CHAPTER 23 (MEET HIS FAMILY)

6 1 0
                                    

Tori's PoV


Nasa byahe palamang ay kinakabahan na ako dahil ngayon ako ipakikilala ni Elie sa pamilya nya, nang bigla nyang hawakan ang aking mga kamay kaya nabawasan ang kaba ko at tumingin ako sa kaniya.



"Don't worry mabait sila dad." saad nya kaya gumaan unti ang pakiramdam ko at ngumiti naman ako sa kaniya.



Nang makarating ay huminga muna ako ng malalim at pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotche at bumaba na ako saka inayos ang floral dress ko.



"Ready?" tanong nya ngumiti lang ako at tumango saka yumakap na sa kaniyang braso at naglakad na kami palapit sa pinto at doon pala ay nanginginig na ang mga kamay ko kaya naman hinawakan iyon ni Elie binuksan na nya ang pinto at sumalubong sa amin ang mga magulang nya.



"Welcome to our house Tori... Right?" saad ng daddy nya.



"Opo."




"Ang ganda ng girlfriend mo, hi im Eli's mother Hailey just call me mom." nakangiting saad ni tita este mom ang ganda nya at gwapo ng dad nya alam ko na kung saan nagmana si Elie.





"Come on nagluto ako kain na tayo." nakangiting saad ni tita Hailey.





"Let's go babe?" ngumiti lang ako bilang tugon kay Elie.





Habang kumakain ay nakakapit lang ako sa laylayan ng damit ni Elie dahil sa kabang nararamdaman ko dahil ang daming tinatanong sa akin nila tita Hailey at tito Zack. Grabe ganito pala feeling ng nilelegal.




"So Tori kailan ba namin mam-meet ang magulang mo?" tanong ni tita Elie at nagaabang naman sila ng sagot.




"Matagal na po akong walang magulang." nakayukong saad ko.




"Ohh im sorry i don't know." saad ni tita.




"Ayos lang po tita sanay na ako." saad ko at ngumiti ng pilit at alam kong napansin ni Elie yun dahil hinawakan nya ang kamay ko at napalingon ako sa kanya, nakatitig sya at alam ko ang ibig nyang sabihin kung ayos lang ba ako kaya naman ngumiti lang ako at bumalik na sa pagkain.





Nang matapos ay nilapitan ako ni tita Hailey.




"Eli pahiram ng Girlfriend mo ah lilibot ko lang sya." paalam ni tita Hailey kay Elie.




"Sure mom." saad nya at yumakap na sa braso ko si tita at hinila na ako tumingin pa ako kay Elie at tumango lang ito sa akin kaya naman sumunod nalang basta ako kay tita Hailey.




Nakarating kami sa isang kwarto na kasing laki na ng tinutuluyan kong bahay. Grabe parang mas malaki pa toh sa bahay eh. Nilibot ko ang aking paningin at may nakitang picture mukang si Elie nung bata sya hinila ako ni tita paloob at  may kinuhang photo album sa may drawer at umupo kami sa dulo ng kama at binuklat ang photo album.




"This is Elie when his first month he's cute right?" nakangiting saad ni tita Hailey kaya naman ngumiti ako.





"Oo nga po." saad ko habang nakangiti. Tama si tita ang cute nya nga. Nilipat nya muli ang pahina at nakita ko naman roon ang mga picture nya bawat birthday nya kaya lalo akong napangiti dahil sa mga baby pics nya.




"Uhm Tita..."





"Hmm?"





"Pwede pahingi ng isang picture? Lalagay ko lang sa ID ko hehe. " saad ko.




[BLACK ORGANIZATION SERIES #1] A Perfect Wife Where stories live. Discover now