Yanni's POV
Nandito kami sa videokehan ng quantum, nagwawala ako. NYHAHAHAHA! LOL! JOKE LANG! Kumakanta lang kami, ang gwapo nga ng boses ni Stephen e.
Lalo na yung kinanta niya yung Wedding Dress, grabehan lang! Nakakainlove siya lalo :')
And ngayon kakatapos lang namin kumanta, kaya palabas na kami ng quantum. Pero napatigil ako ng tumigil si Stephen sa paglalakad. Tinignan ko yung tinitignan nya. Tinignan ko ulit siya, and nakita kong may luha sa mukha niya.
"Stephen" tinignan niya ako. Then he smiled weakly.
"Wait lang ha, pupuntahan ko lang sila. Dito ka lang" sabi niya.
"Stephen" tawag ko ulit sakanya, tas tinignan niya ako.
"Dyan ka lang" sabi niya, I nodded.
Stephen's POV
Linapitan ko sila Mika and yung guy na kasama niya.
"Mika" ako, tinignan niya ako and nagulat siya nung nalaman niya ako ung tumawag sakanya.
"S-Stephen?" siya.
"Ha-ha-ha. Is this a joke? F*ck! And you!" tas kwinelyuhan ko yung guy.
"Who the hell are you?" I asked him tas sinuntok ko siya, nagsmirk siya and pinunasan yung dugo sa labi niya.
"Her boyfriend" sagot niya, sinuntok ko ulit siya.
"Ha-ha-ha. The heck? Are you f*cking kidding me?" tanong ko.
"I'm not" sagot niya, tas sinuntok ko ulit siya.
"YOU BASTARD! BAKIT MO BA AKO SINUSUNTOK?" tanong niya, tas sinuntok niya ako.
"BAKIT MO KASAMA YUNG GIRLFRIEND KO?" tanong ko.
"ANO BA? TUMIGIL NA NGA KAYO!" si Mika
"Mika, anong pinagsasabi niya?" tanong nung guy sakanya.
"Don't mind him Babe" sagot ni Mika
"Linoloko ka rin pala ni Mika? Wow! Bakit ka ganyan Mika? Ha?" tanong ko sakanya.
"Bakit ang tanga niyong dalawa?" tanong niya, napaclose fist ako.
"Babe?" ung guy.
"Narinig niyo naman, dba? Linoko ko lang kayong dalawa."
"Ha-ha-ha. Takte naman oh" yung guy tas umalis na siya.
"Mika, bakit?" tanong ko.
"Hindi kita minahal Stephen. I'm just playing with you, okay?" tas iniwan niya na ako.
Biglang may yumakap ng likod ko. Si Yanni pala.
"Stephen" siya, humarap ako sakanya.
"Okay ka lang ba? Masakit ba yung sugat mo?" tanong niya tas hinawakan niya yung mukha ko.
"Hindi, okay lang" ako.
"Anong okay? Tignan mo nga yang mukha mo, may dugo. Wait lang, lagyan muna natin ng band aid tas sa bahay mo nalang natin gamutin yan." tas kinuha niya ung band aid sa bag niya tas linagay sa mukha ko.
"Ayan, pareho na tayo. May band aid rin ako sa mukha oh" tas tinuro niya yung right cheek niya. Hinawakan ko yung mukha niya.
"Masakit ba yung ginawa ni Mika sayo?" mukha siyang nagulat sa tanong ko pero ngumiti agad siya.
"Ano ka ba? Okay na ako noh" siya.
"Sorry" ako, ngumiti lang siya.
"Tara, kain muna tayo" yaya ko sakanya, tas naglakad na ako.