Lorraine's POV
Ng makauwi ako sa bahay, wala ako sa sarili ko. Yung susi ko, hinahanap ko sa bag, nasa bulsa ko na pala. Pumunta ako ng kusina, binuksan ko yung ref saka kumuha ng malamig na tubig. Para naman guminhawa yung pakiramdam ko kahit konti.
Bakit naging cold sakin si Jere kanina? May nagawa ba ako? Sa pagkakatanda ko lang naman, hinatid ko siya sa clinic after siyang sinuntok ni Flynn.. Hala. Baka... Nagselos dahil sa pagtatanggol ni Flynn sa akin. Baka lang naman.
Tinext ko si Jere pagkatapos kong magbihis at maghilamos. Humiga ako sa kama ko saka tumutok sa cellphone.
To: Jere
Good afternoon, Jere. :) get well soon, reply ka na lang kapag maayos na pakiramdam mo. Sorry nga pala sa nangyari kanina. Pagpasensyahan mo na si Flynn, nagulat lang siguro. Hahah sige. xx Raine
Habang hinihintay ko yung reply niya, natandaan ko nanaman yung nangyari kanina sa clinic.
*flashback*
"Jere, ayos ka lang?" Nako, Flynn Erick Dantes Clark!! Malalagot ka sakin mamaya, ugh.
"Kita mo ng nasuntok ako diba? Tss." Sagot niya sakin. Nagulat ako sa pagkakasagot niya, mukhang nabadtrip din siya ng sobra sa pagkakasuntok sakanya ni Flynn. Hays, yung lalakeng yun talagaaaaa!!
Napansin naman ni Jere na medyo nagulat ako kaya naman, "Look, i'm sorry okay? Nagulat lang ako sa inasal ng ex-boyfriend ni Daisey. Kung makasuntok kala mo kung sinong may karapatan na ipagtanggol ka. May gusto ba siya sayo?"
Nagulat nanaman ako sa tinanong niya. "Si Flynn? May gusto sakin? Imposible yun noh." Talaga na,ang imposible kasi nakita ko nung minsan, wallpaper niya pa din yung picture nila ni Daisey. Head over heels siya dun noh.
"Ahhh, akala ko lang kasi." Nakarating naman kami agad sa clinic saka nilapitan yung nurse. Kumuha naman siya ng gamot saka in-apply sa mga pasa ni Jere sa mukha.
"Oo nga pala, uhm may gusto lang sana akong tanungin sayo kung okay lang." Sabi ko sakanya.
"Ano naman yun?"
"Anong nangyari sa inyong dalawa ni Daisey? I mean, bakit kayo pumunta ng US? Tapos ikaw lang bumalik dito? Hi-hiwalay na b-ba k-kayo? Ba't ba ako nauutal? Ugh. Tiningnan lang ako ni Jere sa mata, halatang nagulat siya sa tinanong at 'di siya nakapagreact agad.
"Wag mo ng alamin pa, Lorraine. Past na yun. Dati na, tapos na. 'Wag na natin balikan pa." Ang lamig ng pagkakasagot niya sakin. At Lorraine din ang tinawag niya sa akin. Ibig sabihin seryoso talaga siya.
"Pero kasi, nacu-curious ako. Bigla bigla ka kasing bumalik eh--"
"Sinabi nang wag mo ng alamin eh! Ba't ba ang kulet mo ha?! Tapos na yung issue tapos binabalik-balik mo pa. Tss."
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
RomanceAno nga ba ang isang puso na gawa sa papel? Sabi nila, ang mga puso daw ng mga tao, dalawang klase lang yan. Isang pusong bato, at isang pusong papel. Ang pusong papel ay isang bagay na madaling masira sa isang punit lang. 'Di katulad ng pusong...