Chapter 12 - Texts

130 3 3
                                    

Sabrina's POV

Forgot to return?

I looked at Red having no idea of what he's talking about when I suddenly remembered his shirt.

Ngayon pa siya naghanap kung kailan hindi ko naman dala yung shirt niya ngayon. Sino naman kasi mag-aakalang magkikita kami at hahanapin na din niya.

Mabilis ko namang kinuha ang inabot niyang attendance stub.

"You mean your shirt?" pagkukumpirma ko. Nanatili naman siyang nakatitig sa akin. "I'm sorry. Hindi ko dala ngayon" dugtong ko. "I'll return your shirt tomorrow. I promise. I brought it yesterday and--"

"Why is my number is still not on your phone?" tanong niya na tila hindi na pinakinggan ang rason ko.

What? Ano naman ngayon kung hindi nakasave number niya? Muntik ko ng maisatinig iyon pero dahil maraming mga estudyante din sa paligid ay pinigilan ko ang sarili.

"Bakit hindi ka kasi nagpakilala, hindi naman ako manghuhula" mahinang sabi ko sa kanya.

I saw him smirk bago sumeryoso ulit ang mukha.

"Bakit kayo magkasama?"

"You mean Yuseff? Of course, it's for our report. Bakit? May problema ka ba ka sa kanya?"

"About my shirt, was it the reason you waited for me yesterday?" Tila wala naman siyang balak na sagutin ang tanong ko ng ibahin niya ang usapan. Wala naman akong maisip na dahilan pa kaya tumango nalang ako.

"Bakit hindi mo binigay sa akin kahapon kung dala mo na pala?" tanong niya na may pagdududa.

"Are you sure? Tatanungin mo talaga ako niyan? Siyempre nandoon girlfriend mo kahapon. Ano nalang sasabihin niya." Seryosong sabi ko at narinig ko naman ang tawa niya dahilan ng paglingon ng iba kay Red.

Ngayon tumatawa siya samantalang kanina sa library daig pa kaaway ang buong mundo ah! Here I am so concerned about his girlfriend's feelings, and he just laughed at me. I rolled my eyes at him which made him chuckled more.

Nagpasalamat nalang ako sa kanya dahil sa binigay na attendance stub at nagpaalam na.

"We're not done talking!" I heard him say and tried to walk with me.

"Aalis ka na?" Napalingon naman ako sa ibang officers na nagdidistribute parin ng attendance stub.

"We have different tasks and my business there is done. Let me clarify some things with you. Ano yung sinabi mo kanina? I have a girlfriend?" he asked me with amused in his eyes. Binilisan ko nalang lalo ang paglalakad at sinabayan niya din ang bilis ng lakad ko "Who's my girlfriend, then, Sabrina?" he's grinning now like he really loves what we are talking about.

"Of course, it's Kelsey!" walang paligoy ligoy na sagot ko para lubayan na niya ako. Bakit ba siya sumusunod parin sa akin. Isasauli ko naman talaga shirt niya pero bukas pa nga lang.

"Kelsey?" he asked me like he's not sure if he heard it right. "Kailan ko pa siya naging girlfriend? Saan mo naman nakuha ang balitang yan?" tanong niya pero ng wala siyang makuhang sagot mula sa akin ay nagsalita siya ulit.

"Kelsey is just my friend!" he said and tried to look at my eyes just to see if I really believe what he just said.

"You don't believe me? Do you?"

"Does it matter? I have to go. I'll return your shirt tomorrow. I promise" at mabilis na akong lumayo sa kanya.

**

See You Again StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon