Sabrina's POV
Kelsey smirked at me before bursting into laughter.
"Me?" she asked and even pointed herself. "Having a problem with you?"tumawa pa siya ulit na tila sobrang nakakatawa ang sinabi ko. "Bakit? Is there a reason for me to feel that?
I shrugged and just gave her a smile.
"Well, just asking!"
Her mouth twisted into a humorless smile.
"I'll go ahead" paalam ko sa kanya at hindi na hinintay ang kanyang sagot.
Mabilis akong pumasok sa gymnasium. Palaisipan parin sa akin ang presensya doon ni Kelsey. Nakasalubong ko naman si Eric na tila kanina pa ako hinahanap.
"Sabrina, I just want to say sorry again sa nangyari kanina" hinging paumanhin niya at agad naman akong napailing.
"No need to say sorry! Kasalanan ko din naman yun"
Eric said his sorry again and mentioned that Red is looking for me. Tatanungin ko sana kung bakit ako hinahanap ng makitang papalapit na sina Red at Kelsey sa pwesto namin.
"See? Sabrina's okay. Don't get pressured by her Mom." rinig kong sabi ni Kelsey.
Tinatawagan parin ba si Red ni Mommy? Kaya ba parang feeling ko ay inis si Kelsey sa akin dahil sa pangungulit ni Mom. Red provided his information to Mommy so hindi kataka taka na kontakin nga siya. Dapat pala itext ko si Mommy na huwag na istorbohin pa si Red.
"Where are you sleeping?" tanong ni Red sa akin.
"Kinukulit ka ba ni Mommy?" tanong ko imbes na sagutin ang tanong niya.
"You can sleep beside Kelsey" balewala din niya sa tanong ko.
"Okay na ako sa pwesto ko" Tinuro ko naman kung saan ako banda nakalatag ng higaan. Sinundan naman ng tingin ni Red iyon.
I saw him clenching his jaw. Matagal niyang tinitigan kung saan nakapwesto ang aking higaan na tila tiningnan pa kung kilala niya ang nakahiga malapit sa pwesto ko bago binalik ang tingin sa akin.
"Are you comfortable there?" I saw him clenching his jaw na tila may gusto pa siyang sabihin pero pinigilan ang sarili pa na dagdagan ang sasabihin.
"Yeah, okay na ako doon" ulit ko at ngumiti para i-assure siya na okay lang naman talaga ang pwesto ko doon.
Seryoso akong tinitigan ni Red bago bumaba ang kanyang tingin sa kamay ko partikular sa sugat na nilagyan niya ng bandage kanina. Pansin ko naman ang pamumungay ng kanyang mga mata, tila pagod at antok na antok na. Matulog na kaya siya.
"Let's go? You need to rest, Red. Mukha kang magkakasakit oh at tutulungan mo pa ako maglatag ng higaan, remember?" yaya ni Kelsey sabay hawak sa braso ni Red. "Maiwan na muna namin kayo ha" nakangiting dugtong ni Kelsey at tumingin sa akin bago nilingon si Eric at nagpaalam din dito.
"Sige na Red, hatid ko nalang din si Sabrina sa pwesto niya" paalam din ni Eric.
Marahan namang tumango si Red at nagpahila na kay Kelsey. Tumingin pa sa akin si Red pero mabilis naman akong nag-iwas ng tingin.
"Good night" rinig kong sabi ni Red at tanging tango lang ang nasagot ko.
"Gusto ko sanang yayain ka magkape ulit, pero wag nalang pala" biro ni Eric habang pabalik na ako sa pwesto ko. Hindi din naman ito nagtagal at pumunta na ito sa pwesto niya. Katabi niya si Red at malapit lang din sa kanila si Kelsey. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin ng mapansin na tumingin din si Red banda sa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
See You Again Stranger
RandomWhat if all along the person you just met is actually a part of your past? What if there is someone that makes you feel that there is no need to look back. Will you be happy with the way things are? or Will you still try to recall a past that desti...