Kasabay ng pagbabalik ng alaala ay ang pagbuhos din ng katotohanang hindi na maibabalik ang nasayang na panahon. Ang panghihinayang ay lumukob sa aking puso at isip. Marami na ang nagbago at nakakalungkot isipin na haharapin ko ang mga susunod na araw sa isa sa masakit na katotohanan na wala na si Daddy. Gone were the days that we are still complete as a family. I miss Dad but his memories will be forever in my heart.
Ilang minuto din kaming magkayakap ni Third bago ako bumitaw at masuyo naman niyang pinahid ang natitirang luha sa aking pisngi. Matiim niya akong tinitigan na tila hindi parin makapaniwala na nahahawakan at nakakausap na niya ako gaya ng dati.
"I'm so sorry" sumisinghot singhot pa na sabi ko sa kanya.
"Please, stop crying. Walang may gusto sa nangyari." the gentleness that I see in his eyes made me want to cry more. Paano ko nagawang kalimutan ang isang kagaya niya? It must have been so hard for him.
Bahagya siyang lumayo saglit at nakita kong kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig doon. Nakasunod naman ang aking mata sa bawat galaw niya. Matagal ko siyang tinitigan hanggang sa lumapit na ulit siya sa akin. Ngumiti siya bago inabot ang isang baso ng tubig.
"Here, drink some water" nagpasalamat naman ako sa kanya bago inumin ang tubig at kinuha naman niya ng makitang naubos ko na ang laman.
There's an awkward silence after that. Nabasag lang ang katahimikan nang marinig ko ang pagtunog ng isang cellphone. It's his cellphone. Nagpaalam naman siya sa akin na sasagutin lang niya ang tawag. Bahagya siyang lumayo sa akin at lumapit banda sa may bintana, nakatalikod niyang sinagot ang tawag. Paminsan-minsan ay tumitingin siya banda sa akin pero bumabalik naman ang tingin niya agad sa bintana. While he's busy with his phone, nabigyan ako ng pagkakataon na titigan siya, I stared at him, not the Third that I used to know but as Yuseff that he is now.
Third has grown from a happy go lucky image to a man that knows what he really wants in his life. Malaki din ang ipinagbago niya sa pisikal na anyo, from his height and broad shoulders, masasabi talagang marami na ang nagbago sa nagdaan na taon.
I'm wondering if he feels the same way for me? Kasabay kaya ng mga nangyari ay nagbago nadin ang nararamdaman niya para sa akin? Naalala ko na naman ang gabing iyon na sasagutin ko na dapat si Third. That time, I dream of a happy and romantic relationship with him, he was perfect in my eyes. He was not just my suitor, he was my protector, bestfriend at the same time my enemy, hindi niya ako papanigan pag alam niyang mali talaga ang ginawa ko.
Pinakiramdaman ko ang sarili, now that I remember everything, si Third parin ba ang nagmamay-ari ng puso ko? o kasabay din ng pagkalimot sa aking alaala ay pagkawala ng nararamdaman ko para sa kanya?
He has still a special place in my heart, sigurado ako doon, pero hindi ko alam kung gaya ng dati ay pareho parin ang nararamdaman ko. Ayoko munang isipin ang ganyang bagay. Ayokong magpadalos-dalos. But, isn't it selfish? Hindi ba ako magiging unfair kay Third?
Biglang pumasok sa isip ko si Red. Inihilig ko ang ulo para maisantabi agad ang naisip. Mas lalo ata gumulo ang isip ko ngayong naaalala ko na ang lahat. Mas naging kumplikado.
"Are you okay?" hindi ko napansin na tapos na pala si Third sa kausap niya at ngayon ay matiim ng nakatitig sa akin. Concern is written on his face, ramdam ko ang kagustuhan niyang malaman kung ano ang iniisip ko.
Marahan naman akong tumango at ngumiti sa kanya.
Sabay kaming napalingon nang marinig ang katok sa pintuan at bumukas iyon. Iniluwa nito sina Mommy at Cheska. Cheska looks so guilty and worried, bago pa makalapit sa akin ay malakas na itong umiyak at walang tigil na humingi ng tawad. Kahit na naglihim sila sa akin ay hindi ko naman sila pwede sisihin, they just did what's best for me.
BINABASA MO ANG
See You Again Stranger
RandomWhat if all along the person you just met is actually a part of your past? What if there is someone that makes you feel that there is no need to look back. Will you be happy with the way things are? or Will you still try to recall a past that desti...