Hailey's PoV
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo, dahil siguro sa pagiyak ko. Tumingin ako sa orasan at nanlaki ang mata ko nang 6:35 na pala ng gabi kaya bumangon na ako at dumeretso sa banyo para magshower pagkatapos kong magbihis ay dumeretso na ako sa saka nakita ko si Jade na nakatulog na sa sofa at Si Baby Eli naman ay nasa crib nya at natutulog din, kumuha ako ng kumot at ikinumot kay Jade.
Pumunta na ako ng kusina para magluto ng hapunan nang maalala ang nangyari kanina.
Panaginip lang ba na pumunta sa kwarto ko si Zack muka namang oo.
Nagluto nalang ako at pagkatapos ay inihanda ko na sa mesa lumapit ako ka Jade para sana gisingin ngunit sakto naman na nagmulat ito ng mata.
"Kain na, sorry ikaw pa tuloy nagalaga sa anak ko nakatulog ako eh." saad ko.
"Gaga ayos lang alam kong pagod ka din kaya okay lang noh, saka anong silbi kong ninang kung hindi ko aalagaan inaanak ko, hayst halika na nga gutom na ako." saad nya at tumayo na ito kaya naman ay pumunta na kami sa dinning room upang kumain.
Habang kumakain ay tumingin ako sa kanya.
"Umuwi ba si Zack?" tanong ko.
"Hindi pa sya umuuwi mula kanina pa." sagot nya na patuloy parin sa pagkain.
"Ah ganun ba.... Panaginip nga." mahinang saad ko at nagpatuloy na sa pagkain.
"Saka gurl kung umuwi sya edi sana nakita ko." saad nya.
Tumango tango nalang ako at nagpatuloy nalamang sa pagkain at hindi nalang nagsalita.
Napatayo kami pareho ni Jade nang marinig ang iyak ni Baby Eli sabay kaming tumakbo sa sala at nakita si Zack na buhat ang bata at akma na sanang papaluin ito, tumakbo ako para kunin si Eli at pinabuhat ko kay Jade.
"Ano bang problema mo Zack?! Pati anak natin sasaktan mo?! Ano ba nangyayari sayo?! Hindi ka naman ganyan dati ah!"
"Dahil sayo nagkaletche letche ang buhay ko!" sigaw nya at nang akmang sasagot pa ako ay bigla nya nalamang ako sinampal, alam kong dumugo ang labi ko dahil may nalasahan akong dugo.
Lumapit sa akin si Jade para tulungan ako nang hilahin sya ni Zack palayo sa akin at bigla nalamang ako hinawakan sa braso sobdang higpit kasa dama ko ang sakit.
"Bitiwan moko Zack nasasaktan ako!" saad ko nang akma nya na akong sasampalin ay narinig ko na tinatawag ako ni Jade.
*
"Heart gising!" mabilis akong napabangon at hinahabol ang hininga.
"Okay ka lang? Kanina pa kita ginigising naririnig ko kase pagungol mo na parang nahihirapan." saad nya kaya napayakap ako sa kanya.
"Sinasaktan daw ako ni Zack, Jade." saad ko na naluluha na.
"Shush tahan na panaginip lang yan." pagpapatahan nya sa akin.
Jade's PoV
Nagpaalam na ako kay Heart na uuwi na gabi na rin, pinipilit nya na dun na ako matulog pero ang sabi ko ay may kailangan ako gawin sa bahay gusto ko man pero anong magagawa ko diba?
YOU ARE READING
[BLACK ORGANIZATION SERIES #1] A Perfect Wife
RomanceA girl who always hate her self but suddenly bigla nalang dumating ang isang lalaking magpapabago sa kanya na tila ang lagi nalang nyang gusto ngayun ay makasama ang lalaking iyon.