Chapter 4 - Guilt

103 16 1
                                    

Red's POV

I felt guilty. Gusto kong pagalitan ang sarili sa nangyari.

After she fainted, I immediately rushed her to the clinic. I won't forgive myself if anything bad happens to her, that's why I felt somehow relieved no'ng sinabi ng nurse na okay na ito.

Napalingon ako sa gawi niya. Nakahiga siya ngayon sa isa sa tatlong magkakahilerang higaan dito sa clinic. Tanging kurtina lang ang pagitan ng mga ito. Naupo ako sa bakanteng silya malapit lang sa higaan niya. She's still sleeping. Nabigyan ako ng pagkakataong matitigan ang kanyang mukha. She's sleeping like an angel pero daig pa ang dragon pag gising. Hindi ko napigilang mapangiti sa naisip. Tiningnan ko ang kabuuan nya. She's really a simple girl. Walang kaarte-arte sa katawan, and it suits her. Napakaputi nya at likas na yata ang medyo kulot nitong buhok. Matangos din ang ilong and has pinkish lips. Medyo kumibot-kibot pa ang labi nya na tila nananaginip.

Nabaling ang tingin ko sa main door ng clinic. The door opened and I saw Eric rushing to nurse Jane. Mukhang nagmamadali talaga ito dahil kita ko na hinihingal pa ito.

Eric is my best buddy since middle school. We both took up Architecture and planned to have our own Architectural firm someday.

Maya-maya napatingin na ito sa kinaroroonan ko nang ituro ako ng nurse.

"Red, I've been looking for you the whole time. What happened?" hinihingal na sabi nito ng makalapit sa akin.

"May nangyari lang." Sabay lingon ko kay Sabrina na natutulog pa din.

"Who is she? Ngayon ko lang ata siya nakita. Ipakilala mo naman sa 'kin."

"Shut up! Let's talk outside. Baka magising si Sabrina sa lakas ng boses mo" sabay hila ko na kayEric palabas at tumango sa nurse bilang pagsenyas na lalabas muna kami.

"Ayaw mo lang yata ako ipakilala e" panunukso pa nito habang palabas ng clinic. "Don't worry bro, kahit naman na ako ang pipiliin niya dahil sa kagwapuhan ko, ipapaubaya ko pa rin sya sayo." Then, he laughed out loud. 

Natawa ako sa sinabi nya. "Kaya ka pala binasted ni Clara dahil diyan sa kagwapuhan mo."

"Oi hindi a. Past is past!" denial na sagot nito.

Natawa ako sa reaksyon nito. I can see the redness in his ears. "Stop denying. I won't buy it."

"Naka-move on na ko!"

"Clara, narinig mo ba yun?" pagkukunwari kong lingon sa likod niya na tila may kausap talaga ako doon.

"Ha?" napatuwid ito at sabay lingon sa likod niya.

"Naka-move on pala ha" pang-aasar ko.

Naiinis naman siyang lumingon sa akin at sinabayan nalang din ang pang-aasar ko sa kanya.

We are both laughing when suddenly, BANG! Something hit me in the head!

"Ugh! What the f--!" I can't feel my head. Parang magkakabukol ata ako nito sa lakas ng impact. Napatingin ako sa may paanan ko at nakita ko ang familiar na libro. Teka, ito yung pinag-aagawan namin ni -----

"Sabrina?" nakatayo ito sa may pinto ng clinic na parang nanlilisik ang mata.

"Serves you right, jerk!" galit na sabi nito. Nakakailang hakbang palang siya palayo sa amin ng bigla siyang bumalik at papalapit ulit sa amin.

Lutang pa rin ako sa nangyari at nararamdaman ko na ang sakit sa ulo ko. Ang sakit talaga!

Tilal nabasa naman ni Eric ang susunod na gagawin ni Sabrina kaya inunahan na niya ito sa pagdampot sa librong binato nito kanina.

See You Again StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon