Yanni's POV
Pagkapasok ko sa room dumiretso agad ako sa upuan ko kung saan ko katabi si Stephen na nakanap ngayon. Kinalabit ko naman siya kaya umupo siya ng maayos tas tinignan niya ako ng parang gulat. Anong nakakagulat? Tss.
"Hoy Stephen, bakit hindi mo ako sinundo ngayon? Naghintay pa naman ako ng 20 mins sa bahay. Kahit text hindi mo nagawa. Nakakatampo tuloy" sabi ko tas nagpout.
"Ha? Ahh. Eh kasi---" hindi ko na siya pinatapos kasi baka idahilan niya pa yung kahapon.
"Sorry ha, nasanay na kasi ako na sinusundo mo ako araw-araw e. Hehehe" sabi ko sakanya.
"Ah, ganun ba? Sige, susunduin ulit kita bukas" sabi niya.
"Hahahaha. Thank you, makakatipid ulit ako sa pamasahe." sabi ko.
"Bakit kasi hinde ka nagpapahatid sa driver niyo?" tanong niya.
"Eh, magastos sa gas. Bakit? Ayaw mo ba akong sunduin?" tanong ko.
"Hindi naman sa ganun pero---" hindi ko ulit siya pinatapos.
"Yun naman pala eh" sabi ko.
"Pansin ko lang ha, hindi mo ako pinapatapos sa mga sasabihin ko" sabi niya.
"Hehehehe, sorry" tas nagpeace sign ako sakanya.
"Ang kulit mo talaga" tas ginulo niya yung hair ko.
"Esh! Wag mong guluhin" sabi ko pero tumawa naman siya.
"Sorry" sabi niya. Ughh! I hate the word sorry >.<
I'm a great pretender, right? Nagkukunwarian ako na wala lang yung kahapon.
Dumating narin naman yung prof namin and as always, nagdiscuss lang siya and activity.
----
Break time na namin ngayon at nasa cafeteria kami ngayon ni Stephen. Habang kumakain kami, nagsalita si Stephen.
"Yanni" sabi niya, tumingin naman ako sakanya.
"Bakit?" tanong ko.
"Yung kahapon, hindi ka ba galit sa akin?" tanong niya.
"Bakit naman ako magagalit?" tanong ko rin.
"Kasi yung sa narinig mo kahapon" sabi niya ng mahina.
"Hindi ako galit sayo pero sasabihin kong nasaktan ako pero hindi ibig sabihin nun dapat na akong magalit sayo. Wala naman akong karapatang magalit sayo e. Hindi naman tayo para magalit ako sa narinig ko" sabi ko sakanya.
"Pero--" hindi nya ulit natapos yung sasabihin niya kasi nagsalita na ako.
"Ano ka ba? Okay lang yun noh" tas nginitian ko siya. A fake one.
Pagkatapos namin kumain, pumunta na kami sa kanya kanyang room, hindi ko ulit siya kaklase ngayong subject.
(FAST FORWARD)
Uwian na namin ngayon.
"Yanni, tara na. Ihahatid na kita" sabi sakin ni Stephen nagnod naman ako sakanya.
Naglalakad kami ni Stephen papuntang parking ng may tumawag sakin.
"YANNI" tinignan ko yung tumawag sakin, sabi na nga e.
"Wait lang Stephen ha, dyan ka lang" sabi ko sakanya tas pumunta ako kay Carl.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya sakin.
"Humihinga? Nakikipagusap rin sayo" sabi ko.
"Baliw, hindi yung ang ibig kong sabihin. Bakit mo kasama si Stephen?" tanong niya.
"Ihahatid nya ako, don't worry. Okay lang ako." sabi ko, yinakap niya naman ako.
"Wag kang masasaktan ha" sabi niya.
"Tss, opo. Ang sweet mo" sabi ko tas yinakap ko rin siya.
"Kung sweet ako, bakit hindi ako yung minahal mo?" tanong niya kaya sinuntok ko yung braso niya pero hindi sobrang lakas.
"Aray, joke lang" sabi niya.
"CHE! Sige, una na ako. Bye!" sabi ko sakanya.
"Bye, Ingat ka ha" sabi niya.
"Ikaw rin" tas naglakad na ako papunta kay Stephen.
Naglakad na ulit kami ni Stephen papuntang kotse niya, nung nasa kotse na kami binuksan nya yung sa side ko, sumakay na ako and siya rin naman.
Nagkwekwentuhan lang kami habang nasa byahe, pagkadating namin sa bahay bumaba na ako sa kotse niya.
"Thank you Stephen, ingat ka" tas nagsmile ako sakanya and pumasok na ako sa bahay.