Chapter 17
Flynn's POV
"It's show time, dance troupe!," sabi ng MC. Agad agad naman pumunta sa stage at pumosisyon. Namatay din ang mga ilaw para makapwesto kami.
Napatingin naman ako sa katabi ko na si Lorraine na mukhang wala sa mundo yung isip niya. I patted her head kaya naman napalingon siya sa akin.
"Okay ka lang?," bulong ko sakanya. Tumango naman siya saka tipid na ngumiti. Yumuko ako at hinintay na magsimula music at sumindi ang mga ilaw.
Kaming dalawa ni Lorraine ang nasa harapan ngayon. Bakit? Dahil kaninang dress rehearsal, napansin ni Sir Revor ang kagalingan namin ni Lorraine. 'Di sa mayabang, pero totoo naman. Kaya nilagay kami dito, i'm happy.
Pero 'di ko alam kung maeenjoy ni Lorraine dahil sa hindi pagpakita ni Jere buong araw. Asan ba yung ugok na 'yun? 'Di niya ba alam na may nagaalala sakanya? Bawas points ang pagpapaalala sa nililigawan, tsk.
Kung ako lang 'yan, kahit anong pagkakataon, susulitin ko eh. Makasama ko lang yung taong gusto ko. Mapasaya siya, mapangiti. Kung ako lang sana eh.
Nagsimula na yung beat kaya naman nagsimula na din kaming sumayaw. Kitang-kita ko naman ang magandang succession ng sayaw namin kaya natuwa ako.
Kitang-kita ko din yung pagkainis ni Ate Daphne sa likod gamit peripheral vision ko. Hah, buti nga sakanya. 'Di siya makakasira sa sayaw namin ni Lorraine.
Ngumiti ako ng sobrang lapad sa audience. I love dancing, lalo na kapag freestyle. Parang pinapalabas ng soul mo yung mga problema mo sa buhay mo kahit tatlong minuto lang.
Ganun din ang pagkakakilala ko kay Lorraine. She loves dancing as I do. Natatandaan ko pa nga yung sinabi niya nung tinanong siya nung instructor namin kung bakit gusto niyang sumali sa dance troupe.
"Kasi sa pagsayaw, naeexpress ko yung talagang nararamdaman ko. 'Dun ko masasabi na, hindi ako nagpapaimpress, hindi din ako nagkukunwari tuwing nasayaw ako. I'm the real me when i'm dancing. At gusto ko 'ding makita 'yun ng ibang mga tao."
At totoo nga siya sa sinabi niya, halata mo na 'di siya masaya sa pagsasayaw niya ngayon dahil sa mukha niya. Ni-ngiti, 'di niya magawa. Lorraine...
Natapos ang sayaw na walang kagana-gana si Lorraine. Minsan mahuhuli siya, pero makakabawi din naman agad.
"Let's give them a round of applause!," sabi ng MC habang nagbabow kami. Agad bumaba si Lorraine galing stage at pumunta sa upuan ng mga ibang dancers. Bumaba na din ako at umupo sa likod niya. Nagaalala pa din siguro siya hanggang ngayon sa ugok na yun.
Tinawag naman ng MC yung susunod na group dance na magpeperform. Tapos na ballroom, cultural naman ngayon. So, sila Gina ang magpeperform.
"Ano, 'di pa din nagpaparamdam?," ani Kelly habang nakatingin kay Lorraine. Umiling lang siya saka yumuko. Napabuntong-hininga na lamang siya, at ako. Kinuha ko yung cellphone ko saka hinanap number ni Jere.
"Hello?," sagot niya.
"Oy Jere, nas'an ka ba ha?," napalingon naman sa akin si Lorraine ng marinig niya pangalan ni Jere.
Bigla namang nagsipalakpakan ang mga tao sa audience kaya hindi ko naintindihan yung sinagot niya, "Ano sabi mo? Na'san ka?"
"Basta!" Saka niya binaba yung call. Aba, siya pa galit. Gago talaga 'to.
"Oh, ano sabi? Nasaan daw siya?"
"Sabi niya basta daw," saka ako nagkibit-balikat. Umiling naman si Lorraine at nilagay kamay niya sa noo niya. Bwisit na De Guzman 'to oh! 'Di niya ba alam na may nagaalala sakanya?!
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
RomanceAno nga ba ang isang puso na gawa sa papel? Sabi nila, ang mga puso daw ng mga tao, dalawang klase lang yan. Isang pusong bato, at isang pusong papel. Ang pusong papel ay isang bagay na madaling masira sa isang punit lang. 'Di katulad ng pusong...