Eliezalde's PoV
"GO TO THE GUIDANCE OFFICE NOW!" Our adviser said nang maawat kami na ngayon ay hila hila ako ni Tori.
.....Guidances office....
"Mr. Maxwell sinong nagsabing gumawa ka ng gulo dito?!" galit na tanong sa akin ng guidance counselor.
"Ma'am pinagtanggol ko lang si Tori." paliwanag ko.
"Hindi ko tinatanggap na excuse yan Mr. Maxwell i know may relasyon kayo pero hindi dahil sa babae gagawa kana ng gulo dito! Maxwell ka nga talaga parehas kayo ng ama mo!" sigaw ulit ng guidance counselor kaya nainis na ako.
"Ma'am mawalang galang na hindi porke pamangkin mo yang mga yan kukumbinsihin mo na, and don't you ever insult my father!" saad ko at umalis nang palabas ng guidance office dahil sa inis.
"Mr. Maxwell bumalik ka dito!" sigaw pa nya ngunit hindi ko na iyon pinakinggan at naglakas na palayo.
Nanag makasalubong ko si Tori sa pintuan ng classroom na agad nalang akong chineck kung ayos lang ba ako o may masakit sa akin o kung may nangyari ba sa guidance office.
"Don't worry im fine Tori." saad ko.
Uwian.....
Dumeretso kami sa bahay nya at doon ginamot ang mga sugat ko.
"Tsk aww masakit!" daing ko habang dumadampi ang bulak sa aking kamao dahil puro sugat ito.
"Kung hindi mo naman kase pinatulan hindi yan magkakaganyan tsk." inis nya saad at sabay diin sa aking sugat.
"Aww!... Tsk muntik kana saktan malamang gagawin ko talaga yun." saad ko sabay agaw ng bulak sa kaniya dahil lalong sumasakit ang sugat ko dahil sa kaniya, umupo ito sa aking tabi.
"Kaya ko naman sarili ko." mahinang sabi nya habang nakatungo kaya naman humarap ako rito.
"Kaya pumikit ka nalang at hinintay mong sampalin ka? Ganun ba?" saad ko na napatingin naman ito sa akin at kita ang lungkot sa mga mata nito. "Paano na kung hindi ako dumating? Tsk" pagpapatuloy ko pa saka sya niyakap at nang kumalas ako ay hinalikan ko ito sa noo at nginitian naman ako nito.
"Hindi ko hahayaang may mangyari sayong masama." saad ko at unti unti naglapat ang aming mga labi na nagpabilis ng tibok ng aking puso.
.
.
.
.
Pauwi na ako ng bahay at pagkarating ay agad akong pumasok sa loob at saktong nasa sala sila dad at mommy, nanonood sila ng movie ngunit hindi ko nalang tinignan baduy kase lagi pinapanood nila pero minsan nahuli ko nanonood sila ng 365 days like alam nyo na tsk. Napatigil ako sa paglalakad nang magsalita si mommy.
"Anak? Ayos ka lang?" nang lumingon ako ay nagulat ako nang nasa likod ko na ito.
"Yes mom im fine." saad ko.
"Sure?... Teka anong nangyari diyan? Nakipagaway ka nanaman ba jusq naman itong batang ito." sunod sunod na saad ni mommy kaya napangiti ako.
YOU ARE READING
[BLACK ORGANIZATION SERIES #1] A Perfect Wife
RomanceA girl who always hate her self but suddenly bigla nalang dumating ang isang lalaking magpapabago sa kanya na tila ang lagi nalang nyang gusto ngayun ay makasama ang lalaking iyon.