Naintindihan naman ni Mrs. Ledesma na hindi muna ako makakapagduty sa restaurant. Pagkatapos kasi ng klase ko kanina, naisipan kong dumerecho na dito para makapagpaalam sa kanya ng personal.
Kailangan ko pa kasing sabihin kay Mommy ang tungkol sa pagkakaroon ko ng part-time job. Magtataka kasi panigurado iyon kung may mga araw akong late na makakauwi.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga kasama ko sa trabaho. Nahihiya nga ako sa kanila kasi kung kailan busy ang restaurant, nabawasan pa sila ng tao. Nag-volunteer ako na pwede akong tumulong sa kanila kahit hanggang alas-singko, hindi sana ako papayagan ni Mrs. Ledesma, pero nagpumilit ako kahit iyon man lang ang maitulong ko kapalit ng kabaitan at konsiderasyon nila sa akin.
Mabuti nalang at tumulong nga ako dahil mas lalo pang dumami ang customers. Kakarating lang ng isang grupo ng mga estudyante. Base sa kanilang suot na uniporme ay pareho kami ng school na pinapasukan.
Birthday ata ng isang kaibigan nila nang marinig kong nagrequest sila ng birthday serenade para mamaya.
Nakatayo lang ako malapit sa counter at naghihintay kung may orders o i-siserve na pagkain nang makita kong pumasok si Red ng restaurant. Hindi na siya naka-uniform. He is wearing a white shirt and a blue faded jeans paired with black boots. Marami ang napalingon sa kanya lalo na ang mga iilang estudyanteng customers namin doon. Pero ang nagpaagaw talaga ng atensyon sa kanya ay ang bitbit niyang bouquet ng bulaklak.
"OMG! Ang gwapo talaga ni Red, siya ba ang birthday surprise nyo sa akin guys?" narinig kong sabi ng hula ko ay ang birthday celebrant. Sila yung mga grupo ng estudyanteng kakapasok lang din dito kanina. Malapit lang ako sa kanila kaya naririnig ko ang usapan nila.
"Gaga may girlfriend na yan diba? Si Kelsey! Huwag ka na mangarap bakla!" sabi naman ng kaibigan niya sabay kunwaring sabunot sa buhok niya.
"May bouquet pa siyang dala! Baka dito sila magdi-date ni Kelsey!"
"Sana ako nalang si Kelsey" rinig kong sabi ulit ng birthday celebrant na kinikilig pa.
Ibinalik ko naman ang tingin kay Red. Iginala niya ang mga mata at tumigil nang magkasulubong ang tingin namin. Nag-iwas naman ako ng tingin at nagkunwari ng may ginagawa.
Totoo kayang may date sila ni Kelsey? If it's true, dito pa talaga ang napili niyang lugar kahit alam niyang dito ako nagtatrabaho?
Nakaramdam ako ng inis nang maisip na talagang niloko lang talaga ako ni Red. Isang malaking biro lang siguro iyong sinabing manliligaw siya.
May mga dumating na bagong customers, dala dala ang inis na pumukaw sa akin ay inabala ko nalang ang sarili sa pagtatrabaho.
Ang tanging pakunswelo nalang sa akin ay maaga akong uuwi ngayon. Hindi ko kasi kayang makipagplastikan kay Red lalo na at naiinis ako sa kanya at idagdag pa na nagkasagutan kami kanina.
Hindi ko na muling nilingon pa kung saan man banda pumwesto si Red. Hindi na ako interasadong malaman iyon.
Napalingon ako ng may kumalabit sa akin pagkatapos kong maibigay ang order ng customer sa counter.
"May nagpapatanong anong oras daw uwi mo?" nanunuksong sabi ni Bianca.
"Sino?" nagtatakang tanong ko naman sa kanya.
"Siya" sabay may itinuro si Bianca. Sinundan ko naman kung saan siya banda nakatingin. "Si Poging sumusundo sayo dito dati yan diba?" dugtong pa ni Bianca.
"Bakit daw?" sumimangot naman ako at nagtaas ng kilay.
"Malay ko. Mas mabuti pa, ikaw na maghatid ng orders niya ngayon!"
BINABASA MO ANG
See You Again Stranger
De TodoWhat if all along the person you just met is actually a part of your past? What if there is someone that makes you feel that there is no need to look back. Will you be happy with the way things are? or Will you still try to recall a past that desti...