Chapter 25 - Bittersweet

24 1 2
                                    

"He did what??" malakas na tanong ni Cheska at maya-maya ay narinig ko na ang tili nito mula sa kabilang linya. Kinuwento ko na kasi sa kanya ang nangyari. Parang kanina lang ay galit ito sa akin dahil hindi ko nasagot ang mga tawag niya dahil naiwan ko naman talaga ang cellphone sa kwarto.

"Oh my gosh! Sayang at hindi ko nasaksihan iyon. I can't imagine Manang's reaction when she heard it. Sana hindi nalang muna ako umuwi" nanghihinayang na sabi niya sa akin. Naalala ko naman ang nakitang gulat sa mukha nina Manang at Ate Olive kanina. 

Red caught me off guard by his confession. Never in my wildest dream that Red could said that in front of others. Hindi na ako nakapagreact sa sinabi niya at mabilis na siyang nagpaalam sa amin nila Manang sakay sa kanyang black Fortuner.

"Oh my gosh! Paano na ang issue nyo ngayon? Kakapost mo lang ng We we're never an item chuchu! and then malalaman nila na nanliligaw pala sayo si Red, it's sounds contradicting, you know!" napahiga nalang ako sa kama nang marinig ang sinabi ni Cheska. 

To be honest, I don't really know. Hindi ko alam ang nangyayari. Everything happens so fast that nagising lang ako kaninang umaga na ang pinoproblema ay dinadamay ang pangalan ko kina Red at Kelsey pero matatapos naman ang gabi ko sa pagbisita at confession ni Red. 

Halos isang oras din kaming nag-usap ni Cheska bago mapagdesisyunang ibaba na ang tawag. Hindi ko na din muna pinagkaabalahang i-open ang friendsbook ko. My phone beeped and saw two messages from Red. May naunang text na pala siya kanina pa. Hindi ko siguro napansin dahil kausap ko si Cheska.

Smiling Devil:

"I'm home."

"Everything I said earlier was true! Please give me a chance, Sab!"

I don't know what to reply. Gusto kong tawagan ulit si Cheska para humingi ng advise pero baka busy na iyon. Hindi ko nalang siya nireplyan at pinilit nalang ang sariling matulog.

***

Papunta ako ng library nang makasalubong ko si Yuseff. Tila malalim ang iniisip niya at muntikan pa siyang may mabangga. Nakita niya ako at ngumiti naman siya pero isa itong klaseng ngiti na tila walang buhay. The dark circles under his eyes are also visible. He looked away when he noticed me intently looking at him.

"Going to class?" naitanong ko nalang sa kanya kahit naisip kong walang sense ang tanong na iyon. Kaya nga nandito sa school diba?

Tumango siya bago ibinalik ang tingin sa akin. 

"Yeah! Library?" balik namang tanong niya at tiningnan ang dala kong iilang books.

"Oo! Sige baka malate ka pa sa klase mo" 

Matagal siya bago nakasagot. Parang may gusto siyang sabihin sa akin pero tila may pumipigil sa kanya. Bandang huli ay mabigat siyang bumuntong hininga at nagpaalam. 

Imbes na mag-advanced study ako dito sa library ay hindi ko maiwasang hindi maisip si Yuseff. He looks a little off today. Tinanong ko ba siya dapat kung may problema siya? Or baka isipin naman niyang nangingialam ako? Napanguso naman ako dahil hindi ko na ang alam ang gagawin ko.

Naagaw lamang ang pansin ko nang isang grupong kakaupo lang sa kabilang mesa. Clara is one of them. Nakaharap akong nakaupo sa kanila kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa gawi nila. Minsan ko nalang siya makita aside sa isang subject na magkaklase kami.

Sa sunod-sunod na nangyari sa akin nitong nakaraan, feeling ko ang dami ng nangyari. Nakikita ko naman siyang kasama minsan si Red, pero lihim kong pinagdasal na sana ay hindi niya kasama ngayon dahil hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan. I looked around to make sure he's not here pero tila binibiro naman ako ng tadhana nang makita si Red na papasok ng library. He's with Eric. Napansin kong nagtaas ng kamay ang isa sa nakaupo sa grupo nila Clara, dahilan ng paglingon nila Red at Eric banda sa pwesto namin.

See You Again StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon