Yanni's POV
"Bakit kasi hindi nalang ako ang mahalin mo? Mahal kita Stephen" tanong ko sakanya.
"Sorry" tas yumuko siya.
"Ano ka ba? Okay lang yun noh. Basta Stephen, tandaan mo. Mahal na mahal kita" ako, sabay punas ng luha ko.
"Sorry Yanni. Sorry talaga" siya, tas yumuko siya.
"Okay lang. Hihintayin ko na lang yung araw na mamahalin mo rin ako" sabi ko sakanya.
"Turuan mo akong mahalin ka. Please? Tulungan mo akong makalimutan si Mika" siya.
"Oo naman." tas hinawakan ko yung mukha niya.
"Tara na, uwi na tayo" sabi ko sakanya niya.
"Sige" siya, tas naglakad na ako.
"Oh? bakit hindi ka pa naglalakad?" tanong ko, ngumiti siya sakin.
"Salamat Yanni" tas naglakad siya papunta sakin.
"Wala yun noh. Tara na" ako, tas naglakad na kami.
Pumunta na kami sa kotse niya, and hinatid niya na ako sa bahay. Pero bago ako bumaba ng kotse niya, hinawakan niya yung kamay ko.
"Yanni. Thank you" tas yinakap niya ako, yinakap ko rin siya.
"Sige, pasok ka na" siya, ngumiti nalang ako sakanya and lumabas na ng kotse niya.
Masakit para sakin yung sinabi niya, kasi hanggang thank you lang siya. Pero, alam kong dadating rin yung araw na mamahalin niya rin ako, kahit matagal pa yun, mag-aantay ako.
-----
Nagulat ako ng pagkalabas ko ng bahay, may lalaking nakasandal sa kotse niya at nakatingin sakin with a smile on his lips.
"Good morning Yanni" he greeted me, tas binuksan niya yung kotse. Pumasok ako, and siya rin namin.
"Ano naman naisip mo at pumunta ka pa sa bahay namin?" tanong ko sakanya.
"Aaraw-arawin ko na ito kaya masanay ka na" tas nagsmile siya. Letse, smile sya ng smile, mas lalo tuloy ako naiinlove sakanya :'D
Habang nagdridrive siya, nagkwekwentuhan lang kami. Nakakatawa nga siya e, parang ewan lang. Pero ang sarap sa pakiramdam na medyo nagiging maayos na siya, bumabalik na siya sa pagiging masayahin ^_^
Pagpasok namin sa room, dumiretso na kami sa upuan namin and mga ilang minutes, dumating na yung prof namin. Hindi ako makapagconcentrate kasi itong katabi ko, nakatitig sakin. Grabe lang, hindi ba siya napapagod sa kakatingin sakin? Tinignan ko siya.
"Yah! Why are you staring at me like that?" tanong ko sakanya.
"Ang cute mo kasi e" then he pinched my cheeks, umiwas ako ng tingin sakanya.
"You're blushing" then he chuckled, I just ignored him pero I slightly smiled.
-----
Wala siyang ginawa kundi pangitiin at pakiligin ako. Nakakatawa nga e, tuwing dinededma ko siya nagpoupout siya, so in the end papansinin ko na siya. Sino ba makakatiis sa lalaking ito? Ang gwapo niya na nga, mabait pa. Napaisip tuloy ako kung bakit siya linoko ni Mika?
"Hey. You're idling" sabi ni Stephen sakin.
"Ha? may sinabi ka ba?" tanong ko.
"Madami na, kanina pa ako nagkwekwento pero wala naman yata akong kinekwentuhan" siya.
"Ay. Sorry. May iniisip kasi ako e" sabi ko sakanya.
"Ano naman yang iniisip mo? Ha? Mas importante ba yan maski sakin?" tanong niya tapos tumingin siya sa kabilang side. Ang cute lang ..
"Wag ka ngang magtampo dyan, syempre mas importante ka para sakin" sabi ko, tumingin naman siya sakin.
"Talaga lang ha?" siya, nagnod ako and I pinched his cheeks.
"Kyeoptaaaa!!" sabi ko.
"Ouch! Grabe ka naman" siya, habang nakahawak sa mukha niya.
"Hehehe, ang cute mo kasi e" ako, nagsmile siya sakin.
"Alam ko" sagot niya, tinulak ko naman siya pero mahina lang.
"Yabang ha" tas tumawa kamiing dalawa.
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo e" sabi niya.
"Oo na, tara na nga" sabi ko tas naglakad na ako papuntang room, sumabay na rin siya sa paglalakad sa akin ng makita namin si Mika, tinignan ko si Stephen, nagkatinginan sila ni Mika pero naglakad ulit siya, nung tinignan ko si Mika, para siyang nagulat. Akala niya siguro kakausapin siya ni Stephen.
"Sige, bye na ha" ako, tas pumasok na ako sa room namin. Magkaiba kasi kami ng klase ngayon e. Hindi ko siya kaklase ng 2 subjects tuwing MWF, before and after mag lunch na klase pero tuwing TTH, 1 subject lang and hindi kami magkaklase and yun ang last subject namin, pero palagi naman pareho ung break time namin kaya nagsasabay kami.
Pagkatapos klaseng ito, uwian na namin ^_^ Tinignan ko yung relo ko, 30 mins nalang, uwian na namin. Hahaha, masyado ba akong excited? :)
Then, UWIAN NA NAMIN! :D
Naglalakad na ako palabas ng campus ng biglang may humila sakin.
"Ay, leshe" sabi ko, nakakagulat naman kasi dba? May bigla nalang hihila sayo.
"Tara, hahatid na kita" sabi ni Stephen with his killer smile. OMY!
As always, nagkwentuhan lang kami ng kahit ano sa byahe, hindi naman ganun kalayo yung bahay namin sa school e kaya mga 10 mins lang yung byahe namin, kasama na rin dun yung traffic. Medyo traffic kasi papunta samin.
"Stephen, ayaw mo pumasok?" tanong ko sakanya nung nasa tapat na kami ng bahay ko.
"Wag na, next time nalang." sabi niya.
"Ahh, sige. Bye. Thank you sa paghatid" ako, tas bumaba na ako ng kotse niya.
Inopen niya yung window tas winave niya yung hand niya.
"Bye" siya
"Bye, ingat ka ha" tas winave ko rin yung kamay ko. Hinintay ko muna siya umalis bago ako pumasok sa bahay.
Pagpasok ko sa bahay, mas lalo akong natuwa. Nandito na sila Mama :')
"MA! PA!" tas yinakap ko silang dalawa.
"We miss you Yanni" sabi ni Papa and he kissed my forehead. Si Mama naman kiniss ako sa cheeks.
"Miss ko rin kayo, bakit hindi lang kayo nagsabi na uuwi kayo? Ang daya niyo" tas nagpout ako.
"Don't pout Yanni, hindi bagay" sabi ni Papa, pinalo ko siya pero mahina lang.
"You're so mean Papa" tas tumawa kaming tatlo.
"Ma, Pa, anong oras kayo dumating?" tanong ko.
"Ngayon lang, siguro mga 20 mins kaming nauna saio. Hmmm, hindi ka naglakad ha. Narinig ko yung tunog ng kotse. Sino yung naghatid sayo?" tanong ni Mama.
"Si Stephen lang yun Ma" sagot ko.
"Is he courting you?" tanong nilang dalawa, hindi ko alam kung kikiligin ako o matatawa ako dahil sa tanung nila. Hahahaha.
"Ano ba kayo Ma? Parang hindi pa kayo sanay e, ganun naman kami, dba?" ako, pero sa isip ko. SANA NGA! Hahahaha :)
"Malay ba namin? Matagal rin naman kami nawala dito e, dba Pa?" sabi ni Mama.
"Oo nga, bagay kayo nun e" sabi ni Papa, feeling ko naman nagblush ako sa sinabi ni Pa. Hahaha :)
"Che! Nang-aasar na kayo e" sabi ko.
"Hahahaha, naasar ka naman? Btw, musta naman ang school natin?" tanong ni Papa.
"Okay naman Pa, yung principal, ang bait bait" sagot ko.
"Syempre, tita mo yun e" sabi ni Mama. Tas tumawa kami. Hahahaha :'D Ang saya namin noh? Para kaming magkakaibigan lang. :')
"Sige Pa, Ma. Punta muna ako ng room ha" sabi ko.
"Sure Yanni" si Mama, umakyat na ako ng kwarto. Hayyyy! Ang saya naman ngayon. Sana araw-araw na :)