Lorraine's POV
Natapos ang araw na umiiwas ako kay Flynn. Lalo na sa mga tingin niya.
Kaso, hindi ko yata magagawa yun ng matagal. Lalo na't naging kapartner ko pa siya sa sayaw na ballroom. Output kasi ugh. Wala kasi si Jere, kaya ayun.
Speaking of, nakauwi na ba yon? Pinauwi kasi siya ng nurse para daw makapagpahinga.
Chineck ko yung phone ko para tingnan kung nagtext. Wala? Bakit? Hay. Ano ba yan. Di ko nga alam kung anong meron kami ngayon, nagaassume nanaman ako. *sigh*
Puntahan ko kaya siya sa bahay? Kaso baka naman magmukha akong OA. Pero concern naman ako kasi sakanya kasi nga. Yun nga. Mahal ko. Sabagay may point naman. Bahala na, kinakausap ko nanaman sarili ko.
Nagjeep ako at nagtricycle papunta sakanila. Medyo malayo kasi sa school, pero malapit lang sa subdi namin.
Ng makasakay ako sa jeep, kinuha ko yung wallet na barya lang pwedeng malagay dun.
"Ugh, kulang ako ng 2 piso." Bulong ko sa sarili ko.
Kinalkal ko yung buong bag ko kaso wala akong nakita.
"Eto oh." May nagaabot sa akin ng 2 piso. Ng tingnan ko kung sino yon, si Flynn pala. Hindi ko siya napansin kasi nagkakalkal ako.
"Wag na, okay lang baka may mahanap pa ako sa bag ko." Tinanggihan ko offer niya kasi nahihiya ako sa nangyari kanina.
"Tanggapin mo na. 2 piso lang naman eh." Kinuha niya yung kamay ko at nilagay yung 2 piso doon.
"Salamat, Flynn." Pinagsama-sama ko yung bayad ko saka pinaabot sa driver.
Habang nagtatagal, paunti na ng paunti yung mga pasahero hanggang sa kami na lang ni Flynn natira.
Sht. Ang awkward. *silence*
Lumingon na lang ako sa labas habang hinihintay ko na makarating ako sa subdi nila Jere.
Nakita ko naman ung barangay na tinitirahan ni Flynn habang nagbyabyahe kami. Kaso, nagtaka ako kung bakit hindi siya pumara doon.
Tatanungin ko sana siya kung bakit di' siya bumaba kaso, wag na lang. Baka may pupuntahan pa siya. Sabi ko sa isip ko.
Ng tumingin ako sakanya, nakaearphones siya. Pero rinig na rinig mo yung kanta na pinapakinggan niya. Bingi ba to' o ano?
Pictures I'm living through for now
Trying to remember all the good times
Our life was cutting through so loud
Memories are playing in my dull mind
I hate this part paper hearts
And I'll hold a piece of yours
Don't think I would just forget about it
Hoping that you won't forget
"I live through pictures as if I was right there by your side." Pagtuloy ko sa kanta.
"But you'll be good without me and if I could just give it some time, I'll be alright." Pagtuloy naman niya sa kanta. Tumingin siya sa akin. Directly.
Ng maramdaman ko na yung pagbilis ng tibok ng puso ko, "Para po!".
Agad na akong bumaba. Hindi ko kakayanin kung magtatagal pa ako doon. Sakto naman at nasa tapat na pala ako ng subdi nila Jere. Kaya pumasok na ako.
Ng makarating ako sa tapat ng bahay nila, ang bilis ng tibok ng puso ko. Kaya ko ba to'? Its been 2 years since nakausap ko parents niya. Hooo.
"Kaya mo to' Lorraine, sila Tito at tita lang yan. Woooh." Pinindot ko na yung doorbell saka naghintay ng may magbubukas.
*ding dong*
*ding dong*
"*gasp* Raine?! Ikaw ba yan?! Oh my gosh!" Bigla na lang ako niyakap ni tita pagkatapos niyang buksan yung pintuan nila.
"I've missed you so much, Raine! Buti naman at nagkita na tayo, its been so long!" Awww. Eto yung gusto ko sa mama ni Jere, madaling makisama at parang ka-age mo lang.
"Kaya nga po eh. I miss you too Tita." Sagot ko naman. Ng humiwalay na sya sa yakap niya, saka naman tinanong kung bakit ako nandito.
"Ahh. Gusto ko lang po sana tanungin kung andito na po si Jere at kung ayos na po siya. Nabugbog po kasi siya kanina eh."
"ANO?! Nabugbog si Jere?! Bakit? My god! Di ko alam. Di pa siya umuuwi dito. Nako naman, anong nangyari Raine? Tell me!" Huh? Hindi pa umuuwi dito si Jere?
"Kasi po tita--"
*tsuk tsuk*
"Ma! Andito na ak-- Raine? Anong ginagawa mo dito? Uwian na ba?" Salubong sa akin ni Jere. Gulat na gulat ang kanyang itsura.
"Uh, oo. Kakagaling ko lang. Bibisitahin sana kita para tingnan kung ayos lang yung lagay mo, kaso mukhang ayos na ayos ka lang." Grabe parang hindi siya nabugbog kanina. At okay na talaga siya ngayon, kitang kita mo sa mukha niya.
Niyakap ni tita si Jere at sinabing "Nako Jere jusme! Ano bang nangyari sayo ha? Naikwento sa akin ni Raine na nasuntok ka. Saan banda?! Kailangan na ba kitang isugod sa ospital? Ha ano?" Sa sobrang pagaalala sa kanya ni tita, kung ano ano na sinabi nito sa kanya at pinaghahawak kung saan saang parte ng katawan.
"Ayos lang ako mama, don't worry. At okay lang ako Raine, hindi mo na kailangang bumisita pa." Ng sinabi niya iyon, parang unti unti akong nasasaktan. Hindi ko alam kung bakit pero... ang sakit.
Dumederecho ng lakad patungo sa loob ng kanilang bahay si Jere na parang iritado sa mga nangyari. *sigh*
Napansin naman ni tita ang paglungkot ko kaya naman sabi niya "Pagpasensyahan mo na siya, medyo moody na siya ngayon. Hindi na katulad ng dati na masayahin. Pasensya Raine."
"Ayos lang yun Tita Beth. Hahahaha." Naiintindihan ko naman kasi people do change. Pero buti na lang yung nararamdaman namin sa isa't isa, hindk nagbago at magbabago.
"Pasok ka muna Raine. Tara dito sa loob." Pagaaya sa akin ni tita Beth.
"Ma, maraming gagawin si Raine. Wag mo na siyang patagalin pa dito. Baka nakakaistorbo tayo sa kanya." Singit naman pabalik ni Jere. Wait what? Oy Jere! First day of school pa lang, may gawain na agad?!
Gusto ko sanang sabihin sa kanya yun kaso ba magalit siya.
"Ah ganun ba, osige. Magkikita pa din naman tayo diba Raine?" Tanong ni tita.
"Of course tita. Hahaha sige alis na ako."
Habang ako'y naglalakad papunta dun sa paradahan ng mga jeep para umuwi na, napagiisip ko tuloy...
Talaga bang totoo ang nararamdaman para sa akin ni Jere o naninibago ako sa kanyang pagbabago ng trato sa akin? Hay.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
RomanceAno nga ba ang isang puso na gawa sa papel? Sabi nila, ang mga puso daw ng mga tao, dalawang klase lang yan. Isang pusong bato, at isang pusong papel. Ang pusong papel ay isang bagay na madaling masira sa isang punit lang. 'Di katulad ng pusong...