Yanni’s POV
“Stephen” tawag ko sakanya.
“Bakit Yan?” tanong niya.
“Pwede mo ba akong samahan ngayon sa mall?” tanong ko sakanya.
“Ay sorry, may training kami e. Alam mo naman, strict yung coach namin. Sorry Bhest ha” sabi niya, ngumiti ako sakanya.
“Okay lang yun” sagot ko.
“Osige, punta na ako ng gym ha. Ingat ka” tas tumayo na siya and naglakad paalis.
-------
Nandito ako sa mall ng makita ko si Mika, anong ginagawa niya dito? Kasama niya kaya si Stephen? Eh, diba may training sila Stephen? Hmmm. Sundan ko kaya sila. Pagkakita ko kay Stephen…
.
.
.
.
.
.
.
.
OMY! Hindi siya si Stephen, linoloko niya lang ba yung bestfriend ko? Sinundan ko lang sila, hanggang sa makalabas na sila ng mall.
“Babe, hatid na kita” sabi nung guy kay Mika
“Uuwi na agad tayo? Ang bilis naman. Pero pagod narin naman ako e, kaya tara na Babe” sabi niya, kiniss nung guy yung cheeks niya O___O
“Sure Babe” tas naglakad na sila paalis, hindi ko na sila sinundan kasi baka saktan ko lang siya, pero sure akong hindi lang si Stephen ang boyfriend nya kundi yung guy rin na kasama niya ngayon. Two timer siya. Tsk. Kainis naman siya. Sasabihin ko nga ito kay Stephen.
Stephen’s POV
“Stephen, may sasabihin ako sayo” sabi ni Yanni.
“Ano yun?” tanong ko sakanya.
“Nakita ko si Mika kahapon sa mall, and may kasama siyang ibang guy” sabi niya, tinignan ko naman siya.
“Tas? Anong gusto mong palabasin? Ha?” tanong ko sakanya.
“Stephen, ano ka ba? Linoloko ka lang niya” sabi niya.
“Tumigil ka nga Yanni, kahit siraan mo si Mika. Hindi mo masisira yung relasyon namin” sabi ko, tas tumayo ako.
“Pero Stephen” tumuloy lang ako sa paglalakad.
Nakakainis naman si Yanni, bakit kailangan nyang sabihin na linoloko lang ako ni Mika? Akala ko ba bestfriend ko siya, pero bakit nya sinisiraan si Mika? Gusto niya bang masira relasyon namin ni Mika?
Pumunta na lang ako ng gym and nagbasketball. Ayoko muna umattend ng class, nakakatamad at ayaw ko munang makita si Yanni. Kabadtrip!
Habang nagbabasketball ako, may tumawag sakin.
"Stephen" tinignan ko siya.
"Ano nanaman?" tanong ko sakanya, yumuko siya.
"Sorry, hindi ko na talaga sisiraan si Mika" siya
"Bakit mo naman kasi siya sinisiraan sakin ha?" tanong ko
"Wala" sagot niya.
"Hindi naman totoo yung sinabi mo kanina sakin, dba?" sabi ko sakanya, tumingin siya sakin pero yumuko ulit siya.
"Hindi" sagot niya.
"Eh bakit mo sinabi yun?" tanong ko.
"Hindi *sob* ko alam" siya.
"Oy, umiiyak ka ba?" tinignan ko yung mukha niya.
"Yanni, bakit ka umiiyak? Anong nangyare?" tanong ko, yinakap niya ako.
"Sorry Stephen, sorry talaga" sabi niya, yinakap ko rin siya.
"Okay lang yun Bhest" then I smiled to her.
"Thank you Stephen, sge. Una na ako ha" siya, tas naglakad na ulit siya.
"YANNI!" sigaw ko.
"Bakit?" tanong niya.
"Sabay na tayo" ako, tas naglakad na ako papuntang sakanya.
"Ha? Hindi ako pupunta ng room" siya.
"Okay lang yun, tara?" nagnod lang siya, tas naglakad na kami.
Yanni's POV
Naglalakad ako pauwi ng bahay, pero may nakita nanaman akong nakakainis. Si Mika. pero ngayon. Wala siyang kasamang guy, nag-iisa lang siya kaya pumunta ako sakanya.
"Mika" tawag ko sakanya, pagkakita niya sakin. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Anong kailangan mo?" tanung niya.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko.
"Okay, sa bahay ko." siya, nagnod nalang ako.
Hindi kami nag-usap hanggang makarating kami sa bahay niya. Pagkadating namin, dumiretso na kami sa kwarto niya.
"Oh? Ano ng pag-uusapan natin?" tanong niya
"Linoloko mo lang ba yung bestfriend ko?" tanong ko.
"Paano pag sinabi kong oo?" siya
"Hiwalayan mo na siya" ako
"Hahahaha, bakit ko naman gagawin yun? Ha?" tanong niya.
"Bakit mo ba kasi siya linoloko?" tanong ko.
"Kasi ang tanga niya" sagot niya, letse naman itong babaeng toh e. Ang sama niya >_<
"Hindi siya tanga! Kasi ikaw ang tanga! Napakatanga mo para lokohin lang siya" bigla niya akong sinampal kaya napahawak ako sa pisngi ko.
"How dare you to say that? Hindi ako tanga Bitch!" sabi niya.
"Ako pa ang naging bitch ngayon? Sno ba yung two timer? Dba ikaw?" she slapped me again.
"I'm not bitch. So shut up! Kahit anong gawin mo, ako ang mahal ng bestfriend mo. Kaya sorry ka girl. Oww, bestfriend ka lang diba? E ako? Girlfriend niya ako, kaya tumigil ka na dyan! Wala kang magagawa, dahil ako ang mahal niya" hindi ko na kaya, kaya naglakad na ako paalis pero bigla siya nagsalita.
"And one more thing girl, hindi ka niya papaniwalaan kahit totoo yung mga sinasabi mo sakanya, dahil nandito ako. Babaliktarin ko lahat ng sasabihin mo sakanya." bigla tumulo yung luha ko and tuluyan ng lumabas ng kwarto. Dumiretso lang ako palabas ng bahay nila and naglakad pauwi ng bahay namin, malapit lang naman kaya okay lang na maglakad ako. Pagkadating ko sa bahay, linapitan ako ni Ate Nina, siya ang kasambahay ko. Oo, akin lang. Mayaman kasi kami e, kaya madami kaming kasambahay, may dalawa akong kapatid na mas bata sakin. Twins sila and 4 years old lang sila. Bigla akong natauhan nung nagsalita si ate Nina.
"Miss Yanni, ano pong nangyari? Bakit may dugo ka sa mukha?" tanung niya.
"Wala po ito. Okay lang po ako. Sge, akyat lang po ako sa kwarto ko" sabi ko tas nagdiretso na papuntang kwarto ko. Tinignan ko sa salamin yung mukha ko, namumula ung right cheek ko and may dugo nga. Grabe, ang lakas niya palang sumampal, dalawang beses pa. Medyo masakit pero mas masakit yung nararamdaman ko, bigla nalang tumulo yung luha ko. Ang sakit palang malaman na linoloko lang ng iba yung taong pinapangarap mo na mahalin ka.