Nakatingin si Red ngayon sa mga nakahilerang picture frames namin sa sala. Hindi niya ata kami napansin dahil nakatutok parin ang mga mata niya sa mga litrato.
Napaisip naman ako kung ano ang mga pictures na posibleng tinitingnan niya ngayon. Nakaramdam ako ng hiya nang maalala na isa sa mga pictures doon ay nung grade one pa ako. Kuha ito sa garden namin, tuwang tuwa akong naliligo sa ulan at nakapanty lang. Malaki ang ngisi ko doon at hindi alintana ang pudpod kong mga ngipin.
Bigla naman akong naging conscious sa suot ko. Palihim kong tiningnan ang black shorts na suot na sakto lang naman sa haba at isang plain white shirt.
Ibinalik ko naman ang tingin kay Red. He is wearing a blue denim jacket, white t-shirt and a black jeans paired with white sneakers. It seems like he looks good in whatever he wears.
Narinig kong tumikhim si Cheska dahilan ng paglingon ni Red banda sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Red. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at sakto namang kakalabas lang ni Manang galing ng kusina.
"Sabrina, hija! May bisita ka. Ano nga ulit pangalan mo, Hijo?" tanong ni Manang sabay lapag ng meryenda sa center table.
Nagtagal ang tingin sa akin ni Red bago bumaling kay Manang.
"Red Salazar po" sagot ni Red kay Manang at ngumiti dito.
Tinulak naman ako ni Cheska para makalapit na. Nakangusong tinuro niya sa akin si Red.
"Paano niya nalaman bahay nyo? Nakapunta na ba siya dito? Wala kang nakwento sa akin!" bulong sa akin ni Cheska na tila hindi mapakali hanggat hindi niya nalalaman ang totoo.
Iminuwestra na ni Manang ang meryenda kay Red pero napapatingin siya sa amin lalo na ang ginagawang pagbulong sa akin ni Cheska. Kung hindi ko pa sinabihan na ikukuwento ko sa kanya mamaya ay hindi pa ako titigilan.
"Kumain ka muna Hijo. Sabrina, asikasuhin mo na ang bisita mo at magdidilig lang ako ng halaman sa likod" baling naman sa akin ni Manang.
Tumango naman ako. Nagpasalamat din naman si Red kay Manang.
"Hi, you must be Red, right? I'm Cheska, Sabrina's bestfriend." Pakilala ni Cheska nang makalabas na si Manang. Hindi na talaga siya nakapaghintay at nagpakilala na kay Red.
"Nice to meet you! Nakita na ata kitang kasama ni Sabrina sa campus" sabi ni Red at tumingin na naman sa akin. Tumikhim ulit si Cheska kaya binalik niya ulit ang tingin dito.
"Talaga? That's probably me, kaya lang minsan nalang kami magkita lately, medyo busy kasi." patuloy parin na daldal ni Cheska at kinuwento na din pati kurso niya. Inabala ko nalang ang sarili sa pagsalin ng juice sa mga baso. "Lagi ka bang pumupunta dito? Manliligaw ka ba niya?"
Muntik ko namang mabitawan ang pitsel ng juice kung hindi ko lang ito naibaba agad sa center table. Hindi nga lang naiwasang lumikha ng ingay iyon dahilan ng sabay na paglingon sa akin ng dalawa. Hilaw ko naman silang nginitian. I can see Cheska smiling widely as if she's really enjoying where the conversation is going.
Red looks at me with amusement in his eyes.
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Cheska pero pansin ko parin ang pigil niyang mga ngiti.
Bago pa ako makapagsalita ay may narinig na kaming sunod-sunod na busina sa labas.
"Nandiyan na ata yung sundo ko!" at tumayo na si Cheska sabay kuha sa sling bag na dala dala niya kanina. "It was nice meeting you, Red" sabay lahad ni Cheska ng kamay at inabot naman agad iyon ni Red. Matapos magpaalam bumaling sa akin si Cheska at sumenyas na ihatid ko daw siya sa labas. Nagpaalam muna ako kay Red at sabay na kaming lumabas ni Cheska.
BINABASA MO ANG
See You Again Stranger
AcakWhat if all along the person you just met is actually a part of your past? What if there is someone that makes you feel that there is no need to look back. Will you be happy with the way things are? or Will you still try to recall a past that desti...