Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman pero hindi ko din maiwasang isipin ang nauna niyang sinabi? He have the guts to hate me na ako naman dapat ang makaramdam ng ganoon kaysa sa kanya.
"Gustong gusto kita, Sabrina kahit pa--" seryoso niyang sabi sa akin.
"Do you think maniniwala pa ako sa mga sasabihin mo? Red, if this is another game of yours, please tama na. At isa pa, baka bukas, iba na naman lumabas sa bibig mo at iiwasan mo na naman ako. Excuse me, I have to go!" sabi ko nalang sabay alis pero mabilis niya akong nahawakan sa braso.
"Please Sabrina! Listen to me. Please don't make this hard for me." puno ng pagsusumamo na sabi niya sa akin.
Binawi ko ang braso ko na hawak niya at nanghahamon na tinitigan siya pabalik.
"Sino ba ang nagpapalala dito Red? Ikaw naman ang nagsimula diba? Ikaw ang naunang umiwas. Ikaw ang bigla nalang nagbago tapos sasabihan mo akong huwag kang pahirapan?"
"It's not that easy! I need time to think" nagpipigil na sabi niya at nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata.
"Alin ang hindi madali, Red? Ang sabihin na hindi naman talaga ako gusto ng Daddy mo? Kaya mas naisip mo nalang na iwasan ako??"
"Hindi mo naiintindihan" mahina niyang sabi sabay iwas ng tingin sa akin.
"Ipaintindi mo sa akin kung ganoon, Red. Stop being unfair."
"This is not the right time and place to talk about it" malamig na sabi niya.
"Kailan ba ang tamang oras?" medyo napalakas na sabi ko. Mabuti nalang at walang masyadong tao dito sa parking. Tiningnan ko siya at tila nagtatalo pa ang isip nito kung sasabihin ba talaga sa akin o hindi. "I guess we're done talking here" dugtong ko ng hindi parin siya nagsalita. Paalis na ako ng matigilan ng marinig ang kasunod na sinabi niya.
"Y-your father is the reason why my m-mom d-died!" hirap na sabi niya. It's a voice full of longing, pain and anger, all at once.
"W-what did you just say?" humarap ulit na sabi ko sa kanya. Medyo namumula ang kanyang mga mata ng malingunan ko bago siya nag-iwas ng tingin sa akin.
"My Dad is dead and you're accusing him of killing someone and worst your Mom?" sarkastiko ko siyang tinawanan. Hindi magandang biro iyon. "Come on Red. Come up with a better story. Try harder next time, baka maniwala na ako"
Hindi ko alam kung saan galing ang pinagsasabi niya pero wala siyang karapatan na idamay si Daddy sa issue namin.
"And you think my Mom's death is a joke to me? Sa tingin mo, ganoon lang ako kababaw na layuan ka dahil hindi ka lang gusto ni Dad para sa akin? We've already talk about that Sabrina. I thought I already made myself clear that same night na walang makakapagdikta sa akin kung sino ang gugustuhin ko, even my Dad." nang-aakusa niya akong tinitigan. He looks like he was betrayed by someone dear to him.
Seryoso ko siyang tinitigan. No. Hindi dapat ako maniwala sa mga pinagsasabi niya. He's just lying. Gumagawa lang siya ng kwento just to justify his actions.
"Liar" galit na sabi ko sa kanya at walang lingon likod na umalis.
Bakit kailangan niyang gumawa ng ganoong kwento? Pati mommy din niya dinamay pa niya. Her mom died because of a car accident, paano nadamay si Daddy sa--" agad naman akong napahawak sa aking ulo ng kumirot ito. Bigla akong nakaramdam ng panlalamig at pagkahilo dahilan ng pagkatigil ko sa paglalakad. I see some images flashed in my mind but it was too blurry.
"Sabrina? Are you okay?" lapit ni Red na mabilis na umalalay agad sa akin.
"Don't touch me. I don't want to hear another lie from you!" hinaklit ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at mabilis na lumayo.
BINABASA MO ANG
See You Again Stranger
RandomWhat if all along the person you just met is actually a part of your past? What if there is someone that makes you feel that there is no need to look back. Will you be happy with the way things are? or Will you still try to recall a past that desti...