Si Yanni Mae Perez ----->
Yanni's POV
Naglalakad ako mag-isa sa hallway palabas ng campus, may training kasi si Stephen e, malapit na kasi ung laban nila sa ibang school kaya minsan whole day na silang nagtratraining. Nakakapagod kaya yun, noh?
"YANNI!" tinignan ko kung sino yung tumawag sakin.
"YOW CARL!" ako, tas nagappear kami. Hahaha, ganyan kami kaclose.
Madalas ko narin siya nakakasama. Minsan, sumasabay siya sa amin ni Stephen, magkakilala naman sila kasi mahilig rin magbasketball si Carl and karamihan ng kaibigan niya ay varsity sa basketball kaya tumatambay rin siya sa gym ng school and tuwing hindi ako mahahatid ni Stephen, siya naman yung maghahatid sakin. Odiba? Siya yung 2nd bestfriend ko. Nyahahaha! Nakakapagtaka ba kung bakit lalaki yung mga bestfriend ko? Kasi dati, plinaplastic lang pala ako ng bestfriend ko na girl kaya ayun, sobra akong nalungkot kaya lalaki nalang ang naging bestfriend ko. Si Stephen kasi ung nagcomfort sakin during those days na malungkot ako, pero may close pa naman ako na mga babae e :)
"Uuwi ka na?" tanong niya sakin.
"Hmmm. Oo, pero gusto ko magmall e." sabi ko sakanya.
"Tara, samahan kita" sabi niya.
"Talaga?" tanong ko, he nodded.
"Yehey! Tara na!" sabi ko tas hinala ko siya palabas ng room.
"Oy! Dala ko yung kotse ko" sabi niya kaya napatigil ako.
"Bakit hindi mo agad sinabi?" tanong ko sakanya.
"Hinila mo kaya ako" sabi niya tas hinawakan niya ako sa wrist, tas siya naman yung nanghila sakin.
"Ano bayan? Napagod pa ako" tas nagpout ako.
"Stop pouting Yanni, ikaw ang may kasalanan" sabi niya.
"Oo na, basta libre mo ha" sabi ko.
"Opo. Hahahaha" tas binuksan niya yung kotse niya for me.
"Wow! Gentleman si Kuya" sabi ko sakanya tas sumakay na ako ng kotse niya.
Habang nasa byahe kami, nagkwekwentuhan lang kami. Katulad ng, kung anong ginawa namin ngayon. Yun lang. Hahahaha, Btw. Engineer ang course niya. Ang course ko nga pala ay Business Management, pareho kami ni Stephen :')
"Hayyy! Sa wakas, nandito na tayo sa mall" sabi ko, tas lumabas na ng kotse.
"Saan tayo?" tanong niya.
"QUANTUM" sabi ko.
"Ingay mo! Hahaha, tara na" sabi niya sakin tas naglakad na siya, sumunod na lang ako sakanya.
Nung nasa quantum na kami, bumili siya ng 40 tokens. Para tig 20 tokens kami :')
"Tara, basketball tayo" yaya ko sakanya.
"Pataasan?" sabi niya.
"Ayoko nga, mas magaling ka syempre" sabi ko.
Nakakailang mins. na rin ka mi sa basketball, medyo madami na ngang nanunuod e. Ang galing daw kasi NAMIN! Nung natapos naman kami sa barilan naman kami tas sa racing naman tas magbabasketball ulit. Nung tig 4 tokens nalang kami, sa karaoke naman kami. Doon na namin inubos yung token namin.
"HAYYY! Kapagod naman" sabi ko nung nasa labas na kami ng quantum.
"Atleast nag-enjoy tayo, diba?" sabi niya.
"Oo nga. Carl, gutom na ako. Gusto ko ng pizza" sabi ko sakanya.
"Gusto mo sa pizza hut?" tanong niya, then I nodded.