Chapter 22

5.6K 100 2
                                    

Yanni's POV

Pagkagising ko, si Stephen agad ang nakita ko. Natutulog siya sa tabi ko, nakanap siya sa kama habang hawak niya yung kamay ko.

"Stephen" banggit ko ng pangalan niya, nagising naman agad siya.

"Bakit Yanni? May kailangan ka ba? Nagugutom ka ba? Wait lang" sabi niya tas lalabas na sana siya ng room pero pinigilan ko siya.

"Stephen, okay lang ako. Nasan sila mama?" tanong ko sakanya.

"Kausap nila yung doctor" sabi niya naman.

"E si Carl?" tanong ko.

"Nasa labas lang siya" sabi niya naman, umupo naman ako ng maayos.

"Bakit siya nasa labas? Pupuntahan ko siya" sabi ko tas tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Stephen.

"Yan, hindi ka pa malakas. Magpahinga ka muna" sabi niya naman.

"Ano ba Stephen? Gusto ko ngang puntahan si Carl" pagpipilit ko pero hindi niya parin ako pinaalis.

"Yanni naman, magpahinga ka muna. Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala sayo kanina? Nung nakita kitang buhat ni Carl na walang malay sobrang nagpanic ako" lumapit naman siya sakin at hinawakan niya yung kamay ko.

"Kung kailangan kong ibigay yung puso ko sayo para gumaling ka, gagawin ko yun." tinignan ko naman siya, yung mukha niya, sobrang lungkot. Yung panahon na nagbreak sila ni Mika, parang nakikita ko nanaman yung lungkot sa mukha niya, nasasaktan ko nanaman siya. Umiwas nalang ako ng tingin.

"Please Stephen, umalis ka nalang muna" sabi ko habang nakatingin sa bintana, ayokong siyang tignan. Ayokong nakikitang nasasaktan siya lalo na kung ako yung dahilan.

"Kung yan ang gusto mo. Sige, tatawagin ko lang si Carl" sabi niya bago umalis. Tinitigan ko lang yung pintong pinaglabasan niya hanggang sa may nagbukas nun. Si Carl, lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko.

"Hinahap mo daw ako" sabi niya habang nakangiti sakin.

"Oo, sino nagsabi?" tanong ko sakanya.

"Si Stephen, bakit mo pala ako hinahanap?" tanong niya sakin.

"Uhmm. Wala lang" sagot ko sakanya.

"Dami mong alam, ano? Iiyak ka nanaman?" sabi niya, pinalo ko naman siya sa braso.

"Grabe ka ha, pinapunta mo ba ako dito para saktan?" tanong niya sakin habang nakahawak siya sa braso niya.

"Masakit ba?" tapos hinawakan ko yung part na pinalo.

"Hahaha. Hindi noh, ikaw talaga. Bakit mo nga ako pinapunta dito?" tanong niya ulit sakin.

"Namiss kita e, next time ha. Wag mo na akong iiwan, dito ka lang. Ha?" tumawa lang siya.

"Please?" tapos yung mga kamay ko ay magkadikit, yung tuwing nagpliplease ka.

"Hahahaha. Oo na" tas ginulo niya yung buhok ko.

----

Sorry po kung maikli lang yung mga UD ko. Hahaha, vote and comment po kayo ha :D Thank youuuuuuu ^_^

I'm Just His BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon