Lorraine's POV
Hinabol ko si Jere nung nakita ko siyang umalis. Ba't ba kasi ang clumsy ko? At bakit si Flynn pa talaga yung nakasalo sa akin? Pwede namang si Adrian? O kaya naman si Edward. Aish!
"Jere! Saglit lang!" Sigaw ko sa kanya habang naglalakad siya palayo. Humarap naman ito sa akin ng nakakunot-noo.
"Bakit?" Tanong naman niya sa akin. Tumigil naman ako sa kakatakbo at naghabol hininga. "Sorry dun sa nangyare. Hindi naman yun sadya eh."
Tumalikod naman siya sa akin pagkasabi ko nun at dumiretso papasok ng canteen. Nagsorry na ako ah! Problema neto? Sinundan ko siya hanggang sa loob at paulit-ulit na nagsosorry.
"Raine, bakit ka ba nagsosorry?" Bigla naman niyang tanong sa akin matapos niyang abutin sukli niya sa pagbili ng tubig. Bakit nga ba ako nagsosorry? 'Di naman kami kung tutuusin para magtampo siya o magselos.
"Uhh, ano. Wala naman.. akala ko kasi ano, nagtampo ka sa nangyare kaya ayun. Pero, 'di nga pala tayo. Hahah sorry, sige." Diniretso ko na siya sa ibig kong sabihin. Dahil kapag iniba ko pa, baka maguluhan din ako kung ano ba talaga kami. Tinalikuran ko din siya at naglakad palabas ng canteen.
Hinabol naman ako ni Jere at kinuha yung kamay ko, "Raine, saglit." Napatitig naman ako sa mga kamay namin saka ako nagtanong kung bakit. "Hay, oo. Nagtampo ako sa nakita ko. Selos din. Masisisi mo ba ako? Eh nagtapat ako sayo ng nararamdaman ko tapos, 'di naman tayo kaya wala din akong karapatan." Dagdag niya.
Ano ba naman yan, ano ba talaga kami? Nagtatampo kami at nagseselos pero wala naman kaming karapatan para maramdaman yon. Bahala na nga! "Gusto mo bang magkaroon ng 'tayo'"? Tanng ko sa kanya.
"Oo naman, kung papayagan mo kong ligawan ka." Sabi naman niya habang kinakamot ang ulo at nakayuko. Aww, cute.
"Okay." Nginitian ko siya saka hinalikan yung pisngi niya. "Earn me, my dearest suitor." Sabi ko saka umalis ng canteen ng tumatawa. Hahaha, grabe nakakahiya. Um-english pa ako.
Bigla naman akong niyakap sa likod ni Jere at saka nagpasalamat sa approval ko sa panliligaw niya. Wala namang mawawala eh. Mahal namin isa't isa.
Bumalik kami sa gym habang nag mtatawanan at nagkwekwentuhan. Mga cultural groups naman yung nagpeperfrom kaya naman agad kaming naupo ni Jere para mapanood. Kitang-kita ko naman yung barkada ko na sama-sama sa isang puwesto at mukhang nagkwekwentuhan din.
Pumalakpak kaming lahat matapos nung performance. Yung kasing sa kanila tawag ragragsakan. Yun yung tela na nakapatong sa basket tapos yung basket nasa ulo mo habang sumasayaw. Mahirap din yun, kailangan balanse ka sa pagsayaw at the same time graceful ka din.
Natapos yung MAPEH class namin ng pagaannounce ni sir Revor kung sinu-sino pa kasali. Nagearly dismissal siya dahil wala din naman kaming ibang gagawin at pinaakyat na kami sa taas. Inalalayan naman ako sa pagtayo ni Jere, "Thanks." Sabi ko na lang.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
RomanceAno nga ba ang isang puso na gawa sa papel? Sabi nila, ang mga puso daw ng mga tao, dalawang klase lang yan. Isang pusong bato, at isang pusong papel. Ang pusong papel ay isang bagay na madaling masira sa isang punit lang. 'Di katulad ng pusong...