Chapter 34 - Memories

33 1 0
                                    

"Sabrina, ano na? Nandito na yung driver ko, saan na daw yung sundo mo?!" rinig kong sabi ni Cheska. Maya-maya nga ay nakita ko na ang itim na Lexus na sasakyan nila.

"Hindi pa nagrereply e, pero baka malapit na din yun. Mauna ka na!"
sabi ko dito. Alam ko naman na uwing-uwi na kasi ito dahil may hinahabol ito na magandang palabas. Meteor Shower ba iyon?

"Sure ka?" nag-aalangan na sabi nito. "Maiiwan ka dito mag-isa. Sabay ka na lang kaya sa akin. Hatid na kita" pangungumbinsi pa nito habang tinatapos ang pagtitirintas sa buhok. Ganun daw kasi ang hairstyle ng bida sa paborito niyang palabas.

"Che, you can go ahead. Baka papunta na din kasi dito si Manong. Promise, I'll be okay here, may iilang students pa naman dito e" pag-aassure ko pa dito.

Hindi naman na ito nagpumilit at mabilis na nagbeso sa akin bago sumakay sa kanilang sasakyan at nagpaalam.

Nang mapag-isa, napatingin naman ako sa paligid. Medyo marami pa naman akong nakikitang estudyante. May estudyanteng nagkukumpulan sa school grounds na hula ko ay mga nag-eensayo sa kani-kanilang club dahil malapit na ang Intramurals o hindi kaya ay subject related activities. May iilan din namang nakaupo malapit dito sa parking, naghihintay din marahil ng kani-kanilang mga sundo.

Nagpasya din akong maupo sa pinakamalapit na bench. Tumingin ulit ako sa cellphone ko, wala paring reply si Manong Louie.

This is the first time na na-late ito. He is always an efficient driver. Madalas pagka-out ko ay nakaabang na iyon sa parking lot. Base sa huling text nito, papunta na ito and that was 30 minutes ago. Should I call Mom already? Pero ayaw kong mapagalitan si Manong, kaya nagpasya nalang akong huwag sabihin.

Mom is very strict when it comes to my safety. Si Manong Louie lang ata ang nagtagal na driver ko. My previous drivers were fired by Mom due to their negligence.

Mom is currently out of the country, visiting Dad in the US. Sana hindi na ito malaman ni Mommy.

Fifteen minutes passed, but still no text from Manong. Nareceived ko na din ang text ni Che-che na nakauwi na ito at nanonood na ng paborito nitong palabas.

Habang tinatry ulit tawagan si Manong. May nakita akong dumaan na mga estudyante, narinig ko ang usapan nila na sana hindi pa pahirapan ang pagsakay sa jeep. Nagmadali pa ang mga ito sa paglalakad.

Wala sa isip na nagsimula naman akong maglakad at sundan ang mga ito. Wala naman sigurong masama na magtry mag-commute diba? That idea excites me. Mas binilisan ko pa ang paglalakad para mahabol ang mga estudyante kanina.

Maraming mga estudyante ang nadatnan ko na nag-aabang sa sakayan ng jeep. Napatingin naman ako sa sapatos na suot. Medyo sumakit kasi ang paa ko sa paglalakad. I'm now wearing a black heels shoes. This is one of the few brands Mom loves collecting. The reason na nakuha ko din sa kanya ang hilig sa pagsusuot ng mga high-heeled shoes.

Anyway, I can't believe I'm here. Isa ito sa gusto kong maranasan, pero mas maganda sana kung kasama ko si Cheska ngayon. Akalain mo second year high school na ako pero ngayon palang ako sasakay. Teka, saan ako sasakay dito? Dadaan kaya ang jeep sa Forbes Royale?

Nag-aalangan man pero nilakasan ko ang loob at nilapitan ang estudyanteng sinundan kanina. Tinanong ko sila at tinuro naman sa akin kung saan ako sasakay.

Nagtatakang mga tingin ang iginawad sa akin ng iilang mga estudyante na nandoon. They eyed me from head to toe that made me uncomfortable.

Naalala ko si Manong. Tinext ko agad ito na huwag na akong sunduin. Napakislot naman ako nang biglang nagtakbuhan ang mga estudyante. Nagtataka ko namang sinundan at nakitang nag-unahan ang mga ito sa pagsakay sa jeep. Tulala lang akong nakatingin hanggang sa umusad na ang jeep at punong-puno na umalis. Balik naman sa pag-aabang ang mga estudyanteng hindi nakasakay. May iilan pang may bitbit na pamaypay para maibsan ang init habang nag-aabang.

See You Again StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon