Lorraine's POV
"Good afternoon dancers, for this meeting, I need three groups: ballroom, hiphop and cultural for the program next week," sabi ni sir Revor sa amin.
It's been weeks since class started and Jere became my suitor 'officially'. After ng paguusap nila ni Papa, medyo naging strikto ito sa'kin. Pero mas pinagkatiwalaan siys ngayon ni Papa, kaya naman okay lang.
May gaganaping fund raising sa LaFuente, ang pera na kikitain ay mapupunta sa mga public hospitals sa lungsod namin. Para siyang concert for a cause. At isa kami sa mga magpeperform kaya nagpatawag ng meeting ngayon si Sir Revor.
Lahat naman ay nakikinig sa mga instructions na binibigay ni sir Revor. Ang tropa nandito din, except kay Jere dahil sumali siya sa chess club.
Si Bella at Kelly, pasok sa pep squad. Si Gina at Shenzy naman, cultural. Sila Adrian at Mariel sa ballroom samantalang kami ni Flynn sa hiphop.
Speaking of Flynn, medyo naging ayos na din sila ni Jere. Nagiging tropa na nga silang apat eh. Lalo na sa basketball. Witness ako dahil araw-araw akong nanonood ng practice nila.
They're close now, which is better for all of us.
Nagsitayuan na yung mga grupo na tinawag kasama ang mga gamit nila at naghanap ng mga lugar kung saan pwedeng magpractice. Medyo marami marami ang hip hop dahil modern siya.
Bawat sayaw, ginagaya lang namin sa isang video then may tatanggalin, papalitan, o kaya naman babaguhin sa mga steps. Seniors sa bawat grupo ang incharge sa mga sayaw.
"Nakita mo na ba yung senior instructor natin, Lor?," ani Flynn. Umiling ako bilang sagot.
Yung kasing senior na incharge sa'min ay medyo mataray at inaako lahat ng gawain. Even her batchmates (girl batchmates to be specific) she's ignoring them and really serious about learning the steps. But when it comes to boys dancing, she's a bit different. Atleast, that's what I heard.
Ng makita niya kaming nakahanap ng puwesto, agad niya kaming nilapitan at humalukipkip.
"I'm Daphne, your senior tutor in dancing. Now, please remove all unnecessary things on your body that make you uncomfortable," ani Ate Daphne.
Agad agad naman kaming nagrespond sa sinabi niya. Tinanggal ko naman cellphone at rosary na bracelet ko dahil baka mahagis yun habang sumasayaw kami. Pinatong ko mga gamit ko sa bench na malapit sa amin. Itinabi naman ni Flynn ang kanyang bag sa akin, ganun na din ang ginawa ng mga iba.
"Double time people!," sigaw sa amin ni Ate Daphne. Oh, baka eto na sinasabi ng iba na attitude niya pagdating sa pagsayaw. She gets all perfectionist and stuff.
Pinalinya niya kami ng by height, boys and girls. Parang by grade na din dahil katamtaman lang ang mga height namin according to our respective grade. At dahil marami-rami din kaming grade 9 na pasok sa hip hop, kabatch ko ang nakatapat ko. Ganoon din kay Flynn.
Nginitian ako nito at ibinalik ko naman sa kanya iyon. Bago pa man niya ako nakausap, hinila ako ni Ate Daphne sa bagong posisyon namin bawat isa.
"The least thing I want to be done during practice is to lose someone's attention," ani Ate Daphne. Umalis naman agad siya at pinwesto ang mga iba. Doon ko lang din napansin na nakatingin na pala sa akin yung ibang mga dancers.
"Don't mind them," napatalon ako sa kinatatayuan ko ng magsalita si Flynn. Ba't ba ngayon ko lang siya napansin na katabi ko siya? Oh right, people.
Ngumisi na lang ako saka nanahimik. Baka mapagalitan ako pag dumaldal pa ako. Ng matapos na si Ate Daphne sa pagayos ng pwesto namin, pinaupo niya kami sa sahig.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
RomanceAno nga ba ang isang puso na gawa sa papel? Sabi nila, ang mga puso daw ng mga tao, dalawang klase lang yan. Isang pusong bato, at isang pusong papel. Ang pusong papel ay isang bagay na madaling masira sa isang punit lang. 'Di katulad ng pusong...