Kanina pa ako nakabalik dito sa mesa pero hindi parin mawala sa isipan ko ang naramdamang disgusto ng Daddy ni Red sa akin.
"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Cheska. Hinatid lang ako ni Red dito sa mesa, madalas kasi siyang tinatawag ng Daddy niya para ipakilala sa ibang bisita.
"Yeah!" sabay ngiti ko kay Cheska.
Nagdududa naman akong tiningnan ni Cheska
"No you're not. May nangyari ba?" pangungulit ni Cheska sa akin.
"I think his Dad don't like me" sagot ko na agad naman atang naintindihan ni Cheska kung sino ang tinutukoy ko.
"You've met? Saan? Paano mo naman nasabi na ayaw ka niya?" naguguluhang tanong niya sa akin.
"Yes, kanina after ko pumunta ng powder room. I just had a feeling that he don't like me for his son" Hindi naman sa gusto kong magustuhan niya ako sa unang pagkikita namin pero hindi ito ang inaasahan kong reaksyon ng Daddy niya. Ano ba ang inaasahan ko?
"At sinong gusto niya? Si Kelsey?" nakataas ang kilay na sabi ni Cheska.
Pinili kong huwag na magkomento sa sinabi ni Cheska. Hanggat maaari sana ay ayaw kong magpaapekto pero sadyang hindi ako marunong magtago ng nararamdaman o napakatransparent ko lang talaga kaya madali lang ako basahin ni Cheska.
"Tara!" yaya niya sa akin nang mapansin ang katahimikan ko. Punta tayo sa photo booth nila! Ang ganda ng backdrop design nila oh." masiglang sabi ni Cheska sabay turo niya sa kung nasaan ang photo booth.
Totoo namang maganda talaga ang pagkakagawa ng backdrop. I think it's a 3D backdrop design. It's like you're really in the enchanted forest. Nakadagdag pa ng ganda ang mga iba't ibang klase ng bulaklak. Kasama din sa design ang lifesize photo standee ng birthday celebrant na si Ashley. Magaganda din ang mga props na gamit kaya kahit may mga roving photographers ay mas pinili parin ng ibang mga bisita ang magpapicture doon.
Tumayo si Cheska at hinila na ako papunta doon. Nagpatianod nalang din ako sa kanya. Hindi kagaya kanina, iilan nalang ang nandito na magpapapicture. Siguro nagsawa narin ang iba o sadyang busy na sa pag-uusap at sa party.
Kasalukuyang may isang pamilya ang pinipicturan, hindi ko maiwasang mapangiti sa napakacute na baby na tila sanay na sa harap ng camera. She's so adorable!
May nauna pa sa amin na dalawang babae bago kami mapicturan. Wala naman sana akong balak makinig sa pinag-uusapan nila pero sadyang malapit lang talaga kami kaya hindi maiwasang marinig ang pinag-uusapan nila.
"I heard Fox was invited pero hindi ko pa ata siya nakikita. Diba crush yun ni Ashley?" rinig kong sabi ng babae na mas bata ata sa akin ng ilang taon.
"I don't know. I haven't seen him yet baka hindi na yun pupunta. Knowing Fox, I bet maghihintay lang sa wala si Ashley" sabay tawa naman ng kausap niya. "Let's not talk about her, wait wala pa ba sila Mommy at Daddy?" dugtong nito sabay palinga linga sa paligid.
Are they Ashley's friends?? Mukhang hindi ata ito mga kasundo ni Ashley base sa narinig na usapan ng dalawa.
"Kasama na pala nila si Ate eh" sinundan ko naman ng tingin kung saan sila nakatingin ngayon.
Una kong nakita ang Daddy ni Red. Katabi niya sina Red at Kelsey. Masaya silang nagtatawanan kasama ang ibang mga bisita. Hula ko ay yun ang tinutukoy niyang parents niya. Wait! Kapatid siya ni Kelsey?
"Kylie, I'm just curious, yung ate mo na ba at si Kuya Red?" tanong nung isa. Ngayon ko lang napansin ang pagkakahawig nga nina Kelsey at nalaman ko nga na Kylie ang pangalan niya.
"Well, madalas kong makitang bumibisita si Kuya Red sa bahay at minsan nakita ko pang may dalang bulaklak si Kuya Red kaya baka nga sila na? Or nanliligaw pa? I don't know."
BINABASA MO ANG
See You Again Stranger
RandomWhat if all along the person you just met is actually a part of your past? What if there is someone that makes you feel that there is no need to look back. Will you be happy with the way things are? or Will you still try to recall a past that desti...