Dad died of cardiac arrest. His heart stops beating.
My world suddenly stops! Just like that. He's gone. My Dad is gone!
Wala akong maalala kundi ang hagulhol ni Mommy mula sa kabilang linya. I have a lot of questions in my mind. Am I a bad person to deserve all of this? Bakit ito nangyayari sa pamilya namin? Hindi pa ba sapat na kinuha na sa amin lahat?
Kaya kong tiisin lahat!
Kaya kong tiisin ang paglalakad kahit ilang kilometro pa.
Kaya kong tiisin ang pangungutya ng mga kaklase ko.
Kaya kong tiisin ang pag-papart-time kasabay ang pag-aaral.
Kaya kong ipagpalit ang marangyang buhay noon...
Kung kapalit naman ay ang makasama sina Mommy at Daddy!
My poor Dad! My heart aches thinking I was not by his side when he took his last breath. Hindi ko mapigilang mapahagulhol, agad naman akong dinaluhan ni Manang na umiiyak na din ngayon. I beg Manang to tell me that this is just a joke or a nightmare. Somebody, please wake me up. Hindi ito totoo diba? Kasi ang totoo magigising lang ako sa tawag ni Mommy. She will update me that Dad is stable. Ganun dapat yun diba? Hindi ito. Not this, please!
Everything went blur! I don't know what happen next. The next thing I knew, nasa himpapawid na ako kasama si Tito Samuel. We are on our way to New York.
Iba ang inimagine ko sa kaparehong sitwasyon ngayon. I imagine myself comfortably sitting in a window seat, not minding if it's a 16-17 hour flight. Dad is awake and recovering fast. A perfect surprise visit to my parents would be a great idea. Hindi nawawala sa mga labi ko ang ngiti at pananabik na makita sila Mommy at Daddy. I dream of a happy reunion!
Napangiti ako pero agad napawi iyon nang magising sa katotohanang hindi na iyon mangyayari kailanman. Hindi ko na magagawa ang pag-surprise visit kina Dad. Hindi na ako excited pumunta ng New York. Hindi na worth it ang mahabang biyahe kung hindi ko rin naman madadatnan si Dad doon ng buhay.
I can't help but think of happy memories with Dad. Those memorable summer and christmas visits in the US or minsan siya naman umuuwi ng Pilipinas. Even in his busy schedule, he always make time for us.
I was silently crying the whole time. Nagpapanggap ako na tulog pero gising na gising ang diwa. Tito tried to wake me up when in-flight meals were served but I politely declined. Wala akong ganang kumain. Hindi rin naman ako nakakaramdam ng gutom.
Nagising ako sa mahinang tapik ni Tito. He insisted that I should eat before we land. Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog but my eyes is sore probably from crying. Tila ngayon lang din ako nakaramdam ng gutom kaya I ordered for a heavy meal. I need to be strong for Mommy. Kami nalang dalawa ngayon, naiisip ko pa lang iyon ay parang hindi ko kakayanin.
I saw Daddy's big portrait near his coffin, he looks alive and happy. Maraming mga bulaklak ang nakapalibot doon. Dahan-dahan akong naglakad palapit. Bawat hakbang ay katumbas ng isang kahilingan na sana ay hindi ito totoo.
Pinilit kong magpakatatag. Pinipigilan ang sariling bumigay. Akala ko naubos ko na ang lahat ng luha ko sa byahe pero pag nasa harap mo na pala, hindi mo parin kayang labanan ang nararamdaman.
Napalingon si Mommy banda sa amin nang marinig siguro ang pangalan ko. My relatives are also here. Nang magtama palang ang mga mata namin ni Mommy ay nakita ko na ang bigat at sakit na dala-dala niya sa kanyang dibdib. Ang pagod at namumulang mga mata nito ang nagpapatunay na wala itong tigil sa pag-iyak. Napahagulhol na si Mommy at mabilis ko din siyang niyakap. Napuno kami ng iyakan.
BINABASA MO ANG
See You Again Stranger
RandomWhat if all along the person you just met is actually a part of your past? What if there is someone that makes you feel that there is no need to look back. Will you be happy with the way things are? or Will you still try to recall a past that desti...