Yakap yakap na ni Mommy ngayon ang urn kung saan nakalagay ang mga abo ni Daddy.
Daddy is gone. Hindi na namin siya makikita at mayayakap.
Sumikip ang dibdib ko nang maalala ang huling paalam namin kay Daddy kanina. Mommy don't want to let go of Daddy's body. The pain is too unbearable that Mom passed out. I was scared, I can't lose Mom, too. Hindi ko kakayanin iyon.
The next day, gusto na agad umuwi ni Mommy sa Pilipinas. She is now busy checking our flights. Tito suggested Mom we could take some few days rest before going back to the Philippines but Mom insisted that she have a lot of things to do. Wala namang nagawa na si Tito Samuel dahil buo na ang desisyon ni Mommy.
***
Alas-tres ng hapon nang makarating kami ng bahay. Galing sa airport ay sinundo kami ng driver ni Tito Samuel at dumerecho na kami dito sa bahay. Napalingon ako kay Mommy ng hindi parin siya bumababa ng sasakyan.
"You let Sabrina lived here, Samuel?" gulat na tanong ni Mommy na kakababa lang ngayon at hinarap si Tito. Mommy came from a wealthy family. Hindi ko siya masisisi na ganito ang magiging reaction niya nang makita ang kabuuan ng bahay.
First time kasing makita ni Mommy ito. She's so busy with Dad kaya hindi naman namin napag-uusapan. Inaasahan ko din na tutol si Mommy sa ganitong klaseng lugar.
"I bought the house and lot at a good price." depensa naman ni Tito kay Mommy.
"I trusted your decision, Samuel. How can you be sure that this is a safe place?" sabi ni Mommy na tinitingnan naman ngayon ang mga kapitbahay namin.
"I have my men followed Sabrina, Madeleine. May nagmamatyag din sa bahay dito, if that will console you" gulat naman akong napalingon kay Tito. Tumingin naman sa akin si Tito na tila amused sa naging reaksyon ko.
He had me followed? Ibig sabihin, alam ni Tito na may part-time job ako? Mabilis naman akong nag-isip kong may nilihim pa ako kay Tito.
"Ma'am Madeleine?" naiiyak na sambit ni Manang na nasa labas na pala ng gate. Nagulat siguro siya sa biglaan naming dating. Wala kasing nakakaalam na uuwi kami ngayon.
Napalingon naman si Mommy kay Manang at nagyakapan ang dalawa.
"Manang, bakit hindi ninyo po sa akin nabanggit ang nangyayari lalo na ang bahay na ito?" Nakaupo na kami sa sala at nag-umpisa na namang magtanong si Mommy. Nagpaalam rin naman agad si Tito Samuel at marami pa siyang aasikasuhin.
Tumingin muna si Manang sa akin bago sumagot.
"Eh Ma'am, safe naman po at mababait ang mga tao dito. Isa pa, ayaw ko ng dagdagan pa ang alalahanin mo."
Mommy sighed heavily. Tiningnan niya ang buong bahay. Mula sa sala, kusina at naka-air conditioned din ang mga kwarto. Maganda naman ang bahay. Malawak din ang sala. Maliit nga lang kung ikukumpara talaga sa bahay namin sa Forbes Royale.
"I'll be looking for a new place. Hindi ako makakampanteng tumira sa ganitong lugar lalo na hindi pa nahuhuli ang p-pumatay kay R-Roman." medyo pumiyok si Mommy na agad ko naman dinaluhan. Nilapitan ni Mommy ang urn ni Daddy na nakalagay ngayon sa sala. She touched it like he's holding Dad right now.
"Haharapin ko na din ang mga inaakusa nila sa construction firm natin. I will make them pay for all the damages that they had done." dugtong ni Mommy na bakas ang galit sa bawat katagang lumalabas sa kanyang bibig.
Maaga kaming nagpahinga ni Mommy. Dala narin siguro ng ilang araw na puyat kaya mabilis naman siyang nakatulog.
Napalingon ako kay Mommy ng bahagya siyang gumalaw. Maingat ko naman siyang nilapitan at inayos ang kumot. Ngayong nandito na sa Pilipinas si Mommy, imposibleng hindi niya malaman ang pagpapart-time job at magko-commute ko. Hindi ko lang alam kung papaano sasabihin na tinanggihan ko ang offer ni Tito Samuel na hatid sundo ako sa school. Gusto ko lang naman kasing maging independent na. Ayaw ko naman na kay Tito Samuel niya iyon marinig.
BINABASA MO ANG
See You Again Stranger
AcakWhat if all along the person you just met is actually a part of your past? What if there is someone that makes you feel that there is no need to look back. Will you be happy with the way things are? or Will you still try to recall a past that desti...