Chapter 21
Lorraine's POV
"Sabi na talaga eh! Kakalbuhin ko na yung bruhildang yun," ani Bella ng sabihin ko yung hula ko.
Andito kami ngayon sa meeting ng dance troupe pero wala pa kasi si Sir Revor kaya napagusapan namin na dito na lang magusap tungkol doon sa mga notes na binibigay sa akin.
"Hula pa lang naman 'yon, hindi pa ako sigurado. At ayoko'ding magbintang," sabi ko.
"Kahit na noh! Halata namang inggitera 'yong babaeng 'yon sayo. Asan na ba kasi si Flynn para may kakampi ako dito?"
Kinuha niya 'yong phone niya at saka idinial number ni Flynn. Napabuntong-hininga na lang ako sa mga nangyayari.
Kanina ng makita ko 'yong key chain na nakalagay sa bag na hawak ni ate Nicole, narealize ko na pupwedeng initials 'yong nakalagay sa notes na binibigay sa akin.
Dy-es, D at S. At iisa lang iyong naiisip kong taong may ayaw sa akin na ganoon ang initials. Si Ate Daphne. Pero hula ko lang naman iyon, at hindi pa sigurado. Simula nung pagpapahiya niya sa akin sa dating practice, sa pagtapon ng bag--- speaking of.
Bigla namang pumasok sila ate Daphne sa loob ng classroom kung saan kami magmimeeting. Kasama niya sila ate Nicole at iba pa niyang mga kaibigan. Pati yung si kuya Mikael. Binati naman niya lahat ng bumabati sa kanya. Lumipat yung tingin niya sa akin at ngumiti... ngumiti na may halong pagka-plastik.
Umiwas na lang ako ng tingin at kinuha ang phone ko para magkunwaring busy. Mabait naman siya as far as I can see. Pero bakit nagiiba ugali niya pagdating sa akin?
"Sa wakas! Sumagot ka din! Asan ka ba ha?" sabi ni Bella sa phone niya. Halos lahat magtinginan na sa lakas ng boses niya. Sinenyasan ko siyang hinaan boses niya at nagpeace sign lang siya.
"Oh basta, bilisan mo. Wala pa si Sir Revor kaya pumunta ka na dito," saka niya binaba ang tawag.
Bumuntong-hininga na lang ako sa mga nalalaman ko. At napalingon naman sa akin si BK sa ginawa ko. She looked at me with full concern.
"I'm fine, BK," saka ako ngumiti. Alam ko naman na gusto niyang tanungin 'yun eh.
"Sure?," tumango na lamang ako bilang pagsagot. "Anong plano mo niyan?"
"Hindi ko alam. Ayoko na sanang isipin pa, kaso nakakabother kung lagi akong may note na natatanggap na ganoon."
"Wala ka bang kilala na puwede nating mapagtanungan tungkol kayla ate Daphne?"
Lumingon ako sa gawi nila at nakitang nagkwekwentuhan sila habang yung iba sumasayaw. Inisa-isa ko mga kaibigan niya. Hmm, mukhang wal-- Si ate Nicole!
"Si ate Nicole," bulong ko kay BK. Tumingin naman siya sa direksiyon niya at kumunot ang noo.
"Close kayo?," umiling naman ako kaagad sa tanong niya.
"Pero nakapagusap na kami once and she seems nice. Lahat naman ata sila mabait, even ate Daphne. Hindi ko lang talaga alam kung bakit ganoon na lang ang trato niya sa akin."
Bumukas naman ang pintuan ng classroom at iniluwal nito si Flynn na pawis na pawis. Hinanap niya agad kami at saka dumiretso ng lakad.
"Hi Flynn!," bati sa kaniya ni ate Daphne. Tiningnan lang siya ni Flynn saka nagpatuloy sa pagpunta sa puwesto namin.
Nakita ko namang umirap ang mga mata ni ate Daphne ng umupo pa sa tabi ko si Flynn. Is she jealous?
"May gusto ba saiyo si ate Daphne?," diretso kong tanong kay Flynn.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
RomanceAno nga ba ang isang puso na gawa sa papel? Sabi nila, ang mga puso daw ng mga tao, dalawang klase lang yan. Isang pusong bato, at isang pusong papel. Ang pusong papel ay isang bagay na madaling masira sa isang punit lang. 'Di katulad ng pusong...