Chapter 31 - Ignored

29 1 0
                                    

Natapos nalang kumain si Red at natanaw ko na silang paalis ay wala talaga akong natanggap na text mula sa kanya. Umalis rin naman ako agad at hindi na nag-abalang sundan pa siya. Iniisip ko din kasi kung bakit biglang naging ganoon si Red. May nangyari ba? Inalala ko ang huling pagkikita namin, yun lang naman sa birthday party ng kapatid niya at maayos naman kami nun! Bakit ngayon bigla siyang naging ganito?

Should I confront him?

It kept me occupied the whole afternoon. Nakikinig naman ako sa lecture pero hindi ko mapigilang maisip si Red. I let out a deep sigh. Gusto kong mainis kay Red pero mas naiinis ako sa sarili ko kung bakit big deal sa akin ang inakto ni Red kanina.

Eh kasi nanliligaw nga siya sa akin diba?

Habang hinihintay ang sundo ko pauwi, naupo lang muna ako dito sa isang bench malapit sa parking. Pinaalalahan ko ang sarili ko na huwag kong gawing big deal ang inakto ni Red kanina marahil ay busy lang talaga iyon kaya hindi na nagreply. Pero ilang beses ko ba siyang nakitang nagcellphone kanina habang kumakain? Bakit hindi man lang niya akong nagawang replyan?

"Wala pa ang sundo mo?" biglang sulpot ni Yuseff at nasa harap ko na pala. 

"Oo, pero malapit naman na daw." Tumango naman siya at wala na akong narinig mula sa kanya. Tahimik siyang  umupo sa bench na inupuan ko.

"Ikaw pauwi ka na din?" tanong ko para hindi naman kami masyadong awkward.

"Oo mamaya, samahan nalang muna kita dito"  napatitig siya sa akin saglit bago nag-iwas ng tingin at sumeryoso ang mukha.

"Ha? Okay lang ako dito. Umuwi ka na baka may gagawin ka pa" sabi ko sa kanya.

"Marami akong gagawin but it can wait. Ano ba naman yung samahan lang kita saglit dito diba?" 

"I-ikaw ang bahala!" tanging nasabi ko nalang. Palihim ko siyang tinitigan. Nanatili naman siyang tahimik. Nakatingin siya sa malayo at tila may malalim na iniisip. 

"Totoo bang nanliligaw sayo si Red?"  napalingon sa gawi  ko si Yuseff  dahilan na nahuli niyang akong nakatitig sa kanya. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko inaasahan ang tanong niya pero nagawa ko namang tumango bilang sagot dito.

Lumingon ulit ako sa kanya. His face hardened. He glanced at me. It was just quick but I saw different emotions in his eyes. Hindi ko mapangalanan iyon.

"May pag-asa ba?" tanong niya na nakatingin na sa akin. Tila hirap pa siyang bigkasin ang mga salitang iyon. 

Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya. Hindi ko siyang magawang sagutin. Kasi maski ako hindi ko pa alam ang isasagot sa kanya. 

"Forget I asked! Sorry, hindi na dapat ako nangingialam. I just can't help it" at may sinabi pa ito pero hindi ko na narinig sa sobrang hina at tila sarili nalang ang kinakausap.

Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga bago tumayo at lumingon sa akin. Akala ko ay nagbago na ang isip niya at magpapaalam na sa akin para umuwi pero iba ang lumabas sa mga bibig niya.

"By the way, I don't know if you already know about this,  pero yung restaurant na pinagtatrabahuan mo dati, I heard they are relocating." 

"W-wait! What do you mean? Bakit daw?" gulat na tanong ko at biglang nalito. Paano nangyari yun eh bago lang iyon doon at marami naman ang customers kaya malabong malugi ang restaurant.

"I don't know all the details but I only heard about the new land-owner. Lawrence mentioned it the last time I had my dinner there.

"Kailan ka ulit pupunta doon?" Gusto ko sanang pumunta at makausap man lang sana sila doon ng personal.

See You Again StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon