Chapter 22 - Part-time Job

43 1 0
                                    

Sabrina's POV

"I'm not asking your permission. Let's go!" at maingat niya akong hinila.

"Where are we going?" tanong ko nang mapansin na hindi ang daan papuntang clinic ang tinatahak niya kundi papuntang parking.

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nang makalapit na kami sa sasakyan niya, he asked me to get inside his car, magrereklamo pa sana ako pero nung nakita ko ang seryoso at galit na mukha nito ay tinikom ko nalang ang bibig ko. Nanatili namang nakabukas lang ang pinto ng sasakyan niya. Nakita kong may kinuha siya sa likod ng sasakyan. Maya maya ay may bitbit na itong hula ko ay first aid kit.

"May I?" sabi niya sabay bukas sa bitbit na first aid kit. Marahan naman akong tumango. Seryoso nitong nilinis ang sugat ko, kahit iritado ang mukha ay ramdam ko parin ang pag-iingat sa bawat kilos niya.

Hindi ko naman maiwasang titigan si Yuseff. Marami akong gustong itanong sa kanya, pero masyado pa akong maraming iniisip sa ngayon para isatinig ang mga katanungan. Nakita kong kumunot pa ang noo nito habang nililinis ang sugat ko. Ingat na ingat ito sa pagdampi ng bulak sa sugat. Bigla itong nag-angat ng tingin sa akin at nahuli akong nakatitig sa kanya.

Nakaramdam naman ako ng hiya dahil nahuli nito akong nakatitig kaya sinubukan kong agawin ang cotton na hawak nito.

"Ako na" agaw ko pero mabilis namang nailayo nito. Sinubukan kong agawin ulit pero bigo pa rin akong makuha.

"Stay still, Sabrina! Tigas talaga ng ulo. Hinayaan mo ngang matuyo ang dugo sa sugat mo" medyo iritadong sabi niya at tila frustrated na.

Nagsimula namang gamutin niya ang kalmot banda sa pisngi ko. Bahagya itong lumapit sa akin dahilan ng pagkakaasiwa ko. Naaamoy ko na ang panlalaking pabango.

"Akin na nga yan" sabay kuha ko sa bulak na may betadine. Hinayaan naman na ako nito at hindi na nakipag-agawan pa.

Tahimik lang siyang nakamasid sa akin habang sinusubukan kong gamutin ang sugat ko.

"Let me help you" maya maya ay sabi nito pero mabilis ko namang inilayo ang bulak.

Napansin kong tumaas ang gilid ng labi niya na tila pinipigilan ang ngiti.

Kumuha naman na ako ng salamin sa bag ko para mas makita ko ang sugat sa mukha.

Agad namang uminit ang pisngi ko ng makitang hindi ko pala nailagay ng maayos ang betadine, imbes na sa sugat, nagkalat ito sa ibang bahagi ng pisngi ko.

"Anong nakakatawa?" sita ko para pagtakpan ang kahihiyan.

Isang tawa ang isinukli niya sa akin, dahilan ng paghampas ko sa kanya.

"Ouch!" angal nito sa akin pero alam ko namang nagkukunwaring nasasaktan lang ito.

"Uuwi na ako!" sabi ko at nagsimula ng magligpit ng mga ginamit sa paglinis ng sugat ko.

"Mabuti pa nga! Tara, uwi na tayo!" sabay kuha nga nito sa mga bulak at tinapon sa isang maliit na trashcan nito sa sasakyan.

"Anong uwi na tayo? Hindi na ako taga Forbes Royale baka nakakalimutan mo!"

"Alam ko! Kaya nga ihahatid na kita!"

***

Nakauwi na ako pero naiisip ko parin ang ginawa ni Yuseff kanina. Ilang beses niya akong pinilit na ihahatid daw niya ako pero tinanggihan ko kaya ang ginawa niya ay nag-jeep nalang din. Iba din trip eh!

See You Again StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon