I had a hard time sleeping that night. Hindi ko makalimutan ang nangyari kanina.
Nakaukit parin sa aking isip ang walang emosyon na mukha ni Red.
And Third who I had a strong feeling na narinig niya ang pinag-usapan namin ni Red.
Inasahan kong magtatanong siya sa akin ng maiwan kami doon pero nakauwi nalang kami ay wala akong narinig mula sa kanya. I don't know if it's not a big deal to him o mas minabuti niya na lang na hindi ako tanungin.
And today, I want to talk to Third. Ilang araw ko ding piinag-isipan ang desisyong ito. Tinatahak ko na ngayon ang daan papuntang study kiosk. I want to clear things up between us. Ayoko ng maulit ang mga mali ko dati, ayoko ng patagalin pa kung may gusto akong sabihin sa kanya. I don't want to be selfish! He sacrificed enough for me kaya dapat hindi ako maging unfair sa kanya.
Sinigurado ko din na bakante siya sa ganitong oras. May nagturo sa akin na nakita nga siya sa study kiosk. Medyo tagong parte ang study kiosk ng college building nila, magandang lokasyon kung gusto mo mag-aral ng walang distorbo. Malapit na ako nang matigilan sa narinig at makita na nandoon si Cheska.
"G-gusto kita Third! Hindi pa ba halata yun? Sabagay, si Sabrina lang naman ang nakikita mo diba? Your world revolves around her" rinig kong sabi ni Cheska. Ramdam ko ang hinanakit sa boses niya.
Nagulat ako sa narinig.
May gusto siya kay Third? Kailan pa? Noong highschool pa ba kami or nitong college na? Bakit hindi ko man lang iyon napansin o naramdaman? Naisip ko ang pagkakataon na tinatanong ko siya tungkol sa lovelife niya. So ito ang dahilan kaya iniiba niya ang usapan? Cheska is in love with Third?!
Masyado silang seryoso sa pag-uusap na hindi nila ako napansin. Nakitaan ko din ng pagkagulat si Third na tila ngayon lang din nalaman ang nararamdaman ni Cheska.
"I tried not to love you. I know this is not right. Akala mo gusto ko to? You don't know how guilty I am sa tuwing nagsisinungaling ako kay Sabrina." pumiyok pa na sabi niya bago mabilis na hinablot ang bag at tumalikod pero agad namang natigilan nang makita ako.
Nakita ko ang takot at gulat sa mukha ng bestfriend ko.
"S-sabrina!!" sabi ni Cheska na agad napayuko at nag-iwas ng tingin. Tila hindi niya alam ang gagawin, base sa reaksyon ay may ideya na siya na narinig ko nga ang pinag-usapan nila.
Napatingin naman ako kay Third na nagulat din sa presensya ko, nagtangka siyang lumapit siya sa akin at tila handang magpaliwanag kahit wala pa naman akong sinasabi.
"I'm s-sorry, Sabrina!" sabi ni Cheska sa akin at patakbong umalis, leaving the two of us. Tinawag ko si Cheska pero tuloy-tuloy parin ito sa pagtakbo. Susundan ko na sana si Cheska pero mabilis akong napigilan ni Third.
Agad akong napatingin sa kanya. Nakita kong sinundan pa ng tingin ni Third si Cheska bago bumaling sa akin at malalim na bumuntong-hininga.
"About what you heard--"
"I've heard enough but gusto din sana kitang makausap."
As much as I want to talk to Cheska about her feelings for Third but I think this is the right time to talk to Third.
His eyes are full of fear and worries. Tumango naman siya at giniya ako na maupo sa iilang upuan doon sa study kiosk. Mabuti at wala ding katao-tao dito ngayon. Nakita kong may iilang nakabukas pa na libro sa mesa na halatang nag-aaral nga sila kanina.
Hindi parin ako makapaniwala sa narinig kanina, pero kailangan ko ng masabi kay Third.
I've been rehearsing on what to say pero iba pala talaga kapag kaharap mo na. I composed myself at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
BINABASA MO ANG
See You Again Stranger
RandomWhat if all along the person you just met is actually a part of your past? What if there is someone that makes you feel that there is no need to look back. Will you be happy with the way things are? or Will you still try to recall a past that desti...