Chapter 17 - Crisis

48 2 2
                                    

Sabrina's POV

"Hi, you're Red, right? By the way I'm Cheska, Sabrina's bestfriend" pakilala agad ni Cheska nang makalapit kami. Talagang hindi niya pinalagpas ang pagkakataon na ipakilala ang sarili niya.

Nakangiting inabot naman ni Red ang kamay ni Cheska at kinamayan ito.

"Hi Cheska, nice meeting you too" nakangiting sabi ni Red sabay lipat ng tingin sa akin at bumaba na naman ulit ang mata niya sa bitbit kong paper bag ng Café de Cita. "I just want to say sorry again, Sabrina" seryosong sabi niya sa akin.

"Okay lang yun. Just like I told you over the phone, hindi mo naman kasalanan kung ganoon ang mga opinyon nila" sagot ko at napatingin sa hawak niyang paper bag nang medyo itago niya ito sa bandang likuran niya.

"Ano yang bitbit mo?" napapikit ako saglit nang marinig ang pang-uusisa ni Cheska. "Parang pareho yan sa binigay nung lalaki kay Sabrina. Ito oh!" at kinuha nga sa akin ni Cheska ang paper bag at tinaas pa na tila hindi iyon nakita ni Red kanina.

Palihim ko naming pinandilatan ng mata si Cheska pero ang babae wala atang planong tumigil.

"Para kay Sabrina din ba yan?" dugtong pa ni Cheska. Red is seriously looking at me.

"Actually yes, but if someone gave her this already, it's okay" at pinakita na nga ni Red ang bitbit niyang paperbag ng Café de Cita. "I saw her post at naisip pambawi man lang sa nangyari kaya bumili ako" paliwanag ni Red na nanatiling nakatingin sa akin.

"Awww! Sweet ng Smiling Devil mo" singit ni Cheska. Matalim ko nang tinitigan si Cheska, narinig ko naman ang mahinang tawa ni Red.

"I'll take it." Awkward kong kinuha ang paperbag kay Red. Hawak parin ni Cheska ang bigay ni Yuseff kaya nakuha ko ng maayos. "Thank you" dugtong ko.

"You're welcome and I'm sorry again." Sagot naman ni Red.

Wala na akong naisip na sasabihin pa pero buti naalala ko ang tshirt niya at sinabi kay Red pero hindi na daw niya kukunin. Pinilit ko pa siya na kunin nalang niya pero nagpaalam na din siya at sabing may gagawin pa. Wala naman akong nagawa at tinanaw nalang siya habang mabilis na umalis doon sa parking.

"Hoy babae, bakit may tshirt kang sinosoli din kay Red? Kanina may sinoli ka ding hoodie tapos itong tshirt naman, wala ka na bang masuot na damit lately at nanghihiram ka?" tanong agad sa akin nii Cheska nang makalayo si Red.

Kinuwento ko na nga sa kanya kung ano ang nangyari.

"Haba ng hair talaga" panunukso parin ni Cheska. "Tapos ngayon, instant may dalawang cake. Post ka nga bukas ng craving for lechon, tingnan natin kung magbibigay ulit, malay mo isang buong lechon ibigay" natawa naman ako sa ideya niyang iyon.

"Tumigil ka nga sa mga naiisip mo"

"Siya sige nandyan na ang sundo ko, update update mo naman ako sa lovelife mo ha, hindi yung nagugulat ako ng ganito" paalam ni Cheska sabay beso sa akin nang matanaw ang kakapark lang na sasakyan nila.

"Anong love life pinagsasabi mo. Tigilan mo nga yan" depensa ko naman pero tinawanan lang ako at pumasok na siya sa sasakyan nila.

***

Dad has been busy for the past weeks. Minsan ko lang siyang maabutan sa bahay. Naiintindihan ko naman lalo na at bago palang ang construction business niya. Nalaman ko mula kay Mommy na may mga ilang projects na nga si Daddy kaya busy ito.

But if Daddy has free time, he made sure naman na bumabawi sa amin. Everything in my life seems going well, okay sa school, kasama na namin si Dad dito sa Pilipinas and of course, kasama ko na din yung bestfriend ko at iisa lang kami ng school.

See You Again StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon