nung naiwan tayo! Tapos isang beses lang siya humingi ng tawad, pinatawad mo na? Ganun lang ba kadali kalimutan yon? Hindi ko alam kung nagpapakatanga ka ba or sadyang tanga ka lang talaga pagdating diyan sa lalaking yan. *smirk*" Sagot pabalik sakin ni Flynn.
"Kung ikaw hindi mo pa siya kayang patawarin, ako oo!" Sigaw ko pabalik. Ang bitter mo, Flynn.
"Bakit?! Kasi umamin na siya sayo na mahal ka rin niya?! Dahil lang dun pinapatawad mo na siya? How pathetic, Lorraine. Hanggang ngayon pa rin ba? Mahal mo pa din siya?! Ha? Di ka na ba natu--"
*PAK*Sinampal ko si Flynn. Hindi ko na kaya yung mga sinasabi niya, nakakasakit ng damdamin. Lalo na siguro kay Jere.
"OO! Hanggang ngayon mahal ko pa din siya! Ano okay na?! Ha?! Pinatawad ko si Jere dahil kilala ko siya! The last thing na gusto niyang gawin ay makasakit ng damdamin ng mga mahal niya sa buhay. I trust him. At oo, dahil mahal niya din ako kaya ko siya pinatawad. Okay na?"
"Hindi pa tayo tapos, Jere." Tumingin siya ng matalim kay Jere at sakin.
Umalis na kami ni Jere at pumunta sa clinic para gamutin pasa niya. Baka masampal ko pa ulit si Flynn pag nanatili pa ako dun. Ganun naman talaga pagdating sa pagibig diba? Nakakatanga.
Kami ang magkasama ni Flynn noong iniwan kami ng mga mahal namin, at habang ako ay umiiyak, siya naman ang nagpapatahan sakin. Ako, apektadong apektado, siya naman, apektado rin, pero kayang kontrolin ang nararamdaman niya.
Pero huwag niya ako magaya-gaya sa kanya. Hindi porke parehas kaming nasaktan, eh parehas na din kami ng hinanakit sa taong yon. Tao pa rin ako na may konsensya at matured na. Kaya dapat isa-ayos na ang lahat.
Ano bang nangyayari sayo Flynn? Alam kong nasaktan ka dahil minahal ni Daisey si Jere kaysa sayo, pero bakit hindi mo kayang magpatawad kung kailan tapos na, at nangyari na ang mga pangyayari?
Flynn's POV
Fck it. Nakakaptngna.
Ganun na lang ba kadali magpatawad ngayon?
Onting sweetness, okay na?
Isang 'sorry', ayos na lahat?
Nakakainis. Hindi niya man lang ba bibigyan ng chance yung tao para mapatunayan na totoo talaga mga sinasabi niya? Oo, alam kong magbestfriends sila, pero minsan kasi, kung sino pa yung akala mong kakampi mo, siya pa yung magtratraydor sayo.
Hay, Lorraine.
"Pare, hinga ka muna ng maluwag." Sabi sa akin ni Adrian.
"Hayaan mo na muna si Lorraine, bigyan mo muna ng space." Dagdag ni Edward.
"For sure naman alam ni Raine yung mga desisyong ginagawa niya, suportahan na lang natin siya." Paliwanag naman ni Kelly.
Umagree naman lahat ng tropa, maliban na lamang sa akin.
"Suportahan? Bakit natin susuportahan yung desisyon niya kung alam nating masasaktan siya sa ginagawa niya? Ano, hahayaan na lang ba natin na masaktan ulit siya? Alam niyo ang nangyari sa amin ni Raine, at ang pinaka naapektuhan doon ay si Lorraine. Hindi ko hahayaang umiyak ulit siya ng magdamag, at masaktan muli." Tatayo na sana ako at pupuntahan si Lorraine pero itinulak ako ni Shenzy at Gina.
"Huminahon ka nga diyan, Flynn. Bakit hindi mo muna bigyan ng chance si Jere? Malay mo nagbago na siya ngayon. Tandaan mo, mas kilala ni Raine si Jere." Saway sa akin ni Gina.
"Oo nga, at kung masaktan man si Raine ngayon, alam kong kakayanin na niya. She changed a lot since I knew her and both of your stories. She's a strong lady." Pagsangayon naman ni Shenzy kay Gina.
"At if ever man na di niya kayanin, we'll always be for her naman to comfort her." Dagdag naman ni Bella.
Sumunod naman sa kanya si Mariel, "Flynn, you have to be strong to trust Raine with her decisions. Sayo lang din siya lalapit if she needs someone."
Tama ang tropa. Kailangan kong suportahan si Raine sa kahit anong desisyon niya. Ang ayoko lang mangyari, ay masaktan muli siya, dahil lang din ulit sa isang lalaki. Ayokong makitang umiiyak siya. Kasi sa lahat ng ayoko, pinakaayaw kong nasasaktan yung mga tao sa paligid ko at wala ako nagagawa para mapabuti yung nararamdaman nila.
I know what it feels to be hurt, sinasadya man o hindi, the feeling inside can kill you a thousand times than a gun that can shoot you only once, and poof! You're dead.
Kasi ako kahit ilang beses ako masaktan, ayos lang sa akin. Kakayanin ko pa. Pero paano na lang sa iba? Kakayanin din ba nila tulad ng pagkaya ko? Yun ang ikinatatakutan ko para kay Raine...
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
RomanceAno nga ba ang isang puso na gawa sa papel? Sabi nila, ang mga puso daw ng mga tao, dalawang klase lang yan. Isang pusong bato, at isang pusong papel. Ang pusong papel ay isang bagay na madaling masira sa isang punit lang. 'Di katulad ng pusong...