Sixteen

79 6 0
                                    

Flynn's POV

Friday na ngayon, at ngayon naka-sched ang concert for a cause namin. Maraming preparations ang ginawa ng student council para maging successful. From the decors at yung mini-stage.

"Okay, so an hour before the concert dapat andito na kayo dahil dress rehearsal natin mamaya, tapos aayusan na kayo after that," sabi ni Sir Revor.

Tumango kami saka umalis. Free time namin today, which means free day na din dahil sa concert. Nakita ko naman na magkakasama sila Gina at Ed na umalis. Nakita ko naman si Adrian na magisa lang kaya pinuntahan ko.

"Oy ba't magisa ka lang?," sabay tapik sa balikat niya. Agad naman siyang napalingon sa direksiyon ko.

"Kasi wala akong kasama, duh," sabi niya habang ginagaya niya tono ni Gina ng 'duh'. Binatukan ko ng napakalakas kaya naman napasigaw siya.

"Oh, ano na bang balita sa issue niyo ni Lorraine?"

Nilagay niya sa bulsa niya mga kamay niya,"'Di niya pa din alam. Pero nagtuturingan na kaming parang magkapatid. Sabi ko yun yung paraan ko para maging close kami."

"Nice one bro!," saka ko tinaas yung kamay ko para makipaghigh five. Tinawanan niya lang ako at nagyaya akong pumunta ng canteen. Gutom na ako eh.

Halos lahat ng estudyante nasa labas. Mga freshmen na naglalaro, mga sophomores na nagdadaldalan, at magkakasama ang mga juniors at seniors. Naka-civilian ang lahat, talagang mukhang inihanda nila ang araw na ito sa concert for a cause. Kahit na every year na laging may ganito.

Bigla naman akong nakakita ng freshman na lalaki at babae na nakaupo sa isang plastic na upuan. Nakatakip sa mukha nung babae yung dalawa niyang kamay at halatang umiiyak. Nakatingin lang yung lalake sakanya na tumatayo sa harapan niya. Kinalbit niya ito at nagbigay ng panyo, tiningnan lamang siya nung babae.

Huh, parang kami lang ni Lorraine dati.

F L A S H B A C K

Natapos yung horror movie na pinanood ko ng hindi man lang nagugulat o kaya kinikilabutan. Actually, hindi talaga siya nakakatakot. Manika lang naman na napossessed. Wala naman akong manika. Mga kapatid ko lang pero mga baby pa kasi sila kaya 'di pa nila malalaro.

Lumabas ako nung room saka bumili ng maiinom. Fair day kasi kaya madaming nagbebenta ng pagkain, marami ding palaro. May mga nagfifield trip din, kaso mga seniors lang yata. Bumili ako ng coke float, kahit first time ko pa lang matitikman yon.

"Pwe!" Ang pangit ng lasa, 'di ko type. Pero sayang yung pera, 25 pesos pa man din kaya inubos ko kahit labag sa kalooban ko. Tinapon ko na yung lalagyanan sa basurahan.

Aalis na sana ako ng nagalarm yung cellphone ko.

Inislide ko yung X saka umalis sa tabi ng basurahan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inislide ko yung X saka umalis sa tabi ng basurahan. 'Nyemas. Kaya nga ako pumunta dito dahil gusto ko siyang kalimutan, kahit isang araw lang.

Ang sakit... ang sakit pa din kasi. Alam ko naman na mas gusto niya si Jere kaysa sa akin. 'Di ako manhid para 'di mapansin 'yun. Kung pa'no ko siya tingnan, ganun din yung tingin niya kay Jere.

Paper Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon