Nakaisang linggo din kami na namalagi sa cabin nila Zack at pauwi na kami ngayon sa bahay.
Nauna na sila Jade na umuwi nung Wednesday dahil may mga importante pa daw silang gagawin kaya kami lang naiwan na dalawa ni Zack sa cabin nya.
Flashback
"Tanghali na Zack bangon na." saad ko.
"Hmm." mahinang ungol nito dahil sa pag tapik ko sa kanya pero tila napaso ako kaya naman kinapa ko sya.
Shet nilalagnat ang demonyo.
Bumaba ako agad para kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo para mapunasan sya agad.
Hayst angas angas hina naman resestensya tsk.
Umupo ako sa tabi nya at sinimulang punasan sya.
"Hmm it's cold." reklamo nya at hinawakan ang kamay ko.
"Anong cold eh maligamgam na tubig na nga yan." saad ko at nagpatuloy sa pagpunas sa kanya nang biglang bumangon ito at bigla nalang nasuka sa damit ko.
"Zack!.... Kadiri bat moko sinukahan?" naiinis na tanong ko at humiga lang ulit ito.
Kakaligo ko lang eh tsk, tinapos ko muna syang punasan bago maligo ulit dahil nangangamoy suka ako.
Pagkatapos at dumeretso ako sa kusina para magluto ng lugaw na mapapakain sa kanya at hinanda nadin ang gamot at tubig na kanyang iinumin.
"Hon.... Bangon muna kain ka para makainom ka ng gamot." saad ko na agad naman nyang sinunod.
Umupo na ako sa kanyang tabi at binaba ang tubig at gamot sa table na katabi ng kanyang kama, mainit pa ang lugaw kaya naman hinipan ko pa muna ito bago isubo sa kanya.
" What's that? " tanong nya na napakunot pa ang noo.
"Lugaw sarap diba?" saad ko at sinubuan muli sya.
Halata naman nasarapan sya paubos na nya oh.
Nang maubos na nya ang lugaw ay binuksan ko na ang gamot at pinainom sa kanya nang makainom ito ay humiga ulit nanginginig ito sa lamig kaya no choice may naisip ako para hindi na sya lamigin.
Hinubad ko ng dahan dahan ang damit nya ganun din ako naghubad din at tumabi sa kanya saka yumakap halatang ayaw nya pa pero hinigpitan ko ang yakap ko.
*
Nagising ako na kayakap parin sya at ramdam ko na bumaba na ang lagnat nito hindi kagaya kanina na nakapapaso sya.
Tumingin ako sa orasan na nasa gilid ng table hapon na pala buti naman bumaba na lagnat nitong demonyo nato tsk.
Nang bumangon ako at umupo sa kama ay bigla nya akong niyakap.
"Hon magluluto na ako ng hapunan dali na." saad ko at bumitaw naman sya agad.
"Make it faster." saad nya kaya tumayo na ako at bumaba na sa kusina saka nagumpisa magluto. Habang naghahain ako sa lamesa ay may yumakap sa likod ko.
YOU ARE READING
[BLACK ORGANIZATION SERIES #1] A Perfect Wife
RomanceA girl who always hate her self but suddenly bigla nalang dumating ang isang lalaking magpapabago sa kanya na tila ang lagi nalang nyang gusto ngayun ay makasama ang lalaking iyon.