Yanni's POV
March na ngayon, at hanggang ngayon nagpapanggap parin kami ni Carl. Hindi naman yung sobrang nagpapanggap kasi yung mga ginagawa namin ngayon ay yung mga ginagawa rin namin dati. Si Stephen naman, minsan nagkakasama ulit kami, sumasama kasi siya sa amin ni Carl minsan pero medyo awkward parin kami. Iniiwasan ko parin kasi siya hanggang ngayon, hindi ko nga alam kung bakit ko ba siya iniiwasan e.
Naglalakad ako ngayon papuntang parking, mamaya pa daw kasi makakauwi si Carl kaya nagdala nalang ako ng sariling kotse ko, tumingala ako para tignan yung langit.
"Mukhan uulan" sabi ko sa sarili ko. Ano bayan? March na nga uulan pa, ang layo pa naman nung parking.
Nagsimula ng umambon hanggang sa lumakas na ito. Wala pa naman akong payong, tumakbo ako sa waiting shed para magpasilong.
"Yanni" sabi ng isang pamilyar na boses, tinignan ko naman siya. Sabi na nga e, si Stephen.
"Bakit?" tanong ko sakanya.
"Tara, may payong ako" sabi niya tas binuksan niya yung payong niya.
"Ha? Okay" tas lumapit ako sakanya. Medyo nababasa parin ako kahit may payong na kami, hindi kasi ako dumidikit kay Stephen e, ano ba ito? Ano bang problema ko? Nagulat naman ako ng akbayan niya ako kaya napatingin ako sakanya.
"Ang layo mo kasi, nababasa ka tuloy" sabi niya tas ngumiti siya sakin.
Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kotse ko.
"Sige Stephen, salamat" sabi ko tas ngumiti ako sakanya.
"Wait Yanni" sabi niya tas hinawakan niya ako sa braso, tumingin naman ako sakanya.
"Kayo na pala ni Carl" sabi niya tas ngumiti siya sakin, isang malungkot na ngiti.
"Ha? Oo, matagal ng issue yun ah" sabi ko sakanya.
"Oo nga, nung birthday ko pa." nung sinabi niya yung "nung birthday ko pa" bakit parang may ibang meaning?
"Stephen --" hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil hindi ako makahinga.
"Bakit?" tanong niya, umiling naman ako. Shemay! Ang sakit. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi na talaga ako makahinga.
"Yanni, okay ka lang?" tanong niya, ngumiti naman ako kahit nahihirapan ako. Napasandal nalang ako sa kotse ko, ano ba ito? Wala akong dalang gamot.
"Yanni, okay ka lang ba talaga?" tapos lumapit siya sakin, hindi ko na talaga kaya, nanghihina na ako. Bigla nalang akong natumba, nagblublur na yung paningin ko hanggang sa wala na akong makita. Narinig ko pang sinigaw ni Stephen yung pangalan ko pero nawalan na ako ng malay.
Stephen's POV
Nung nawalan si Yanni ng malay, hindi ko alam yung gagawin ko. Sa sobrang pagpapanic ko sa hospital ko agad siya dinala. At ngayon, hinihintay ko nalang siya magising. Bigla naman bumukas yung pinto.
"Doc, ano pong nangyare sakanya?" tanong ko nung pumasok yung doctor.
"Siguro aware naman ikaw na bawal siyang mapagod masyado at kailangan niyang uminom ng gamot sa tamang oras, dba?" sabi ng doctor.
"Ano pong ibig niyong sabhin?" tanong ko sakanya, ano bang pinagsasabi niya? Bawal mapagod si Yanni at kailangan niyang uminom ng gamot?
"May Terminal Heart Disease ang pasyente" sabi niya.
"Terminal Heart Disease?" nagtatakang tanong ko.
Habang ineexplain niya yung sakit ni Yanni, gusto kong takpan yung tenga ko para hindi marinig yung mga sinasabi niya. Si Yanni, bakit siya may sakit? Bakit niya tinago sakin?
Pinagmamasdan ko lang siya habang natutulog, hindi parin mawala sa isip ko yung mga sinabi sakin ng doctor. Takte, naiiyak ako. Bakit ba ako naiiyak? Hindi naman niya ako iiwan ah, hindi siya mamamatay.
"Stephen?" nginitian ko naman siya.
"Gising ka na pala" sabi ko.
"Bakit ako nandito? Anong nangyare?" tanong niya.
"Hindi mo ba naalala? Nawalan ka ng malay kanina" sabi ko sakanya.
"Ahh. Nasan na yung doctor? Gusto ko ng umuwi" sabi niya, tas umupo siya.
"Nakausap ko na yung doctor, bawal ka pa daw umuwi e, magpahinga ka muna." sabi ko sakanya.
"N-nakausap mo?" tanong niya sakin.
"Oo" sagot ko sakanya.
"Anong sinabi niya sayo?" tanong niya sakin pero imbis na sagutin ko siya, tinanung ko rin siya.
"Yanni, bakit mo tinago sakin? Bakit hindi mo sakin sinabi na may sakit ka?" tanong ko sakanya.
"Bakit? Kailangan mo pa bang malaman? Hindi naman ah" sabi niya sakin.
"Pero bestfriend mo ako, kailangan ko parin malaman yun" sabi ko.
"Bestfriend lang kita, stop acting like you're my boyfriend" sa sinabi niyang yung napayuko ako. Ang sakit masyado.
"Oo nga, bestfriend mo lang ako pero may karapatan naman akong malaman e" sabi ko sakanya.
"Alam mo narin naman, diba? Pwede ka ng umalis" sabi niya.
"Pero --" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil nagsalita siya.
"Please Stephen, just go" sabi niya, napasigh nalang ako.
"Sige, magpahinga ka ha" sabi ko tapos lumabas na ako ng kwarto niya, tinawagan ko naman si Carl tas pinapunta ko siya dito para samahan niya si Yanni.
Yanni's POV
Paglabas ni Stephen, bigla nalang akong naiyak. Nakakainis, ang sama sama ko sakanya. Wala akong ginawa kundi umiyak lang magdamag, bigla naman bumukas yung pinto.
"Carl" sabi ko, lumapit naman siya sa akin at yinakap niya ako.
"Bakit ka umiiyak Yanni?" tanong niya tapos hinaplos haplos niya yung buhok ko.
"A-ang sama ko kasi Carl e, ang daming n-nasasaktan ng dahil sakin" sabi ko tas mas lalo naman akong umiyak.
"Shhh. Hindi ka naman masama at hindi ka nanakit." sabi niya tas pinunasan niya yung luha ko.
"P-pero bakit umiyak kayo nila mama ng dahil sakin? T-tapos pinagtatabuyan ko pa si Stephen, n-nasasaktan ko kayo. A-ang sama sama ko" tinakpan ko naman yung mukha ko gamit yung kamay ko.
"Hindi mo naman kami gustong saktan, dba? Kaya wag ka ng umiyak ha" sabi niya, yinakap niya ulit ako.
"P-pero ako parin ang dahilan. N-nasasaktan ko si Stephen" sabi ko sakanya.
"Yanni naman, wag ka ng umiyak. May reason ka naman dba? Ayaw mo lang siya masaktan ng sobra" sabi niya, tinignan ko naman siya.
"P-pero bakit ganun? K-kahit anong iwas kong para h-hindi siya masaktan, n-nasasaktan parin siya" sabi ko naman tapos napayuko ako, hinawakan niya naman ako sa mukha.
"Tahan na Yanni. Wag ka ng umiyak, bawal sayo ang mastress, dba?" sabi niya, tas ngumiti siya sakin. Nagnod nalang ako.
"Carl, nagugutom ako" sabi ko sakanya.
"Sige, wait lang" sabi niya tas lumabas na siya ng room.
Napahiga nalang ako, alam na ni Stephen na may sakit ako. Sana gumaling ako, pero paano? :'(
----
Sorry po kung natagalan yung UD ko ha. :D Comment and vote po kayo. Salamat :)