I am wearing a black one piece swimsuit. Simple lang iyon sa harap pero medyo sexy nga lang ang tabas sa likod. Iyon nalang kasi ang matino na napili ko.
Naubusan na kasi yung store na napuntahan ko ng rashguard na size ko. Kung hindi maliit sa akin ay malaki naman. The rest are two piece swimwear. Nagsusuot naman ako ng ganun pero pag nagswimming lang sa bahay or in a resort. Iba kasi ngayon na nasa hotel at nasa fieldtrip pa ako.
Tinatahak ko na ngayon ang daan papuntang pool at una kong nadaanan ang sky garden. Different kinds of flowers greeted me. May mini-bridge pa ito at maraming isda ang makikita. May nakita din akong iilang bench na pwede pagtambayan. Napakaganda ng landscape.
The infinity pool is in the 10th floor. Unang bumungad sa akin ang napakagandang view. The city view is breath taking. Tila pasko at napakaliwanag ng buong syudad.
May nakita akong ibang tao pero iilan lang kami. Nilagay ko ang towel at gamit ko sa isang sun lounger. The blue lights in the pool are so inviting. After I shower, mabilis akong lumusong sa infinity pool at lumangoy. Sakto lang naman ang lamig ng tubig sa pool. Dumerecho ako sa dulong parte ng pool at mas nakita ang view ng buong syudad ng kalakhang Maynila.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Hindi ko naisip na makakaramdaman ako ng katahimikan dito sa syudad. Ilang minuto pa akong nagsawa sa view bago lumangoy.
This time hindi agad ako umahon. Sinubukan kong abutin ang sahig ng pool at manatili ng ilang minuto doon. Hula ko ay nasa 7ft ang lalim ng pool na ito. Nagulat naman ako ng may nakitang bumagsak sa tubig dahilan ng mabilis kong pag-ahon. Isang lalaki ang nakita ko, tila nagulat pa siya ng sumulpot ako bigla sa tabi niya. Tumawa naman ang isang lalaki na nakatayo lang sa gilid ng pool.
"I told you dude, she's alright!" rinig kong sabi ng lalaking tumawa. "Sorry Miss, akala kasi ng kaibigan ko nalunod ka na"
"Ah okay" maiksing sabi ko.
Napatingin naman ako sa lalaking mabilis na umahon at sinuklay ang buhok gamit ang kamay. Tumingin siya sa akin saglit bago kinausap ang kanyang kaibigan. Naglakad na ito palayo at nagpaalam din naman sa akin yung isang lalaki.
Napagdesisyunan ko nalang din na umahon muna. Naramdaman ko naman agad ang lamig ng umihip ang hangin. Niyakap ko ang sarili at maglalakad na sana ng may pumulupot sa aking towel. Mabilis akong lumingon at nakita si Red sa tabi ko.
"Your exposing too much of your body" singlamig ng hangin ngayong gabi na sabi niya at umalis.
Ano daw? Anong expose? Anong gusto niya nakapantalon ako at jacket maligo? Teka, bakit siya nandito? Mukhang hindi naman siya magswimming sa ayos niya at isa pa pakialam niya ba kung anong suotin ko?
Mabilis ko nalang kinuha ang gamit at sinuot ang robe. Sinubukan ko siyang habulin at naabutan ko nga siya sa may sky garden.
"Red!" malakas na tawag ko sa kanya dahilan ng paghinto niya sa paglalakad.
Nilapitan ko naman siya at hinarap."Ano bang problema mo? Ikaw itong bigla nalang nagbago ang pakikitungo sa akin, and then the next thing I knew, lalapit ka lang bigla para pagsabihan ako. What's wrong with you?" naiinis na sabi ko.
Tiningnan niya ako. May halong galit, lungkot at sakit ang nakita ko sa mga mata niya. His face hardened.
"It's none of your business!" sabi niya sabay lakad ulit pero natigilan din ng marinig ang sinabi ko.
"Coward! Ang lakas ng loob mong iwasan ako bigla ng hindi ko alam ang dahilan. Ano yun biglang nagbago isip mo at ayaw mo na sa akin? Well, you could have told me straight in the face or baka hindi mo naman talaga ako ginusto? Is that it?"
BINABASA MO ANG
See You Again Stranger
AcakWhat if all along the person you just met is actually a part of your past? What if there is someone that makes you feel that there is no need to look back. Will you be happy with the way things are? or Will you still try to recall a past that desti...