"You're here again, alam mo na ba ngayon saan bababa Miss High-Heels?" hindi ko maiwasang magtaas ng kilay ng marinig ang boses niya. He already knows my name but he's still calling me that. Kumakain na naman siya gaya ng una ko siyang nakita. I'm curious if that taste good lalo na napansin kong iyan ang pinagkakaguluhan ng marami.
"Gusto mo?" nang mapansin niya siguro na tila kuryuso ako sa kinakain niya.
"How much is that?" tanong ko sa kanya pero imbes na sagutin ako ay lumapit ito sa nagtitinda.
"Ate Debs, padagdag ng isang kwek-kwek at isa ding gulaman" rinig kong sabi nya at mabilis na kumuha nung kulay orange na pagkain na nalaman kong kwek-kwek pala.
"Oh bakit nandito ka pa? Tinakasan mo na naman driver mo? Juskong bata ka!" rinig kong sermon nung tindera.
Mag-aabot na sana si Yuseff ng bayad pero inunahan ko na siya at mabilis na lumapit.
"Magkano po yung kwek-kwek?"
Napatingin naman sa akin yung tindera na tila nagulat na hindi ko alam ang presyo ng paninda niya. Napaghahalataan tuloy ako na bago lang doon at malamang kilala na niya ang mga suki niya.
"Kinse pesos!" sagot niya bago nagpatuloy sa paghalo sa niluluto sa kawali. May iilan namang kumakain doon ang tumingin sa akin saglit bago nagpatuloy din sa pagkain. Mabilis ko namang kinuha ang wallet ko para mabayaran sana ang kwek-kwek.
"May barya ka ba?" mapang-asar na sabi nito "Baka bigyan mo naman si Ate Debs ng 500 pesos mapapagalitan ka talaga niyan" dugtong niya na nagpa-alala sa akin nung unang sakay ko nga ng jeep at 500 pesos ang ibinigay ko sa collector. I glared at him bago ko kinuha ang isang 20 pesos. Tinaasan ko siya ng kilay at inayos ayos ko pa ang 20 pesos na papel para makita niya ito bago inabot sa tindera. Akala niya siguro hindi ko pinaghandaan ang pagcommute ko ngayon. I've learned my lesson kaya nagpabarya na talaga ako sa canteen kanina.
He looked at me with amused in his eyes at tila pinipigilan niyang matawa bago inabot sa akin ang kwek-kwek. He even explained to me that Kwek-kwek is made out of hard boiled quail eggs and best served with dips like spiced vinegar.
From then, Yuseff became my friend slash enemy, and later named him as Third. He was my supporter and a basher at the same time. Nakadagdag pa na nakatira kami sa iisang subdivision kaya mas madalas ko siyang nakikita at nakakasama.
Third didn't just introduced me to so many things but he also awakened different feelings that is new to me. He was my first love. We had many memories together. From his sweet surprises down to our petty quarrels.
"Hindi nyo ata kasama ngayon si Third?" tanong ni Auntie Cita, ang may-ari ng cafe and restaurant na madalas namin puntahan at kalaunan ay naging favorite hang out place na namin nina Third at Cheska. Siya mismo ang nag-serve ng inorder namin na frappe at paborito kong blueberry cheesecake.
Napalingon naman ako sa gawi ni Cheska ng marinig ko ang tawa niya bago sinagot si Auntie Cita.
"May nagseselos kasi jan, Auntie!" pang-aasar niya sa akin. Pinanlakihan ko naman siya ng mata para tumigil na sinasabi pero mas tinawanan lang ako lalo.
"Ayun, walang kamalay-malay ang isa, iniwan na namin doon sa school" patuloy niya parin sa pang-aasar sa akin.
"I suggest you two should talk hija! Hear Third's explanation first! Ano bang pinag-awayan ninyo?" kuryusong tanong ni Auntie.
"Hindi Ano, kundi Sino, Auntie. May nakita kasi kami kanina. Halata namang nagseselos yan, ayaw lang talaga umamin" parinig ni Cheska sa akin. Kung hindi ko lang talaga bestfriend ang isang ito.
BINABASA MO ANG
See You Again Stranger
RandomWhat if all along the person you just met is actually a part of your past? What if there is someone that makes you feel that there is no need to look back. Will you be happy with the way things are? or Will you still try to recall a past that desti...