Yanni's POV
Nagstay lang ng ilang hours si Carl samin, at hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa sinabi niya sakin. Nakakagulat kasi e, ang tagal niya na pala akong kilala tas ngayon ko lang siya nakilala. Pero kahit umamin na siya sakin, gumagawa parin siya ng paraan para hindi ako mailang sakanya. Naisip ko, pareho lang pala kami nagmamahal ng taong hindi naman kami mahal.
Biglang nagring yung phone ko, si Stephen?
"Oh Stephen? Bakit ka tumawag?"
(Wala naman, gusto ko lang mag thank you)
"Ahh, ganun ba? Wala yun."
(Bakit ka nga pala umuwi kaagad?)
Hala? Ano bang pwede kong idahilan? Alangan sabihin ko nasaktan ako sa sinabi niya?
(Yanni?)
"Ay, sorry.. Naboring kasi ako e. Ang tagal mo magising. Kinain mo ba yung sopas?"
(Oo naman)
"Sige, goodnight na"
(Ha? Ahh, sge. Goodnight)
Tas inend ko na yung call, napahiga nalang ako sa kama and tinakpan yung mukha ko ng unan. Hanggang kelan ba ako masasaktan??
-----
Nandito ako sa canteen kasama si Stephen, nakayuko lang ako habang kumakain. Hindi ko kasi siya matignan e, OA na kung OA pero tuwing titignan ko siya nasasaktan ako. Ano ba ito? Parang ewan naman ako.
"Yow Stephen and Yanni, makikishare lang ha" tinignan ko yung nagsalita. Sabi na nga e, si Carl.
"Sus, ano pangbago?" sabi ni Stephen tas medyo tumawa.
"Oo nga, welcome ka naman palagi samin e" tas nginitian ko siya.
"Ganun ba? Hahaha, thank you" tas umupo siya sa tabi ko.
Nagkwekwentuhan lang kaming tatlo habang kumakain. Syempre, hindi kami magsasalita kung ngumunguya kami, ang pangit naman nun. Hahahaha. Si Carl naman, joke ng joke, ang corny naman pero tumatawa naman kami ni Stephen.
Pagkatapos namin kumain, pumunta na kami sa kanya kanyang room namin. Hindi kasi kami magkaklase ni Stephen sa next subject ko e.
Nagdiscuss lang yung prof namin tas nagpaactivity then next prof na namin, classmate ko na si Stephen ngayon. Pagkatapos ng subject na ito, uwian na namin.
"Yanni, sorry. Hindi kita mahahatid ngayon" sabi niya, tinignan ko siya tas nagsmile ako.
"Ano ka ba? Okay lang noh. Pero ano bang gagawin mo?" tanong ko sakanya.
"May kakausapin lang ako, sige. Una na ako ha" sabi niya tas lumabas na siya ng room.
Pumunta naman ako ng canteen, bibili lang ako ng ice cream. Maglalakad na sana ako palabas ng campus ng may narinig ako, tinignan ko kung sino yung nasa room. Si Stephen? Bakit kasama niya si Mika?