Chapter 29 - Meet

24 1 0
                                    

True to her words! Mommy bought a 6500 sq. ft. 4 bedroom modern home in Emperor Oaksville Subdivision.

It was a huge house. It's a 2-storey spacious house with a floor to ceiling windows. The seemingly floating stairs that leads you to the second floor are like magical. You'll be amazed how did they do that. Surely, the Architect and Engineers have done a great job in designing this modern house. Ang liwanag na pumapasok galing sa labas ay nagbibigay ng natural na liwanag sa buong bahay that makes the house look accommodating and homey.

My jaw literally drops when I saw the big pool that has island platforms and a jacuzzi. Everything shouts luxury and elegance. I can't help but think of our old home in Forbes Royale. It's a two-storey house too but this is more modern and spacious.

Nakakuha ng malaking pera si Mommy sa insurance ni Dad. Nagbenta din siya  ng ibang properties namin. Gamit ang pera , inasikaso ni Mommy ang lahat ng naagrabayado ng kumpanya namin. Ngayon ay unti-unti na kaming nakakabangon pero patuloy parin ang kaso ni Dad at tinutugis parin ang may salarin.

Nandito na ako sa sarili kong kwarto. Mas doble pa ata ang laki ng kwarto ko ngayon kumpara dati. I have my walk-in closet and a comfort room with a bathtub. Naisip ko din ang iniwang bahay namin. Kakalipat lang kasi namin kahapon. Hindi naman kami nahirapan dahil halos pinaiwan na ni Mommy ang ibang gamit. May prospective buyer na din daw sabi ni Tito Samuel.

Naranasan ko na kung paano maghirap at ngayong bumalik na kami sa dating buhay ay magkahalong pait at saya ang nararamdaman ko.

Tomorrow is my last day working at the restaurant. Naalala ko naman ang reaction ni Mommy ng malaman niya ang trabaho ko 2 weeks ago. With Tito Samuel's encouragement, we we're having our dinner in our house nang sabihin ko nga kay Mommy ang tungkol sa part-time job ko.

Halos maibuga naman ni Mommy ang iniinom at napaubo pa siya ng marinig ang sinabi ko.

"You're working as a what again, Sabrina?" gulat na tanong ni Mommy na nasa akin na ang buong atensyon ngayon.

"I worked as a part-time waitress in a restaurant" mahina na sabi ko sabay yuko at hindi matingnan si Mommy.

"Whaaat?? b-but how? Since when? Why??" Sunod-sunod na tanong ni Mommy at medyo kakitaan mo ng konting galit sabay lingon kay Manang.
"Do you know about these, Manang?"

Napalingon naman ako kay Manang. Nakita kong yumuko si Manang bago tumango.

"Manang naman! What if something bad happened to her? Hindi naman yan sanay sa trabaho" seryosong sabi ni Mommy.

"Mommy, it's my fault. Walang kinalaman dito si Manang. Nakiusap lang ako sa kanya na huwag sabihin sa iyo. I just want to help." paliwanag ko naman kay Mommy.

"Help?? Do you think nakakatulong ka? Paano kung may nangyari sayo? Nagcocommute ka pa. God! Sana sinama nalang kita sa Amerika."

"Madeleine, relax. Nothing bad will happened to Sabrina. I had her followed, right?" singit naman ni Tito Samuel na pilit pinapagaan ang sitwasyon.

Nakita kong hinilot ni Mommy ang sentido at pumikit. Maya maya minulat nito ang mga mata at mahinahon na nagsalita.

"Okay. I'm sorry, Manang. Alam mo naman kung gaano ako ka-protective sa anak ko. Lalo na ngayon, siya nalang ang alaalang iniwan sa akin ni Roman." at medyo pumiyok na sabi ni Mommy.

Nagkasundo kami ni Mommy. Nakiusap ako at pinagbigyan niya ako sa request kong dalawang linggo pa na magtrabaho, sa kondisyon na hatid sundo dapat ako ng sasakyan. Pagkatapos niyan, gusto niyang magfocus nalang ako ng pag-aaral. She appreciate my effort in helping but she said it's her duty now to take care of things.

See You Again StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon