Lorraine's POV
Pagmamahal.
Mostly, mga teenagers ngayon nararansan na yang mga yan. Kasama na ako dun.
Hindi na tulad ng dati na, liligawan ka, may bulaklak at tsokolate kang matatanggap. May mga love letter pa nga eh.
Pero ngayon, tinatype at tinetext na lahat. Nadadaanan sa mga emoji.
Pero wait, tama na ang drama. Magpapakilala muna ako before ako magkwento hahaha.
Ako nga pala si Lorraine Dii Thomas Serentes.
15 years old.
3rd Year Highschool.
Section: 9-Romance. (Cryme Section)
Nagaaral sa LaFuente International Philippine School.
Isa siyang private school na parang public school na rin dahil sa maraming students na naka enroll.
Kasali sa Dance Troupe, Speech Club, Choir at GSP.
Mabait sabi nila. Pero kapag naging ka-close niyo na ako, mapapadalas ang pagdalaw niyo sa hospital. HAHAHA dejk.
Matalino. Weh? Hindi rin. Nagegets ko lang. Hahahaha.
Maganda. Well, cge na nga. Hahaha! Charot langg. Katamtaman lang.
So eto na talaga ang simula.
Pasukan nun. Syempre, first day, paunahan at siksikan sa pagtingin ng section kahit na nakapost naman na sa website yung listahan.
Ako nakita ko na section ko sa website kaya di na ako nakipagsiksikan.
Naglalakad ako ng biglang may bumangga sakin, sa sobrang lakas ng impact, napahiga ako sa sahig.
"Aray! Leche naman, tingnan mo nga dinadaanan mo--" napatigil ako sa sinasabi ko nung nakita ko yung nakabunggo sakin. God! Ang...
tanga ko. Si Ms. B pala yung naka bunggo ko, ang principal namin. Shett. Dapat tiningnan ko muna kung sino bago ako magsalita. Patayy.
"Ay Ms. B! Kayo po pala. Hehe. Pasensya na po sa sinabi ko akala ko po kase--"
"Estudyante? Kahit janitor pa yan, dapat hindi pinagsasalitaan ng ganon." Tiningnan nya id ko. "Ms. Serentes? I'll see you in my office at 12 noon." 12 noon?!
"Pero ms. B, audition ko po yun sa dance troupe."
"I don't care. Kausapin mo yung moderator mo na para ire-sched ang audition mo. I'll see you in my office later. Got it?" Sabi nya sa akin ng pataray.
"Yes Ms. B." tumungo ako at naglakad na papunta sa classroom ko. I mean namin.
UGH FCK. First day of classes, office agad. Shet lang. Yung audition ko pa! Ilang weeks ko din yon pinaghirapan at pinagpawisan noong bakasyon. Jusko lord.
Habang naglalakad ako, natingin na sakinga estudyante. Talaga naman. Ang bilis pumasok ng chismis sa tenga nila at ang bilis magprocess sa utak. Samantalang kapag lesson na pinaguusapan, nganga.
"Hay nako Lorraine. Huwag ng pakinggan. Baka kapag hindi mo napigilan pagka-bv mo, mapahamak ka ulet. Baka ipasuspend ka na ni Ms. B." Sabi ko sa sarili ko.
Nung makita ko na yung classroom ko, di muna ako pumasok. Tiningnan ko muna kung may kakilala ako dun or kaya naman kaibigan.
Luckily, buong tropa na andon. At kami kami lang din ng mga classmates ko last year ang magkakasama.
Pumasok na ako sa classroom at humanap ng available na upuan malapit sa tropa. Ng nakahanap ako, nilagay ko ang gamit ko at inayos.
Hindi ko napansin na may katabi pala ako, ng lumingon ito, siya ang taong hindi ko ineexpect na makikita ko muli..
"A-anong gi-ginagawa mo-o dito?.."
-------------------------------------------------
A/n: hala, sino kaya ang katabi ni Lorraine? Abangaaan ;)
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
RomanceAno nga ba ang isang puso na gawa sa papel? Sabi nila, ang mga puso daw ng mga tao, dalawang klase lang yan. Isang pusong bato, at isang pusong papel. Ang pusong papel ay isang bagay na madaling masira sa isang punit lang. 'Di katulad ng pusong...