Agad akong nagising sa tapik ni Flynn marahil bukas na ang school.Bumungad sakin mukha ni Flynn na may magulo ang buhok at parang 'di na nakatulog.
"Raine, tara na. Bukas na yung school, andyan na rin ang papa mo."
Bigla naman akong napatayo sa sinabi niya saka inayos ang gamit ko. Grabe, nakakahiya. 'Di pa ako naghihilamos simula kagabi.
Tumango na lang ako saka tumakbo palabas ng MPR at papuntang main gate nga LaFuente. Nakita ko naman agad sasakyan ni Papa kaya agad na akong sumakay sa backseat.
Napalingon agad sa'kin si papa na nasa driver seat at sinabing, "Princess! Are you okay? Did you sleep well?"
Halatang hindi agad nakatulog si Papa dahil mamula-mula pa mata nito at may kaunting eyebags. Awww.
"Oo, papa. Ayos lang, saka kasama ko naman si Flynn," I said with a smile on my face.
'Di ko pa din makalimutan yung ginawa ko kagabi. Bigla akong namula sa alaala kaya iniwas ko ang tingin ko kay Papa.
Umayos naman na ng upo si Papa saka nagdrive pauwi. Mga 30 minutes din ang byahe kaya kailangan mag-jeep.
"That reminds me, pumunta dito kagabi si Jere dahil 'di mo raw sinasagot ang mga text at tawag niya sayo," sabi niya habang nagpapark sa garahe namin.
Napalo ko naman agad noo ko dahil sa pagkalimot. Patay.
"Ay oo nga pala, agad kasi akong nakatulog ng after kitang tawagan, i'll call him now."
Lumabas agad ako ng kotse saka pumasok sa bahay. Naabutan ko naman si Manang na nagwawalis. Tinanguan ko lang siya at umakyat papunta sa kwarto ko.
Agad kong kinuha sa bag ko cellphone ko saka dinial si Jere, "Hay nako, Lorraine. Lagot ka dito, matampuhin pa man din 'to."
Sumagot siya sa pangatlong ring at agad na tinanong kung nakauwi na ako.
"Yes, nakauwi na ako. Maliligo at kakain lang ako saglit then papasok na ulit ako sa school."
Rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya sa telepono, "Bakit?"
"You had me worried sick last night. 'Di ko alam kung anong nangyayari sayo. I thought you were mad at me or something," ani Jere.
That made my heart jump. He was worried so much that pumunta siya sa bahay agad. Nung magbest-friend kami, ganyan din siya. He's really back.
"I'm fine, Jere. Saka kasama ko naman si Flynn kagabi, at ba't naman ako magagalit sayo?"
Narinig ko naman na tumawa siya kaya natawa na din ako.
"Yeah, I know. When it comes to you, sometimes I just lose my mind. Take care, love. See you in a bit."
Saka niya pinatay yung telepono habang ako nakangiti na parang timang. Napailing na lang ako sa saya na naramdaman ko. Agad akong naligo at nagbihis matapos naming magusap. Ng naayos ko na din ang bag ko, bumaba ako sa dining para makakain.
Hinatid ako ulit ni Papa at tinanong kung okay lang ba ako, "Okay lang ako, Pa. Babawi na lang ako mamaya sa tulog," saka ako kumaway paalis. Dumaan ako sa locker area para kunin mga libro ko at saka tumakbo papuntang classroom. Naabutan ko naman yung buong tropa na nakaupo na sa kanya kanyang silya.
"Uy, Raine. Naiwan daw kayo ni Flynn dito sa school kahapon ah," tanong agad sa akin ni BK ng ibaba ko bag ko. Tumango na lang ako at nalipat ang atensyon sa upuan ni Flynn. Nakapatong ulo niya sa mesa na mukhang natutulog. Mukha ngang 'di siya nakatulog kagabi.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
RomanceAno nga ba ang isang puso na gawa sa papel? Sabi nila, ang mga puso daw ng mga tao, dalawang klase lang yan. Isang pusong bato, at isang pusong papel. Ang pusong papel ay isang bagay na madaling masira sa isang punit lang. 'Di katulad ng pusong...