CHAPTER 24 (PLAN)

6 1 0
                                    

Zackary's PoV



Nagising ako at tinignan ko agad ang orasan at 3:49am palang, umupo muna ako sa kama at naginat inat at napatingin ako sa aking work area at nakita na dun na nakatulog si Hailey kaya naman napailing nalang ako at tumayo.



Dito nanaman nakatulog...




Binuhat ko sya at inihiga sa kama saka ito kinumutan saka ko ito hinalikan sa noo at dumeretso na ako sa banyo upang maligo naalala kong may mga kailangan pa akong tapusin. Nang makapaghubad ay binuksan ko na ang shower at napapikit nalamang ako sa bawat pagdaloy ng maligamgam na tubig sa aking katawan ay napaisip agad ako paano kung kumikilos na magisa si Hailey? Baka mapahamak sya. May tiwala naman ako sa kaniya pero mahirap na mas mabuti nang sinisigurado kong magiging ligtas ang asawa ko. Pagkatapos kong maligo ay nagpunas na ako at lumabas ng banyo nang tumingin ako sa orasan ay 4:10am na lumapit ako sa closet at kumuha ng damit at nagsimula na magbihis at nang napatingin ako kay Hailey ay nakabangon na ito at nakapikit pa.




"Matulog ka nalang muna." saad ko at umiling ito saka nagmulat ng mata.




"Panget... Mo... Talaga..." kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Nangasar pa.




"Talaga mag necktie." pagpapatuloy nya kaya napatingin ako sa aking necktie at damn nakatabingi nanaman.




"Ako na nga." napatingin nalang ako sa kanya na ngayon ay nasa harap kona. Ehh? Nakahiga lang sya kanina ah. Hinila nya ako palapit saka inayos muli ang necktie ko at naghihigab pa ito kaya lihim akong napangiti.




"Tada~ ayos na." saad nya at nang tignan ko ay maayos na nga kaya ngumiti ako.




"Thnks wife go back to sleep." saad ko ngunit umiling nanaman ito.




"May tatapusin pa ako." saad nya at nagpunta sa may table at naupo muli sa harap ng monitor kaya marahan akong sumilip at tinignan kung ano ba ang tatapusin nya. Plan? Wait... A blueprint? Mas lalo ko pang tinitigan ang ginagawa nya nang makita ang pangalang AMELIA ROMERO nagp-plano na sya magisa? Tsk bakit di nya sinabi? Tsk never mind mamaya ko na sya kauusapin. Naglakad ako palapit sa kaniya at hinalikan sya sa noo saka lumabas na ng kwarto hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko ang pagbukas sara ng pinto ng kwarto namin at tumatakbo sya'ng palapit sa akin.




"Coat mo nakalimutan mo andiyan naba wallet mo? Hmm?" tanong nya pagkaabot ng coat.




"Yeah i got to go wife." saad ko at tumalikod na.




"Wait... Hindi kaba muna kakain?" tanong nya.




"Later wife, gisingin mo na si E--" naputol ang sasabihin ko nang makitang lumabas ng kwarto si Elie and her girlfriend? The heck? Don't tell-- tsk.




"Gising na ako dad." saad nya, at damn nakahawak pa sa kamay ng girlfriend nya panget tignan para sakin ewan ko sa inyo pake nyo? Panget naman talaga tignan na magkasama sa isang kwarto magkasintahan tsk. Napansin nya ata ang pagtingin ko sa kanilang kamay kaya binitawan nya ang kamay ng dalaga.





"Ikaw na bahala dito Hailey and you..." tinuro ko si Elie. "Will talk about this later." saad ko at tumalikod na paalis.





"Ehh? Dad?" saad nya pa ngunit hindi ko na pinakinggan pa at tuluyan nang lumabas ng bahay at sumakay ng kotche at agad na minaneho.






[BLACK ORGANIZATION SERIES #1] A Perfect Wife Where stories live. Discover now