Chapter 39 - Help

42 0 0
                                    

I hug Mommy na ngayon ay tulala at tila pinoproseso  ang naging pag-uusap kay Tito Theo. Tinanong ako ni Mommy if may ginawa o sinabi ba sa akin si Tito Theo, but I assured her that I'm okay and I was able to get away from him.

Napatingin naman ako kay Red na tahimik lang at seryosong nakatingin ngayon sa akin. Saglit kong nakalimutan na nandito pa pala siya. He heard everything, what now? At least, hindi ko na kailangan pang mag-explain sa kanya diba?

"Sorry if you witness that, Hijo!" rinig kong sabi ni Tito Samuel matapos kausapin ang mga bodyguards at ibigay ang cellphone ni Mommy kung saan tumawag si Tito Theo. Tumango lang si Red at nagsabing okay lang iyon. "You know, I really thank you for bringing Sabrina home safely.  Sabrina's driver is in the hospital right now, he was stabbed in the shoulder and --"

"W-what? K-kamusta si Manong Tito?" putol ko kay Tito at hindi maiwasang mag-alala para sa kalagayan ni Manong. I can't help but feel guilty, heto ang sinasabi ko eh, ayokong may ibang taong nadadamay pa.

"He's stable. Hindi naman daw malalim ang saksak. Mabuti at may tumulong sa kanya at naisugod agad siya sa hospital. Your Mom was so worried about you.

"Excuse me Sir, you have an important call from Atty. Flores" one of the bodyguards said to Tito.

"Yes, I'll take it. Please excuse me." paalam ni Tito sa amin.

"I want to hear and talk to Atty too, Samuel." sabi naman ni Mommy sabay tayo at sumabay nadin kay Tito. They excused themselves at naiwan na nga kami ni Red doon.

Bumabagabag parin sa akin ang pagkakasaksak kay Manong. 

Nagulat naman ako ng biglang lumapit sa akin si Red at tinitigan ako mula ulo hanggang paa na tila may hinahanap.

"What are you doing?" reklamo ko ng hawakan niya ang braso ko at mariing tinitigan.

"Just checking! What did the man do to you?" he asked me with no hint of humor in his voice. Umiwas ako ng tingin sa kanya.  Hindi siya ata naniwala na walang ginawa si Tito Theo sa akin.

"Did he threaten you--" sabi niya na hindi matuloy-tuloy ang sinasabi. I can feel that he's just suppressing his anger. "with a knife?" dugtong niya.

"Let's not talk about i--"

"Answer me, Sabrina! I won't buy your reason." maawtoridad na sabi niya.

I heaved a sigh.

"H-he pointed a gun at me, b-but I'm okay now!" sabi ko sa kanya at hindi maiwasang malakasan ang boses.

 I see how he clenched his fist and murmur something pero hindi ko na iyon narinig sa sobrang hina.

Kanina pa ako nakahiga pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Tahimik na nagpaalam at madilim parin ang mukha ng umalis si Red kanina. Hindi na nga niyang nagawang magpaalam kina Mommy dahil nasa meeting pa ang mga ito. Hindi ko parin maiwasang mag-alala para kay Manong. I must pay him a visit. Dahil hindi makatulog, I grab my laptop and decided to open my friendsbook. Kailangan ko din palang i-message si Cheska. I also have to inform others that I lost my phone , mahirap iexplain pero baka gamitin iyon ni Tito Theo at makapandamay pa ng iba.

I log out first all the devices connected in my account as I'm afraid he might log in or used my email as well. After I message Cheska, I posted a status on my friendsbook account saying that I lost my phone and if they happen to receive any messages or calls from that number, please disregard them.

After posting, naisipan ko nalang bumaba muna at magtimpla ng gatas. Hindi naman talaga ako mahilig uminom ng gatas bago matulog, it's just that gusto ko rin silipin kung nag-uusap parin sila Mommy at Tito sa baba. I want to talk to them how they found out na si Theo ang nasa likod ng pagkamatay ni Dad. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

See You Again StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon