Chapter 23 - Tagged

34 1 0
                                    


Nakasimangot at naiirita parin ako kahit nang maupo malapit sa grupo nila Louise. Busy ang mga ito sa pakikipaglaro sa mga bata. Marahas akong bumuga ng buntong hininga, umaasang kasabay din nitong mailabas ang iritasyon na nararamdaman ko.

"Are you okay?" napaangat ako ng tingin at nakita si Paulo. Medyo pawisan ito at may bitbit na tubig. Mahina akong tumango. Maya-maya ay umupo siya sa tabi ko at nakita kong uminom ng tubig.

"The kids keep mentioning about their Ate Ganda who gave them toys and chocolates!" patuloy na sabi nito. "I got curious and asked them, who's Ate Ganda? Guess what? Tinuro ka nila sa akin." 

Hindi ko naman napigilang matawa sa sinabi nito. Ate Ganda kasi ang pakilala ko sa mga bata  ng binigyan ko sila ng regalo kanina. Tumawa din si Paulo at lumabas ang malalim na mga biloy nito. He looked at me and smiled genuinely.

"Ayan, nakangiti ka na! Maniniwala na ako na ikaw ang ate Ganda nila, kanina kasi nakasimangot ka, nagdadalawang-isip pa ako!" patuloy na tawa nito kasabay ng pang-aasar sa akin. 

"Ah ganoon?" umamba akong hahampasin ito nang marinig ang hiyawan. 

"Uyyy! Mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa!" Napalingon ako sa gawi nila at tapos na pala maglaro ang mga ito. Nakisama na din sa hiyawan ang mga bata.

"Paulo, ang bilis mo naman!" hindi parin tumitigil na tukso sa amin.

"Ate Ganda, boyfriend nyo po si Kuya Paulo?" lapit ng isang batang babae. 

"Hindi!" maiksing sagot ko sabay tayo. "Tara! Kids gusto ninyo maglaro tayo?" yaya ko sa mga bata para hindi na ito makisali sa kalokohan ng mga nakakatanda. Masaya namang pumayag ang mga bata. Naglaro kami ng habulan, sumali na rin sina Louise, Marjorie, Paulo at iba pang mga nandoon din na volunteers. Hingal na hingal ako sa larong iyon. Ang mga bata ay tila hindi napapagod at nagyayaya pa ng bagong laro.

Naglaro nga kami ulit ng tagu-taguan. Mas marami na ngayong sumali, kasali na doon si Red. Nakita ko naman sina Kelsey at Joanne na nakaupo lang sa gilid at nanonood lang. Si Jerome, isa sa mga volunteer ang naging taya.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang kong sampu, makatago na kayo. Isa, dalawa--"

Ang bilis naman nakahanap ng iba ng mapagtataguan. Nakita ko sina Louise na nagtago sa ilang punong kahoy. Natawa pa ako dahil umakyat pa ang iba sa puno. Mabilis na akong naghanap ng mapagtataguan. Nakita ko ang tatlong malalaking water drum sa sulok. Medyo kinakalawang na ang mga ito pero sapat na para makatago ako. Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit doon nang marinig na malapit na matapos magbilang si Jerome.

Magtatago na sana ako ng makitang nandoon si Red. Naka-squat itong nagtatago, gaya ko ay nagulat din ata siya nang makita ako. Napatingin ako at may isang batang babae din siyang kasama na nagtatago doon. Hindi ko alam kung maghahanap nalang ba ako ng ibang pwesto na pwedeng pagtaguan pero bago pa makapag-isip ay hinila na ako ni Red para makapagtago.

Mabilis naman niya akong binitawan nang maayos na akong makapagtago. 

"Muntik ka na pong makita, Ate Ganda!" tumatawang sabi ng bata na napapagitnaan namin ni Red ngayon. Nakatakip pa sa bibig niya ang dalawang kamay para mas pigilan siguro ang tawa. 

Sa dinami-dami ng pwedeng pagtaguan at pwedeng makasama si Red pa talaga? Matapos ang sagutan namin kanina, I don't think we can talk now without annoying each other. Good thing, may kasama kaming bata dito. Nakita kong sumilip si Red at tiningnan kung nasaan na siguro si Jerome. Gumalaw si Red at mas umayos pa ngayon sa pagtatago, maybe Jerome have already started his search operation.

See You Again StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon