Chapter 18 - Death Threat!

41 2 2
                                    

Sabrina's POV

Ngayon ko lang naiintindihan ang laki ng problema nila Mommy at Daddy. Hindi ko akalaing ganito na kalala.

"Daddy?" agaw ko ng pansin sa kanila sabay lapit. Hindi ko na ata kayang manahimik lang.

"Sabrina?" gulat na sabi ni Mommy at mabilis itong nagpunas ng luha. "Paano ka nakauwi? Bakit hindi ka nagpasundo ?" nagtatakang dugtong nito.

"Mommy, narinig ko lahat. Ito ba yung dahilan ng madalas na pag-aaway ninyo ni Daddy lately?" tanong ko.

"Anak, I'm sorry" nakayukong sabi ni Daddy. "It's all my fault, we're very sorry na nilihim namin ng Mommy mo at naging busy kami lately. Ayokong madamay ka dito"

"Dad, I just want to know the whole truth."

At ipinaliwanag na nga ni Daddy ang buong pangyayari. Nalaman kong nirefer lang sa kanila ang naging bagong contractor and they thought they're good based sa pinakita nitong mga previous projects. Everything is going according to plan, not until nangyari nga ang pagguho ng ginagawang building. Tatlo ang nasawing construction workers at higit sa benteng katao ang sugatan sa pangyayari. Napag-alaman ding substandard ang mga ginamit na mga materyales na sanhi ng pagguho nito.

To add insult to an injury, dahil sa nangyari, kanya-kanyang withdraw ang mga investors, sumabay din na kailangang sagutin ni Daddy ang lahat ng burol ng mga nasawi at pagpapaospital ng mga sugatang biktima.

Ano na ang mangyayari ngayon???

***

Late na ako nagising kinabukasan. Nagpasya nalang akong mamayang hapon na pumasok. Wala rin naman akong gana lalo na sa mga nalaman ko kahapon.

Nagpasya na akong maligo nang makita ko ang sariling repleksyon sa salamin. Mugto ang aking mata, at halatang walang masyadong tulog. Nag-uunahan na naman sa pagtulo ang aking mga luha nang maalala ang sitwasyon nila Daddy. Ako ang natatakot para kay Daddy.

Mabilis ko namang pinunasan ang aking mga luha. Ngayon ako higit na kailangan nila kaya dapat akong magpakatatag. Tanging si Mommy nalang ang naabutan ko nang makababa ako sa dining room. Kanina pa daw nakaalis si Dad at marami pang aasikasuhin. Lihim kong pinagmasdan si Mommy, ngayon ko lang napansin ang bahagyang pagpayat nito, mugto din ang mga mata at kagaya ko din, wala din itong masyadong tulog.

Kanina pa ako naihatid pero nandito parin ako sa labas ng school gate namin. Ang daming bumabagabag sa akin. Buong maghapon akong lutang sa klase.

Aasahan ko na din sa susunod na araw ang pagbabawas namin ng katulong sa bahay. Malalim akong napabuntong hininga. Kakayanin ko lahat basta magkasama lang kami nila Mommy at Daddy.

"Hey Sabrina, our professor is calling you!" mahinang kalabit sa akin ni Yuseff. Masyado nga akong lutang sa klase na hindi ko narinig ang pagtawag sa akin ng professor namin.

"Sorry prof," hinging paumanhin ko at tumayo.

"Are you okay, Ms. Castillo?" tanong ng prof naming. Tumango naman ako at sinabing okay naman. Tumango lang ang professor ko at nagpatuloy na sa discussion. Narinig ko naman ang iilang bulungan ng mga kaklase ko. Nakita ko pa ang kuryusong tingin sa akin ni Red.

"Are you okay? You seem spacing out." usisa sa akin ni Yuseff nang umupo ako ulit.

Mabilis naman akong tumango at pinilit ng makinig sa discussion.

"Narinig nyo na ba ang tungkol sa Daddy ni Sabrina? According to my Dad, marami daw'ng na-scam ang company ng Daddy nya" Mahinang bulong ng isa kong kaklase pero sapat naman na marinig ko ang pinag-uusapan nila. Hindi ko napigilang tingnan ang mga ito pero imbes na tumigil ay patuloy parin sila sa usapan na tila iyon talaga ang gusto nila. Ang marinig ko iyon.

See You Again StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon